"NO WAY I'm believing that Sir Denny is Hestia Frost."giit ni Fritz na nasa state of shock parin.
"Duh we saw and hear Sir Denny na siya si Hestia Frost diba?"sabi ni Anna.
"Eh kasi naman sino ang mag aakala na si Sir Denny pala yung idol natin. Nako napaka mysterious talaga ni Sir. Ganyan yung tipo na gusto ko sa isang writer. Yung palaging may twist yung ganon."sabi naman ni Madeline.
"Hay nako mag move on na tayo tsaka araw araw naman natin nakikita si Hestia Frost slash Sir Denny."sabi ni Anna.
KANINA PA hindi maalis ang ngiti ni Blake. Nakalabas na sila ng mall at naglakad lakad silang dalawa ni Denny. Nahawa na din si Denny kaya pati siya ay napangiti na rin. Parang baliw si Blake na ngumingiti kahit walang nakakatawa.
"What?"bahagyang natawa na tanong ni Denny nang tingnan siya ni Blake.
"Nothing. It's just, I'm so amazed by you. Hindi ko naman alam na ganyan ka pala ka talented. I'm happy ang proud of you my love."lalo pang hinigpitan ni Blake ang paghawak niya sa kamay ni Denny.
"Thank you Blake. I know until now gulat parin sina Fritz."
Humarap si Blake sa kanya, "you know what? Nabasa ko ang isa sa mga novels mo. And I saw your creativity on building a character. To be honest hindi ako yung tipo ng tao na nagbabasa ng mga fictional stories, but when I take a peak on your novel. I was fascinated dahil iilang pages ko pa lang binasa ay nagustuhan ko agad."
"Well it is my work to let my readers enjoy it Blake. And I think nagampanan ko naman ang trabaho ko."
"And you did a great job honey."pinisil nito ang ilong ni Denny.
TWO DAYS since Denny revealed himself as Hestia Frost ay mas lalong bumaha ang kanyang social media account. Pinalitan na din niya ang profile pictures niya at ginamit na niya ang kanyang picture.
Hanggang ngayon ay nakababad parin siya sa kanyang laptop at patuloy na sinusubukan na hanapin ang kanyang kapatid. He's keeping to light up his hope that's starting to die dahil kahit anong gawin niyang pagbabad sa internet ay wala talaga siyang makikita na makakatulong sa kanya para mahanap ang kapatid niya.
"Yes. Call me if ever na may nakita ka na. Every details is important to me. Okay bye."pinatay na niya ang tawag. Nag hire si Denny ng private investigator dahil hindi na niya kakayanin na hanapin ang kapatid nang mag isa.
Bumuntong hininga si Denny saka sinara ang laptop. Gulong gulo na ang kanyang isip dahil hindi niya alam kung saan magsisimula. He needed to find his brother dahil ito na lang ang natitirang alaala ng kanyang yumaong ina. Kahit na pinapagaan ni Blake ang loob niya at pinipilit na buhayin ang pag-asa ay hindi parin maiiwasan na mawalan siya ng pag-asa.
Umakyat na si Denny sa kanyang kwarto dahil na rin sa pagod sa trabaho at sa sobrang pag-iisip sa kanyang kapatid. Nagpalit muna siya ng damit saka lumapit sa kama. Hihiga na sana siya nang may marinig siyang ingay sa baba. Inisip na lang niya na may pusa lang na naligaw kaya humiga na siya. Ngunit ilang segundo pa ang lumipas ay may narinig nanaman siyang ingay na parang may nahulog. Kinabahan na si Denny kaya tumayo na siya at binuksan ang pintuan ng kwarto.
Kakaiba ang ingay sa kanyang bahay na lalong nagpakaba sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil dito, hindi siya makampante kaya bumaba na siya. Pumunta siya sa kusina na sa pag aakala na doon nanggagaling ang ingay pero wala siyang nakitang anu mang nahulog. Pumikit si Denny saka bumuntong hininga, babalik na sana siya nang may marinig siyang kaluskos. This time sa labas ng bahay na niya ito narinig. Hindi naman siyang nagdalawang isip na lumapit sa pintuan at binuksan ito. Napayakap siya sa sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin na sumalubong sa kanya.

BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomantikaDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...