"NAKO ikaw Denny ha sinasabi ko sayo, maraming naghahabol kay Blake ikaw din baka iiyak ka."ani Avah na kumakain ng chips.
"Hindi ko inaalis ang possibility na yan Avah."
"Well as for me, wala pa naman akong nakikita o naririnig na pinaiyak ni Blake na babae, so abswelto parin kahit papano ang tukmol na yon."dagdag pa nito saka muling sumubo ng chips.
"That's the good thing Avah, pero maiba ako, yung isang kaibigan ni Blake that Steven, I saw how his eyes spark when he saw you."
Tumigil sa pagnguya si Avah nang sabihin iyon ni Denny, all she ever thought na siya lang ang nakapansin nito, malakas din lala ang radar ng kaibigan niya pagdating sa lalaki.
"H-he do?"nag mamaang maangan na tanong niya.
"Sus parang hindi mo din napansin, kilala kita Avah I thought you know a way around man?"
"Y-yes I do, pero sa totoo lang akala ko ako lang ang nakapansin, ang lakas mod din pala eh no?"
"Bingo! Let's face it Avah, wala naman masama kung magkagusto satin ang mga yon, I don't see any reason for us not to like them back, diba sabi mo nga wala pa naman silang history na may napaiyak na sila? So malaki ang percentage na matitino ang mga iyon, well maybe maliban dun sa Ryan na yon."sabi ni Denny.
At first glance Denny smells fishy about Ryan, may naririnig siyang mga balita na marami itong babae at masyado itong playboy, kaya naman ay susubukan niyang idistansya ang kaibigan niya pati na rin ang sarili niya, he can't underestimate that guy's capabilities on making a woman fall for him effortlessly.
"Tama ka about him Denny, among Blake, Steve and Arvie si Ryan ang pinaka delikado sa kanila, let's just be aware about him."giit ni Avah.
"So tell me, kailan mo balak patagalin ang panliligaw ni Blake sayo?"
"Kahit na ilang months pa mapatunayan lang niya ang sarili niya, I'm a practical person Avah at kahit na ganito ako I still deserve someone who's true and faithful."
Pumalakpak ng mahina si Avah.
"Ikaw na talaga, sayo na suko na ako."
"Sira! Ikaw din dapat ganyan din ang gawin mo no babae ka tandaan mo yan."
"Pero seryoso, do you like him?"
Hindi muna nakasagot si Denny, gusto nga ba niya si Blake? Well sa lahat ng mga sinasabi nito sa kanya ramdam niya na totoo at sincere ito sa mga sinasabi sa kanya ni Blake, parang hindi nga niya ito gusto eh, parang mahal na nga niya ito.
"I-I guess I am."
"Ahww!! In love na talaga ang best friend ko."sabi nito saka hinawakan ang kamay niya.
"Pero ito ha payong kapatid, wag na wag mong ibibigay ang one hundred percent ng pag-ibig mo sa kanya, magtira ka sa sarili mo kahit papano dahil kapag dumating ang oras na may mangyaring hindi kaaya-aya sa relasyon niyo, hindi ka masasaktan ng bonggang bongga tandaan mo yan."
"I'll remember that Avah, salamat sa mga payo mo, nakakainis nga lang kung bakit hindi tayo naging magkapatid."
"Wag mong isipin yan, may purpose kung bakit tayo nagkakilala and you know what? I'm grateful that you became my best friend, kaya kung sinaktan ka ng Blake na yon ako mismo ang babali sa mala Adonis niyang pagmumukha."
Napatawa si Denny sa sinabi nito.
"Sira! Wag naman sana humantong sa ganyan."
"Well sana wag."
MATAPOS ang kanilang klase ay umuwi na sila and as usual si Blake ang naghatid kay Denny, sa tuwing kasama niya si Blake ay parang nakasakay siya sa carriage papuntang langit, lalo na at nakikita niya itong nakangiti, it seems that Blake's smile is the source of his energy dahil kahit pagod siya ng konti ay sumisigla muli ang kanyang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...