Five years later
NAKATAKDANG bumalik ng Pilipinas si Denny matapos ang tatlong taon na pamamalagi sa Singapore, dalawang taon ang iginugol niya sa Quezon para sa internship niya bago siya lumipad papuntang Singapore.
Malaki na ang pinagbago ni Denny, kung dati ay palangiti at friendly siya, ngayon ay parang naging introvert siya at pili lang ang mga taong kinakausap niya, humaba ang buhok niya lagpas balikat na lalong dumagdag sa kagandahan ng itsura niya, may mga nagtangkang manligaw sa kanya but unfortunately wala siyang sinagot.
Kasalukuyang nasa harap siya ng laptop niya at tinatapos ang i-review ang mga proposals sa kanya, bukas na bukas kasi ay lilipad na siya papuntang Pilipinas, he'll be back on his home town. Del Mundo. Babalik siya dahil sa isang business appointment, nagpapatayo kasi sila ng mga bagong building sa Del Mundo to make the place more appealing para hindi masabing napag-iwanan na ang kanyang home town sa ibang mga lugar. Taga Del Mundo lang ang architect na magdi-disenyo ng building at sa kanila naman manggagaling ang mga materials na kakailaganin para sa pagpapatayo.
Hindi niya sinabi kay Avah na uuwi na siya, gusto kasi niyang sorpresahin ang best friend niya lalo na ang anak nito, matapos ang graduation ay agad na namanhikan si Steven sa kanila at pumayag naman ang pamilya ni Avah sa pagmamahalan ng dalawa , yun nga lang mas naunang magbuntis ni Avah kaysa ang nagpakasal, they are both happily married at nagbunga ang kanilang pagmamahalan, Danielle Moonstar ang pinangalan nina Steven sa anak nila gaya ng pangalan ni Denny, birthday ng anak nila kaya gusto ni Denny na sa pag-uwi niya ay masorpresa ang bata, kahit malayo ay may communication naman sila through video call kaya kilala siya ng bata, pero bago siya a-attend sa birthday ni Danielle ay aasikasuhin muna niya ang project na ipapatayo sa Del Mundo.
May kumatok sa pintuan ng office niya kaya pinapasok niya ito.
"Sir someone's here to see you."giit ng secretary niya.
"Who?"asked Denny with a soft but full of authority voice.
"Sir Trevor."
"Let him in."binaling niya muli ang paningin sa laptop.
"Hey Den."sabi ni Trevor nang pumasok siya sa office.
After a year nung umalis si Denny sa Del Mundo ay sumunod si Trevor sa Quezon pagkatapos ng graduation then sabay silang lumipad papuntang Singapore.
"What is it Trev?"sinara ni Denny ang laptop niya.
"Mamaya na ang flight ko, are you sure you're not gonna tag along?"
"You know I can't Trev."tinaas niya ang mga papeles sa tabi ng laptop niya.
"Paperworks. Bukas na lang ako susunod sayo."
"I've checked your schedule and your works Den, it's all cleared up so what's the problem bakit ayaw mong sumama?"
"Please Trev, I said bukas na lang I need to rest this living body for a moment."sumandal siya sa backrest ng swivel chair niya.
"Yan ba talaga ang dahilan o baka may iba pa?"
Tumingin ng diretso si Denny sa pinsan.
"When I say susunod ako, susunod ako."said Denny with a serious and deep voice.
"Okay, okay as you wish."tumayo na si Trevor saka inayos ang suit niya.
"I'll go."
"Take care."
Nang makaalis si Trevor ay niroll niya ang kanyang mata saka bumuntong hininga, babalik na siya sa Del Mundo kung saan ay marami siyang naranasan na magaganda at masasamang alaala, at hinding hindi niya makakalimutan ang una niyang heart break, just like the song said "the first cut is the deepest", sa loob ng mahabang panahon ay pinilit niya na burahin sa isip niya ang pangyayaring nanakit sa kanya at ang taong nagparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang magmahal.
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...