Chapter 16

85 7 1
                                    


PUMUNTA SILA sa malapit na police station sa Woodpark. Magtatanong sila kung may record si Anton doon at hindi sila nabigo dahil may binigay ang pulis sa kanila na impormasyon tungkol kay Anton.

"Masyadong notorious si Anton Centino kaya marami siyang police records kahit saang police station dito sa Del Mundo."giit ng pulis nang iabot nito ang folder.

"Matagal nang patay si Anton bakit niyo po gustong makita ang records niya?"dagdag pa nito.

"Hinahanap namin ang anak niya. My half brother."Denny said dryly.

Halatang nagulat ang pulis sa sinabi niya. Hindi na nito nagawang magtanong pa dahil binuksa na nito abg folder at nagsimulang magbasa.

"I will not be surprised if I saw drug related in this record."saad ni Denny. After he turned the pages several times nakita na din niya ang hinahanap.

"Carlito Hank Centino."sambit ni Denny sa pangalan ng kapatid. Batang bata pa ang itsura ng kapatid niya sa larawan mga anim na taong gulang ito. May nakitang pagkakahawig si Denny sa kapatid sa ibang tao pero hindi niya maalala kung kanino. Hindi naman nito kamukha ang kanilang ina pero malakas ang kutob niya na may nakita na siyang kahawig ng kapatid niya.

"Sir. May alam ba kayong pamilya Centino dito sa Del Mundo?"tanong niya.

"Ang pagkakaalam namin ay walang pamilya dito sa Del Mundo si Anton. Nung una ang akala namin ay taga ibang lugar siya pero nalaman namin na dito siya pinanganak at dito din namatay ang kanyang mga magulang. Bukod doon ay wala na kaming kilalang pamilya nito."

Namatay ang pag-asa sa puso ni Denny nang marinig iyon. Paano niya hahanapin ang kapatid kung wala itong kamag anak? Saan nanaman siya magsisimula sa paghahanap sa kapatid kung sa pagkamatay ni Anton ay wala na itong iniwang bakas na mag-uugnay sa kanila ng kapatid niya?

"But, what happened to his son?"this time si Blake ang nag tanong dahil nanahimik si Denny.

"Simula nung mamatay si Anton ang pagkakaalam namin ay may nag ampon sa bata pero hindi namin alam kung kanino ito napunta."

Lalo lamang nanlumo si Denny. Parang sinasadya talaga na hindi mahanap ni Denny ang kapatid. Lumabas sila ng police station na walang magandang balita. Naisip ni Denny na tinadhana talaga na maging ulila siya, malapit na siyang maging desperado dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag may mangyaring masama sa kapatid. Kung nasaan man ito ngayon o nasa poder man ito ng sindikato na kinabibilangan ni Anton ay sana maayos ang kalagayan nito. Ito na lang muna ang hinihiling ni Denny hangga't hindi pa niya ito nakikita.

DENNY HAS been surfing the internet for almost two hours dahil sa kakahanap niya sa pangalan ng kapatid. He is expecting that the internet will be his only way of finding his brother. Ngunit pati ang internet ay walang maibibigay sa kanya. Pinilit niyang buhayin ang pag-asa na kanina pa unti unting nawawala. Natigil si Denny nang aksidenteng na click niya ang tab na kung saan ay nagsusulat siya. Sa dami ng iniisip niya ay naalala niya na may writer's convention pala and it is happening this week. Tatawagin sana niya ang publisher niya nang unang tumunog ang cellphone niya.

"Hello."sagot niya.

"Oh good evening Denny. I called to remind you about the writer's convention bukas sa ADL Mall. Can you make it?"

Naisip niya na sa kabila ng maraming iniisip ay kailangan din niyang makihalubilo sa mga tao para kahit papano ay maibsan ang problemang iniisip niya, "yes I will make it tomorrow."he answered.

"Great! It's what everyone is waiting Harris. To finally see you in person."halata ang pagkagalak sa boses nito.

"It's time to get up my ass. Sige magpapahinga na ako."pinatay na ni Denny ang tawag.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon