Chapter 25

115 4 1
                                    

"I'M NOT leaving." Sabi ni Blake nang makausap niya si Lisa habang si Denny ay kasama ai Enzo.

"Pero sir. Hindi sasama sa inyo si Dan... Denny pala. Hindi pa siya handa."

"Alam ko. Hindi madali para sa kanya ang umalis dito. Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil niligtas niyo si Denny. Kaya hindi na muna ako aalis dito."

"Ha? Ano? Eh paano si Denny?"

"'Wag kayong mag alala. Dito muna ako temporarily. I just wanted to spend my time with him considering na hindi kami nagkita for over three months. At the same time I'll repay the kindness because you treated Denny as part of your family."

Ngumiti si Lisa, "hindi niyo naman kailangan gawin 'yan sir. Ayos lang sa amin na bumalik ang alaala ni Denny. Malaki din ang utang na loob namin sa kanya. Dahil sa kanya eh na operahan si tatay sa kidney."

"Wait. Dahil sa kanya?" Napaisip siya. That must be the reason kung bakit nilimas ang laman ng ATM ni Denny.

"That explains it. Nakatanggap kami ng reports dahil sa transactions sa ATM ni Denny. Mabuti na lang at nangyari 'yon."

"Nakakahiya nga sir eh."

"Please. Just call me Blake. We don't have to treat me formally," bumuntong hininga siya, "at least nandito ako para mabantayan ko si Denny. Hihintayin ko hanggang aa bumalik muli ang alaala niya. Kamusta pala yung tatay mo?"

"Sa awa ng diyos. Puwede na siyang ma discharge sa susunod na linggo. Salamat kay Denny."






Walang imikan sina Denny at Enzo habang nasa tabing dagat silang dalawa. Hindi na magawang magtanong ni Enzo ang tungkol kay Blake. Kitang kita naman ng dalawang mata niya na hindi lang kaibigan ni Denny si Blake. Ang bigat bigat na ng pakiramdam ni Enzo ngayon at sa tingin niya ay babagsak na ang katawan niya. Kasama nga niya si Dennh pero parang ang layo layo na nito sa kanya.

"S-so. Denny pala ang tawag sa 'yo ng boyfriend mo." Pagbabasag ni Enzo ng katahimikan.

"Hindi ko alam kung ano pa ang paniniwalaan ko Enzo. Ako lang 'ata ang nagka-amnesia na magulo ang isip." He scoffed.

"Ngayon at nandito na siya. Yung boyfriend mo. Sasama ka ba sa kanya?"

Tumingin siya kay Enzo, "sa tingin mo ba madaling iwan ang lugar na ito? Enzo sinabi ko na dati na hindi ko basta basta maiiwan ang San Isidro. Naging parte na ako ng lugar na ito."

"Pero nandito siya at kailangan mo nang bumalik sa tunay mong tirahan."

"Enzo ano ba! Pinagtutulakan mo ba ako palayo? Akala ko ba naman kaibigan kita. Pero bakit pakiramdam ko ay gusto mo na akong umalis dito." Namuo ang luha ni Denny sa mga mata niya.

Lumunok si Enzo kahit papano ay gusto niyang maibsan sa sakit na kanina pa niya iniinda, "h-hindi naman sa ganon. Tanggap naman namin kung aalis ka. Masaya nga kami kung sakaling sasama ka na sa kanya. Hindi naman namin pinagkakait sa 'yo ang tunay mong pagkatao."

Umiling si Denny. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso niya sa mga salitang binitawan ni Enzo. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Enzo. "Hindi na kita maintindihan Enzo. Makailang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko pa kayang lisanin ang lugar na ito? Malaki ang utang na loob ko kina tay Banjo. Bakit ba pinagtutulakan mo ako papalayo Enzo?"

Enzo can't hold back the pain anymore. Kailangan na niya itong ilabas dahil parang mauubusan na siya ng lakas kapag nagtagal pa siya sa pagkimkim.

"Bakit?!" Tumaas ang boses ni Denny.

"Dahil masakit Denny! Masakit dahil ni hindi ko magawang sabihin sa 'yo kung gaano kita kamahal!"tuluyan nang bumagsak ang luha ni Enzo.

Alam na ni Denny na sasabihin ito ni Enzo ang gusto lang niya ay manggaling mismo kay Enzo ang mga salitang gusto niyang marinig. Nag uunahan naman sa pagbagsak ang mga luha ni Denny. Naghalo na ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi niya gustong saktan si Enzo ng ganito. Pero kailangang malaman ni Enzo ang katotohanan kaysa patuloy siyang umaasa.

