Chapter 7

172 11 0
                                    

DALAWANG araw na lang at magsisimula na ang project nila, kasalukuyang nasa harap siya ng laptop at tinatapos ang sinusulat na novel, Denny is not that busy person as he describes his self, masyado lang niyang binababad ang sarili niya sa trabaho para maiwasan ang mga iniisip niya about Blake.

Sumusulat si Denny ng mga romance, fantasy and thriller novel during his free time, in fact best-selling ang mga novels na na-publish niya under his pen name Hestia Frost. Tinatangkilik ng mga tao ang mga nobela niya dahil sa mga cliffhanger at sad endings, kinukulit siya ng mga followers niya na i-release na niya ang susunod na book dahil bitin ang mga ito kung hindi naman ay nag re-request ang mga ito ng sequel dahil sa sad ending.

He's currently working on his novel entitled The Pain sixty percent ng nobela niya ay nakabase sa kanyang karanasan, at first masayang masaya ang main character niya na si Leiro Getty pero sa kalagitnaan ng kwento niya ay biglang naging malungkot ang daloy ng istorya niya. This is how he feels when he felt his first heartbreak. Tumigil sa pagta-type si Denny dahil pakiramdam niya ay sobrang sakit na ang daloy ng kwento niya. May kung anong kumurot kay Denny kaya tinigil na muna niya ang pagsusulat.

Due to his creativeness oh his novels, his followers are over a hundred thousand. Mostly nababasa niya sa mga comments ng mga followers niya ay mga papuri sa mga gawa niya kung hindi naman ay puro mga sakit ng nararamdaman nila ang kino-comment nila. Kahit papano ay natutuwa si Denny dahil sa mga compliment na nababasa niya. Ilang sandali pa ay may tumawag sa cellphone niya. Tumatawag yung publisher ng mga novels niya.

"Yes?"

"Hello Harris good morning."bati sa kanya nito.

"What can I do for you?"

"Are you free next week? May convention kasi ng mga writers can you come? Marami kasing nagre-request na makita ka alam mo namang in demand ang mga novels mo."

Inisip ni Denny ang schedule niya next week, pwede naman siyang mag absent sa ginagawa nilang project pero hindi niya alam kung makakapunta siya, nilihim kasi niya kung sino siya kaya nga ibang pangalan ang ginamit niya at hindi din niya picture ang nasa social media account niya.

"I'll see kung makakapunta ako, susubukan ko."binaba na niya ang cellphone.

Nagdadalawang isip si Denny na pumunta sa convention, kaya nga iba ang ginamit niyang pangalan kasi ayaw niya sa limelight. Hindi pa siya sure kaya hindi muna siya magde-decide.

NASA office si Denny para asikasuhin ang ilang mga papers, pinirmahan na lang niya ang mga ito for approval, wala naman siyang ibang gagawin dahil tapos na ang trabaho niya. Pero mas pinili niya ang mamalagi sa kumpanya niya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

Pagbaba pa lang ni Blake sa kotse ay pinagtitinginan na agad siya ng mga babaeng empleyado ni Denny. He's more handsome than before lalo lang siyang naging mas attractive sa dala niyang isang bouquet bulaklak.

"Sis diba siya yung may ari ng kumpanya doon sa kabila?"sabi ng babae.

"Ang gwapo no? Grabe nakakalaglag panty."said girl number two.

"Alam ko na kung bakit nandito yan."giit naman ng pangatlong babae.

"Halata naman eh may nililigawan ata dito satin."sabi naman ng unang babae.

"Teka alam mo ba kung kanino?"tanong ng ikalawang babae.

Nagkibit balikat ito.

"Kay Sir Denny."napatingin ang dalawang babae sa kanya. Kahit na hindi magtanong ng mga ito ay alam na ng kasama nila kung ano ang dapat niyang sabihin sa dalawa.

"Alam niyo ba na naging sila ni Sir Denny nong college?"

Halatang nagulat ang dalawa sa sinabi nito.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon