Chapter 14

112 10 10
                                    


INIIWASAN ni Denny na muling tingnan si Trevor. Gusto niyang gumawa ng excuse para umuwi pero magmumukha siyang bastos kung gagawin niya iyon. Lumipat ang tingin niya sa kinaroroonan ni Blake. He wants to laugh sarcastically dahil sa mga pinaggagawa ng dalawa. He feel sorry for him dahil nagmumukha itong tanga habang trying hard itong pagselosin si Denny.

Nakita ng dalawa na may tumawag sa cellphone ni Denny at nagpaalam ito na sasagutin saka umalis. Hindi na din makatiis si Aika kaya tinigil na niya ang ginagawa. Gusto niyang kutusin si Blake dahil sa plano nitong na dyahe.

"Sablay naman pala 'yang plano niyo eh."sabi ni Ryan nang tumigil ang dalawa.

"It's no use na pagselosin niyo si Denny, masyado na siyang manhid para makaramdam pa ng selos."ani Arvie.

Bumuntong hininga si Blake saka uminom ng wine. He wants to regret about his plan. Lalo lamang siyang nagmumukhang desperado sa mga galaw niya. His hope starts to fade to win Denny back pero binigay na niya ang mga salita niya kay Denny. At hindi siya tatalikod sa mga salitang binitawan niya.

"Okay. I'll see you tomorrow then. Bye."sabi ni Denny saka pinatay na ang tawag.

Inayos muna niya nang bahagya ang buhok niya saka tumalikod para bumalik na sa loob. But as he turn bigla na lang may bumangga sa kanya. Hindi inaasahan ni Denny na makikita niya ang taong ito ngayon.

"Gino."

He smile widely and he look surprised, "ako nga. Hi Denny."sabi ni Gino saka niyakap ito.

"Gosh I didn't expect you to be here."

"Yeah neither do I. May kaibigan ako na taga dito sa Del Mundo, kakatapos lang namin mag -usap."tumigil si Gino saka tumingin sa mga mata ni Denny.

"C-can we talk Denny?"

Hindi siya nagsalita sa halip ay tumango lamang si Denny. Alam niya kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa. Naaawa siya dito kaya pagbibigyan na niya. He had a long trip para lang makatungtong sa Del Mundo. Pumunta sila sa bahagi ng restaurant na hindi masyado nadadaanan ng tao saka doon nag-usap.

"S-sorry if I surprised you Denny. I really want to talk to you."

"I know. Kaya pagbibigyan na kita. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay iiwasan kita."

Humugot muna ng lakas ng loob si Gino bago nagsalita, "wala na ba talaga akong pag-asa sa 'yo Denny?"

Pasimpleng tumingin sa baba si Denny, "sorry Gino pero wala talaga."

"Are you certain about that? Nagkabalikan na ba kayo ng ex mo?"

"No. Hindi."

"Then bakit hindi ako na lang ang mahalin mo?"may pag-aakusa sa mga tono nito.

"That's the point Gino. Wala akong nararamdaman para sa 'yo. Oo naging tayo pero that doesn't mean na mahal kita."

"H-hindi mo ba talaga ako minahal?"

Umiling siya. Ayaw niyang dalhin ng konsensiya niya sa ginawa niya kay Gino. Ngunit heto ngayon ang lalaking minahal siya sa harapan niya begging for his love. Dahil sa matinding pinagdaanan niya noon ay hindi na niya nakita kung ano ang magiging resulta sa ginawa niya kay Gino. Pero wala siyang magagawa kung wala talaga siyang nararamdaman o pagmamahal kay Gino.

"I'm sorry kung ginawa kitang rebound Gino. Believe me I really am. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay hindi ko gagawin sa 'yo ito. I hope you understand me. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa 'yo."

Nakita ni Denny kung paano bumagsak ang mukha ni Gino sa mga sinabi niya. Alam niyang masakit para dito na malaman na wala siyang nararamdaman para dito.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon