"HINDI pa rin ba nagkamalay si Denny?" Tanong ni Elsa nang makauwi ito galing checkup ni Banjo."Hindi pa po eh. Nangyari na ba ito kay Denny dati?"
"Oo. Sa katunayan ay nahimatay na siya dati. Bigla siyang nahilo at natumba. Ang sabi niya ay may mga boses siyang naririnig. Boses ng lalaki. Baka unti unti nang bumabalik ang memorya niya, Blake."
Nabuhay ang saya sa kalooban ni Blake nang sabihin iyon ni Elsa.
"It's for the best kung bumalik na ang mga alaala niya."
Dinukot ni Blake mula sa bulsa niya ang wedding ring na pinasadya pa niya bago sila naaksidente ni Denny. Hindi niya inalis ito sa tabi niya kahit noong hindi pa niya naalala si Denny. Hihintayin niya ang panahon na magkakaalala si Denny at itutuloy niya ang naudlot na kasalan.
Pabalik-balik si Blake sa kuwarto ni Denny dahil hindi siya mapakali. Hinihintay niya na magkamalay ito at gusto niya na siya ang unang makakita pagkamulat ng mga mata ni Denny.
MULA nang mahimatay si Denny ay gusto niyang yakapin nang mahigpit si Blake pero huli na dahil bumigay na ang katawan niya. Sa sobrang bigat ng ulo niya ay hindi na niya kayang tumayo.
Nang imulat ni Denny ang kanyang mga mata ay tumulo ang luha niya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Bumangon siya at umupo. Tila nagising na si Denny mula sa matinding bangungot. Tila nakatakas na siya mula sa mga kadenang nakagapos sa buo niyang katawan at malaya na siyang mabuhay nang matiwasay. Lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman niya ay nalusaw na.
Hindi niya inasahan na bumukas ang kurtina ng kuwarto at iniluwal niyon si Blake at dali dali itong lumapit sa kanya.
"Denny, are you okay? Wala bang masakit sa 'yo? We'll go to hospital para malaman natin kung okay ka or you'll need a medical attention." Giit ni Blake na labis ang pag-aalala sa kanya.
Ngumiti si Denny sala dinampi ang isang palad niya sa mukha ni Blake.
"Masyado kang nag-aalala. Hindi bagay sa 'yo." Sabi ni Denny saka nangingilid ang luha sa mga mata niya.
"Den, hindi mo ako maiiwasan na hindi mag-alala. I've been through a lot of worries."
"Alam ko. Why, I missed you so much."
Biglang kumislap ang mga mata ni Blake. Ito na ba ang matagal na niyang hinihiling? Matutupad na ba sa wakas? Hindi na makapaghintay si Blake kaya kukumpirmahin na niya ngayon mismo dahil parang mapapatalon na siya sa saya.
"D-does this mean that..."
"Yes, Blake. I remember everything."
Tears suddenly fell from Blake's eyes. Hindi matatawaran nang kahit na anong bagay ang labis na tuwa na nararamdaman ni Blake ngayon. Finally. Those agonizing months is all worth to wait dahil lahat nang sakit na pinasan niya noon ay nawala na nang parang bula.
"Denny." Mahigpit na niyakap ni Blake si Denny. Pareho silang umiiyak sa saya.
"I promised that I won't lose you again, Denny." Giit ni Blake sala siniil niya ng halil si Denny.
He missed it so much how he kissed Denny passionately and thoroughly. Halos ayaw na niyang mahiwalay mula sa mga labi ni Denny sa sandaling iyon. Sa wakas ay natapos na rin ang kalbaryo ng buhay nila.
"AVAH, kahit na may life insurance na tayo hindi ibig sabihin no'n eh magiging reckless driver ka na." Sabi ni Steve na halos pigilan niya ang paghinga dahil sa pagmamaneho ni Avah.
"Para kang matandang nerbiyoso. Just buckle up honey. We have no time to waste. It's now or never."
Dahil sa pagmamadali ay walang nagawa si Steven kundi ang hayaang magmaneho ang asawa. Kasalukuyan nilang binabagtas ang daan patungong San Isidro kung saan ay sinabi ni Trevor kung nasaan posibleng naroroon si Blake. Hindi din masisisi ni Steve ang asawa kung bakit ganito ito magmaneho dahil siya din ang nagturo kay Avah na maglaro ng Grand Theft Auto. Kulang na lang at liparin na ang kaluluwa ni Steve sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Avah. Parang wala itong pakialam na magasgasan o bumaliktad ang sinasakyan nila.

BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...