"Wala na akong karapatan na sabihin sa 'yo na mahal kita. Dahil nandito na siya. Alam kong wala na akong pag asa sa 'yo."

"I-I'm so sorry Enzo. Mahal kita pero bilang isang kaibigan lang. Alam kong masakit para sa 'yo na tanggapin ang katotohanan pero kailangan. Ayaw kong patuloy kang umaasa."

"Alam ko naman na wala akong pag asa sa 'yo,"pinunasan niya ang luha niya. "Kailangan ko lang sabihin sa 'yo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kaya ang sakit."

Lumapit si Denny at niyakap si Enzo. Naaawa siya dito dahil mahal siya nito. Kung may magagawa lang sana siya para maibsan ang sakit na nararamdaman ni Enzo ngayon. Dama niya ang sakit sa bawat hikbi ni Enzo na parang isang bata which really pains him a lot.

"Hindi naman magbabago ang pagkakaibigan natin di 'ba?" Tanong ni Denny.

Hindi tumugon si Enzo sa halip ay hinigpitan na lang nito ang yakap niya kay Denny.






Bumili ng mga gamit si Blake at nagtayo siya ng kubo sa tabi ng bahay nina aling Elsa. Tinulungan niyang makauwi si Banjo dahil na rin sa nagpapagaling pa ito.

"Ikakasal na pala kayo ni Denny?" Tanong ni Elsa na hindi naman makapaniwala sa sinabi ni Blake.

"Opo, kung hindi lang ho sana kami naaksidente. Malamang kinasal na po kami," Pahayag niya.

"Hindi naman imposible na yayain mo siyang magpakasal. Bukod sa mabait na matulungin pa at lalong hindi siya mahirap mahalin. Dahil sa kanya naoperahan si Banjo,"

"Mabuti naman po kung ganon at mabuti na lang at nagawa ni Denny na limasin ang pera niya sa ATM dahil doon ay nakita ko na siya,"

Kasalukuyang nasa tabing dagat si Denny at pinagmamasdan ang payapang tubig. Kahit papano ay napapanatag ang kalooban niya. Tila tinatangay ng hangin ang mga iniisip niya pero kusa ding bumabalik ang mga iyon. Maraming tanong ang umiikot sa isip niya and he demands an answer kahit na hindi niya alam kung kanino hihingi ng mga kasagutan.

May napansin siyang paparating kaya lumingon siya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita kung sino ang lumalapit. He can't even believe that this handsome man is his boyfriend. Ngumiti ito habang papalapit sa kanya. Para bang nakita na niya ang mga ngiti nito dati pa. Kahit na may nga balbas na ito ay hindi parin naitatago ang kagwapuhan nito. Tinangay ng hangin ang suot nitong unbuttoned polo shirt revealing his manly chest under the tight white sando. Napalunok si Denny dahil sa nakita kaya umiwas siya ng tingin.

"I assume you're having a peaceful time here,"giit niya.

"I suppose,"matipid niyang sagot.

Katahimikan ang naghari sa pagitan nilang dalawa. Walang balak magsalita si Denny. Kahit na may mga katanungan siya ay mas pinili na lang niya na manahimik. And even though this man knows him already ay naiilang pa rin siya na kausapin ito just like talking to a stranger.

"Ang ganda pala dito no? I'm sure mahihirapan tayong umalis dito. This place is like a paradise,"giit ni Blake.

"My thoughts the same. Dito ko na nga gustong tumira eh," sagot niya.

Tumingin si Blake sa kanya, "but what about our lives we left behind? Alam kong wala ka pang naaalala pero kailangan nating bumalik sa totoo nating buhay."

"Just like you said. Wala pa akong naaalala. Hindi mo ako mapipilit na bumalik kung saan ako nanggaling,"tumingin nang seryoso si Denny kay Blake.

He doesn't want Denny to be upset kaya hindi na lang niya kokontrahin kung ano ang mga sasabihin ni Denny.

"It's fine. Hangga't wala ka pang maaalala. I'll stay here with you Denny. Nangako ako na hindi kita iiwan,"hinawakan niya ang kamay ni Denny.

And suddenly naramdaman ni Denny na parang may kuryente na dumaloy sa pagitan ng kamay nilang dalawa ni Blake. It's like he felt this one before it's just hard to think dahil may amnesia siya. Bago pa man siya bumigay sa mga titig ni Blake ay umiwas na siya ng tingin at binawi ang kamay niya.

"Ikaw ang bahala," naglakad na papalayo si Denny at naiwan si Blake.















***

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon