Chapter 26

52 1 0
                                    

"ANG swerte mo pala kay Blake." Sabi ni Lisa habang naghahanda sila ng hapunan.

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Imagine. Nagkaroon raw siya ng selective amnesia hindi ka nga daw niya kilala pero nag effort siya na hanapin ka. Tapos noong nakita ka niya bigla niyang naalala ang mga memories niyong dalawa. This must be the works of true love." Nai-kuwento ni Blake kay Lisa na maging siya ay nagkaroon ng selective amnesia at ganoon na lang ang pagkamangha ni Lisa nang malaman nito na hindi pa nito naaalala ni Blake.

Napaisip si Denny. If this must be true love. Bakit hindi pa niya maalala si Blake? Bakit hanggang ngayon ay may kalungkutan pa rin siyang pinapasan kapag nakikita niya ang lalaki? Gusto na niyang makaalala dahil sa tuwing magkikita silang dalawa ay nahihirapan siya at tila may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib niya?

"Wala pa akong masasabi tungkol diyan, Lisa. Wala pa akong maalala kaya mahirap sabihin na pareho lang kami ng nararamdaman." Bumuntong hininga siya

"'Wag kang mag-alala, Denny. Makakaalala ka rin. Malaking tulong na nandito si Blake para mapabilis ang pagbalik ng mga alaala mo."

"I suppose." He said.

Pagkatapos nilang maghanda ay tinawag na nila si Elsa. Inalalayan naman nila si Banjo na makapunta sa lamesa para kumain. Nagulat sila nang pumasok sa bahay si Blake na may dala dalang pagkain.

"Hi. Puwede ba akong makisalo? I cooked this one." Nilapag ni Blake ang tray ng pagkain sa lamesa.

"Sige, Blake maupo ka. Lisa, kumuha ka ng isang pinggan para kay Blake." Utos ni Elsa.

Napatitig si Denny sa dalang pagkain ni Blake. Sa amoy pa lang ay natakam na siya. Parang nakakain na siya dati nito. Hindi lang niya maalala dahil nagkaroon siya ng amnesia. Paglapag ng plato ni Lisa sa harap ni Blake ay sumandok siya ng kanin. Ngunit hindi para sa kanya kundi para kay Denny.

"You don't have to do this." Mariing sabi ni Denny.

"Why not? I used to do this noong high school noong nanliligaw pa lang ako sa 'yo."

Sa sinabi ni Blake ay nailang si Denny. Tumingin siya kina Elsa na nagumiti lamang. Malamang na tama si Blake pero naiilang pa rin siya.

"And this one is your favorite dish." Sumandok ng kare-kare si Blake saka nilagay sa plato ni Denny.

"Favorite mo pala ang kare-kare, Denny?" Na amaze si Lisa sa sinabi ni Blake.

"Yeah. Ito ang unang niluto ko sa kanya noong bumisita ako sa bahay nila noong high school. Halos maubos nga niya ang isang tray ng kare-kare na niluto ko." Sabi ni Blake na abot tainga ang ngiti na tila binabalik nito ang mga nangyari kahapon.

"Nako. Mukhang marami pa akong gustong malaman tungkol sa inyo. Siguro naman sa dami ng mga iku-kuwento ni Blake ay babalik na ang mga alaala mo, Denny."

Babalik nga ang alaala niya pero malulunod naman siya sa pagkailang dahil pakiramdam niya ay ngayon lang siya naka-experience nang ganito. This kind of gestures makes him uncomfortable. Maybe his old self might not feel this current situation pero iba ngayon. Blake is a total stranger for him kaya mahihirapan siyang mag adjust sa mga ginagawa nito.

"WALA pa ba? Hindi niyo pa ba ma-contact?" Alalang tanong ni Avah.

It's almost a week at hindi nila mahagilap kung nasaan si Blake. Hindi nila magawang gambalain si Trevor dahil subsob ito sa trabaho at nawala na ng panahon para sa sarili. Everything that's happening now is a total catastrophe at nagkakagulo na sila dahil dalawang tao na ang nawawala ngayon.

"Hindi eh. Wala naman siyang sinasabi kung saan siya pupunta. Itong si Blake talaga. No wonder he and Denny has a lot in common. Pareho silang dalawang humahanap ng ikakapahamak nila." Sabi ni Arvie.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon