Chapter 22

76 2 0
                                    


HALOS HINDI na mabuhat nina Denny sa dami ng mga binili nila. Nagulat naman ang mag-asawa dahil sa dami ng mga ito.

"Diyos ko! Masyado naman 'atang marami ang mga pinamili niyo."sabi ni Elsa saka lumapit at kinuha sa kanila ang ibang pinamili nila.

"Ewan ko ba dito kay Danny, nay. Gusto 'atang gawing imbakan ng pagkain ang bahay natin. Saan na lang kaya tayo matutulog nito?" Sabi ni Lisa.

"Oo nga Danny. Baka mauubos mo na ang pera mo sa kakabili mo anak." Sabi naman ni Banjo.

"Ay tay 'wag po kayong mag alala. Ni hindi nga nangalahati ang paggastos ko sa pera."

"O Enzo dito mo ilagay." Sabi ni Lisa.

"Nako Enzo salamat ah. Baka naabala ka namin."hinatid niya sa labas si Enzo.

"Ano ka ba, magkaibigan tayo ayos lang."

Ngumiti sa kanya si Denny, parang tumigil ang lahat para kay Enzo dahil sa ngiting pinakita nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Enzo na parang kinakabayo ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay may kwitis na sumabog sa loob niya sa mga sandaling iyon.

"Enzo!"niwave ni Denny ang kamay niya kaya bumalik sa realidad si Enzo.

"May dumi ba ako? Kanina ka pa walabg imik ah."sabi ni Denny.

"W-wala, ano kasi... May naalala lang ako."palusot ni Enzo.

Napa cross arms si Lisa habang tinitingnan ang dalawa sa labas. Tumango tango siya at pasimpleng ngumiti na parang gustong matawa habang tinitingnan si Enzo. Nakita naman siya ni Enzo kaya nagpaalam na ito kay Denny.

"S-sige Danny mauna na ako. Basta kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako malapit lang naman ang bahay ko."

"Nako. Baka bumaon ako sa utang na loob niyan sa 'yo."biro niya.

"Ayos lang basta ikaw. Sige alis na ako."

"Salamat ulit!"pahabol ni Denny saka pumasok na siya sa bahay.

Habang inaayos nila ang mga pinamili nila ay biglang napahawak si Denny sa noo niya saka kumurap kurap. Bigla na lang kasing sumakit ang ulo niya habang nilalabas sa plastic ang mga de lata.

"Uy Danny, ayos ka lang?" Tanong ni Lisa.

"A-ah oo ayos lang ako."kinuha niya ang baso ng tubig saka uminom. Ilang sandali pa ay may narinig siyang boses sa ulo niya.

"I love you Denny."

"Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin kung mawawala ka."

Pumikit si Denny dahil lalong sumakit ang ulo niya. Kinilabutan siya dahil sa narinig na alam niyang siya lang ang nakakarinig n'on. Napansin naman ni Lisa na panay ang iling ni Denny kaya naalarma na siya.

"Dan. Ayos ka lang ba?"

Tumingin siya kay Lisa, "p-pupunta lang muna ako sa kwarto sandali." Ngunit nang humakbang si Denny ay bigla siyang nawalan ng malay at natumba.

"Ay!! My gosh! Nay! Tay! Si Danny nawalan ng malay!"tawag ni Lisa sa dalawa. Napasugod naman sina Elsa sa lakas ng sigaw ni Lisa.

"Diyos ko anak!" Sabi ni Elsa.

Binuhat ni Banjo si Denny at nilagay sa kama. Hindi naman mapakali si Lisa sa nangyari at parang may ginawa siyang kasalanan.

"Ano ba ang nangyari sa 'yo Danny. Ano ba 'yan!"

Pinaypay ni Elsa si Denny, hindi naman niya napigilan ang mag alala para dito.

"Elsa, baka bumabalik na ang alaala ni Danny." Sabi ni Banjo.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon