DUMATING na ang nakatakdang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Denny at Blake. Isang beach wedding ang idinaos nila. Kahit sa civil lang sila nagpakasal ay guto nila na maging memorable ang araw ng matagal na nilang inaasam.Lahat ay imbitado. Mula classmates at schoolmates hanggang sa mga ka-business partner nila ay nandoon sa kasal. Even Erin Del Mundo and Arian Del Rosario are invited to their wedding.
Naiiyak naman si Zendricko na schoolmate ni Denny sa Del Mundo University habang pinapanood ang pag-martsa ni Denny sa aisle.
"Bakla, kung makaiyak ka napaka-exaggerated mo. Akala mo naman inagaw sa 'yo ni Denny si Blake." Sabi ni Mayella.
"Gaga! Masaya lang ako dahil at last. Naganap na rin ang pag-iisang dibdib nila. Alam mo naman ang pinagdaanan ng dalawa. They deserve every happiness in the world."
"Happiness ba talaga nila kinaiiyakan mo o naaalala mo nanaman siya."
Pinandilatan niya si Mayella dahil sa sinabi nito.
"Ikaw talagang babalina ka. 'Wag mong i-divert sa 'kin ang usapan. Nagsisimula ka nanaman. Bigwasan kita diyan eh." Tumingin silang dalawa sa harap.
After exchanging their vows and message to each other ay hinalikan ni Blake si Denny. Napuno ng kasiyahan ang paligid dahil sa wakas ay official na Sebastian na si Denny.
Kaliwa't kanan ang pagkamay ni Blake sa mga bisita congratulating him and Denny. Hindi biro ang pinagdaanan nila at narating na rin nila sa wakas ang matagal na nilang inaasam.
Wakas
-
Maraming salamat sa mga sumubaybay sa kuwento nina Blakerson at Danielle. Sa susunod na kabanata ay matutuklasan niyo ang pagiging sassy and prankster na si Zendricko Ariella Zalviejo at ang ingkwentro nila ni Alexei De Silva. Thank you sa mga loyal readers ko. You guys are my strength and inspiration. Maraming maraming salamat sa inyo. See you in Del Mundo Paradise book 3.
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...