Chapter 19

87 7 0
                                    


"OH MY god, I can't believe that Ardy is capable on doing such thing. Magkapatid sila."sabi ni Avah nang nasa kotse sila ni Steve papuntang ospital.

"All I thought na mabuti ang intensyon ni Ardy kay Denny 'nung nagyaya siya na mag attend sa gathering. All of it was his plan para makalapit kay Denny."saad naman ni Steve.

"Alam na kaya ito ni Denny?"

"I think so pero kailangan nating hintayin na magising si Denny."

Pagdating nila sa ospital ay dumiretso sila sa kwarto ni Blake. Nadatnan nila ang mga magulang ni Blake at ang ilang kamag-anak nito.

"Hi tita, tito."bati ni Avah.

"Avah dear is something wrong? You look worried."tanong ni Esmeralda.

"That's the thing tita. Blake you need to know something, the reason why Ardy wants to kill Denny is because..."

"Because what?"

"M-magkapatid sila." Rinig ang pagkagulat ng mga tao sa loob ng silid sa sinabi ni Avah.

"They're siblings? Pero bakit niya gustong patayin si Denny?"bumuo ang galit ni Blake.

"It's because of their parents at hindi dahil sa shares na gustong bilhin ni Ardy. Or shall I say Carlito Hank Centino."

"Please Avah can you clarify the reason kung bakit gustong patayin ni Ardy or whoever he is si Denny?"

Pinaliwanag ni Avah ang nalalaman niya tungkol sa sinabi ni Ardy. Kumuyom ang kamao ni Blake at halos mapunit na ang kumot.

"That bastard! He will pay for what he did to Denny! I'll make sure na hindi na siya makakalaya sa kulungan at doon na siya mamamatay!"galit na sabi ni Blake.

"Settle down honey. Avah papano nahuli si Ardy? I mean sino ang humuli sa kanya."tanong ni Esmeralda.

"Last night Ardy attempted to kill Denny for the second time ang luckily napadaan si Hanzo sa kwarto ni Denny and he stopped Ardy from killing Denny."paliwanag ni Avah.

"By the God. What kind of monster will do such thing? Lalo na at magkapatid sila."

"He's insane mom at wala na siyang ibang inisip kundi ang ipaghiganti ang tatay niyang kriminal."sumagot si Blake.

"Wait you said Hanzo right? As in Hanzo Nishigawa?" Tanong ni Hunter.

"Siya nga bakit?"Steve.

Nagkatinginan sila sa loob ng silid.

"Well Denny's lucky dahil niligtas siya ng kapatid ni Antonio. It's weird dahil magkapatid sila despite of Hanzo's age."

"We know Hunter, nasabi sa 'min kanina." Avah.

"Hold on bakit parang nag aalala ang mga mukha niyo? May nagawa ba si Hanzo?"

"May kinakaharap na problema ngayon ang mga Del Mundo dahil lumitaw si Hanzo na anak sa labas. Pero hayaan na natin sila, I'm sure they'll get over it." Sabi ni Alejandro.

"I still need to thank him. Kung hindi dahil sa kanya malamang hindi ko na makikita si Denny ngayon."wika ni Blake.

MABIBIGAT ANG mga paa ni Trevor habang naglalakad siya papunta sa silid ng pinsan niya. Ilang araw na niyang sinisisi ang sarili niya dahil sa nangyari kay Denny. Pagpasok niya sa loob ay nilagay niya ang bulaklak sa bedside table.

"Hi Denny. Tatlong araw ka nang walang malay. It's all my fault. You have the every right to get mad at me. Hindi sana ito mangyayari kung sinabi ko agad sa 'yo ang katotohanan. I'm sorry Denny, believe me I really am." Hinawakan niya ang kamay ni Denny.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon