Chapter 11

118 10 1
                                    


HINDI MASUKAT ang saya ni Blake ngayon. Kakaalis lang niya sa office at hindi na siya na abala na magpalit ng damit. Nagpa-reserve siya ng table sa isang Pinoy Restaurant, Pilipinong Pilipino ang style ng restaurant dahil sa dekorasyon na naroon, tila nasa bukid sila dahil sa ambience na hatid ng restaurant.

Naghintay ng ilang minuto si Blake at sa wakas ay natanaw na niya ang kotse ni Denny na pumarada sa labas. Napatayo si Blake nang pumasok si Denny, nilibot nito ang paningin sa loob at tila hinahanap siya, hanggang sa makita siya nito. Lumapit si Blake kay Denny upang dalhin sa table nila.

"Magandang gabi Denny."nakangiting bati niya.

"Good evening too."for the first time simula nang umuwi si Denny dito sa Del Mundo ay ngumiti ito. Ngiti ng saya. Bahagya namang natigil si Blake dahil sa amusement.

BIGLANG lumakas ang tibok ng puso ni Denny nang makita niya si Blake, naka pang office attire pa ito at halatang kaaalis lang galing trabaho. He's even handsome this time, mas lalo lang itong gumwapo dahil sa ngiti nito. Hindi niya napigilang ngumiti matapos siyang batiin nito. Dinala siya ni Blake sa table nila at nag order sila ng pagkain.

"Salamat naman at pumayag ka na mag dinner kasama ako."giit ni Blake.

"Mabuti na rin iyon kaysa sa bahay ako maglagi, it's better this way."

Dumating na ang order nila saka nagsimula na silang kumain.

"Mabuti naman at may panahon ka pa para sa sarili mo."sabi ni Blake.

"Yeah, masyado kasing hectic ang schedule ko at medyo wala na akong panahon na lumabas pa."kahit sa totoo ay pinilit lang talaga ni Denny ang sarili na isubsob sa trabaho ang sarili niya.

"Hindi din kasi healthy sa isang tao na isubsob ang katawan niya sa trabaho."ani Blake.

"Thanks for inviting me anyway."

Ngumiti si Blake"Alam ko naman na kailangan mo rin ng panahon sa sarili mo, like me."

Tumungga ng wine si Blake bago muling nagsalita.

"Would you mind if I ask you something Den?"

Tumigil sa pagsubo si Denny ng pagkain saka tiningnan si Blake.

"Ano pala ‘yon?"

Humugot muna ng lakas ng loob si Blake bago nagsalita.

"May pag-asa pa ba na magkabalikan tayo?"

Deretsong tumingin si Denny kay Blake. He never expected that he will ask that thing. Yes, malaki ang posibilidad na maging sila muli. They're both single at ang tanging hadlang na muli silang magkabalikan ay ang mapait na nakaraan nila na hanggang ngayon ay pilit itong hinahabol si Denny.

"All these years walang tao ang pumalit sa‘yo dito, Den."tinuro nito ang dibdib niya.

"Walang araw o gabi na hindi kita iniisip."bigla na lang naalala ni Denny ang sinabi nina Trevor at Avah sa kanya. Na kapag hindi siya nakakatulog ay may taong nag-iisip sa kanya.

"Naglakas ng loob akong sabihin sa‘yo ito Denny dahil hindi ko na kayang kimkimin ang nararamdaman ko, dahil hanggang ngayon ay....... Mahal parin kita."hinawakan ni Blake ang kamay niya. Nanatiling walang imik si Denny.

"At dahil iyon ang rason kung bakit kita niyaya na mag dinner. Kung mamarapatin mo lang Den, hayaan mong suyuin kita muli. Kung ano man ang ginawa ko noon na nakasakit sa‘yo ng sobra. I'm very... Very sorry for that, hindi ko na kaya na mawala ka pa sa‘kin dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling mangyari pa iyon muli."

Halos kumawala na ang puso ni Denny sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Blake's asking him for a second chance, Denny is still confuse kung pagbibigyan ba niya ang hiling nito na muli silang magkabalikan. Sinisigaw ng puso niya na maaari pa niyang pagbigyan ito pero sa isang sulok ng isip niya ay pinipilit siyang lumayo dito. Tumiim baga si Denny.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon