MATAPOS nilang kumain ay sabay na silang lumabas sa fast-food chain, naiilang si Denny dahil pinagtitinginan sila ng ilang mga tao habang naglalakad sila, may ilang minuto pa sila bago bumalik, busog na busog si Denny dahil sa panghimagas na kinain nila kanina. Naging malimit ang mga salitang binibitawan ni Blake, ayaw niya kasing mainis si Denny sa kanya dahil mas lalo lang siya nitong pagtulakan papalayo which he can't afford to happen."Denny can I ask you something?"
Tumingin si Denny sa kanya.
"What is it?"
"N-next Sunday kasi uhm... may family gathering kami, I would like to bring you with me para makilala ka nila."
"What for? Bakit importante ba ako para ipakilala mo ako sa kanila?"
He sigh, well Denny has a huge point, wala na palang sila dahil matagal nang tapos kung ano man ang namagitan sa kanila dati. Wala na nga ba?
"W-well naikuwento kasi kita sa kanila dati, and they wanted to meet you kung pwede lang sana, lalo na si Barry na kapatid ko remember?"
Oo nga pala, minsan naikuwento ni Blake sa kanya ang tungkol sa kapatid dati, sa tagal ba naman nun eh malamang nakalimutan na yon ni Denny. At sa dami ng kanyang iniisip ay malabong matandaan pa niya ito, but since Blake reminded him natandaan na niya ito.
"Kinukulit nga niya ako kasi gusto ka niyang makita, hindi kasi natuloy dati ang-"he stopped, ayaw niyang malaman ni Denny ang mga naging plano niya noon para iwas init ng ulo na din.
"Never mind."dumiretso ng tingin si Blake.
"I'll think about it, masyadong busy ang schedule ko, hindi ko alam kung maisingit ko pa yan sa schedule ko."
Nadismaya si Blake, mukhang malabong papayag si Denny sa hiling niya.
"I-it's okay Den, I understand."
Their day has ended at may pagod na silang nararamdaman kaya nagsiuwian na sila at bukas ay babalik nanaman sila. Bago umuwi ni Denny ay may binili siya sa supermarket para sa hapunan niya. Wala siyang kasambahay na uutusan niya na magluto kundi ang sarili niya ang gagawa, ayaw kasi ni Denny na may kasama siya sa bahay kaya hindi siya kumuha ng kasambahay. Hindi naman siya marunong magkalat at masinop siya.
NAKARAMDAM si Blake kakaiba, kaninang umaga pa niya ito nararamdaman. Medyo nilalamigan siya kaya pinatay niya ang aircon ng kanyang kotse. Hindi inaasahan ni Blake na magiging makulimlim ang kalangitan at bigla na lang bumagsak ang malakas na ulan. Ilang sandali pa ng pagmamaneho niya ay biglang pumutok ang gulong ng kotse niya.
"Shit!"sambit niya.
Ito na siguro ang pinakamalas na araw sa buhay niya, pakiramdam niya ay magkakasakit siya, umuulan pa at wrong timing pa ang pag flat ng gulong ng kotse niya, malayo pa siya sa condo niya at wala siyang makitang talyer sa lugar na iyon. Wala siyang choice kundi ang bumaba, susubukan niyang palitan ang tires niya pero nabasa na siya sa lakas ng ulan. Napansin ni Blake na pamilyar sa kanya ang lugar na yon kaya lumingon siya. Hindi pa naman sira ang araw niya dahil nakita niya ang bahay ni Denny.
Masyado nang malamig ang pakiramdam niya dahil sa pagkabasa kaya inabandona na niya ang kanyang sasakyan, pagtapak pa lang niya sa harap ng pintuan ay agad siyang kumatok.
NATIGIL nanaman ang ginagawa ni Denny dahil may kumatok, sino naman kaya ang kakatok sa pintuan eh ang lakas lakas ng ulan? Iniwan na niya ang ginagawa niya saka lumapit sa pintuan at binuksan ito.
To his surprise hindi niya inaasahan na si Blake ang kumatok, basang basa ito sa ulan, where's his car at basang basa siya?
"S-sorry to bother you Den, na flat kasi ang gulong ng kotse ko kaya hindi ako makakauwi."giit ni Blake habang yakap yakap ang sarili.
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...