SA SOBRANG kalasingan ni Blake ay nakatulog siya sa kaniyang kotse, nagising na lang siya nang tumama sa mukha niya ang sinag ng araw. Minasahe niya ang pagitan ng kanyang kilay, kahit na naglasing siya ay hindi parin naalis sa isip niya si Denny. Pinaandar na niya ang sasakyan saka umalis. Bawat araw na dumadaan ay lalong nadadagdagan ang sakit sa puso niya, pakiramdam niya ay may kutsilyong nakatarak sa puso niya na lalong dumidiin sa bawat araw na lumipas.
Narinig ni Alejandro na pumarada ang sasakyan ni Blake kaya dumungaw siya sa bintana. Parang wala sa sarili si Blake habang bumaba siya ng sasakyan. Ibang iba na talaga ito hindi kagaya ng dati. Pagpasok ni Blake sa mansyon ay bumungad agad sa kanya ang ama.
"Where have you been son? It's almost ten AM bakit ngayon ka lang?"
"Wala dad ano lang. Kailangan ko lang mapag-isa."
"Blake why are you doing this to yourself? I know that you're in pain. Yes, I understand that pero, hindi mo naman kailangang pabayaan ang sarili mo."
Sandaling tumahimik si Blake. Kahit na siguro ubusin niya ang lahat ng alak ay hindi pa rin maiaalis ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"We're worried about you son. Sana 'wag mo itong gawin sa sarili mo. You know that Denny will scold you if he saw you like this Blake."
"I-I know dad. Pero hindi ako magkakaganito kung... Kung hindi ako naaksidente at nakalimutan siya, m-maybe hindi ako magkakaganito."
Naawa si Alejandro sa anak niya, "magpahinga ka na Blake. You've been through a lot."tinapik tapik nito ang balikat ni Blake.
"We'll find Denny son. Don't worry."
Tumango laman si Blake saka pumanhik na sa kanyang kwarto. Kahit na nakaramdam na siya ng pagod ay hindi pa rin niya gustong magpahinga. He's working so hard at hindi na niya ininda ang pagod na nararamdaman. For the sake of Denny.
INAYOS NI Lisa ang mga damit sa aparador. Nang paspasin niya ito ay may alikabok na lumabas kaya napaubo siya.
"Diyos ko ilang dekada na ba 'tong hindi nalilinis?" Giit niya saka pinagpatuloy ang paglilinis. Nang mahagip ng paningin niya ang nakahigang si Denny ay napansin niya na gumalaw ang daliri nito.
Kumabog ang dibdib niya dahil posibleng magkamalay na ito. Hindi muna niya inalis ang mata niya dito hanggang sa unti unting dumilat ang mga mata nito.
"N-nay! Tay!" Tumayo siya saka lumabas.
"Nay y-yung.. A-ano."utal utal na sabi nito.
"Lisa umayos ka nga, ano ba kasi 'yon?"
"N-nay yung si.. Gising na!"napataas abg boses ni Lisa.
"Diyos ko, Banjo! Banjo!"tawag ni Elsa sa asawa. Natigil ang pag aayos ng lambat si Banjo dahil sa pagtawag sa kanya ng asawa.
"O Elsa bakit ano'ng nangyari?"
"‘Yung bata gising na!"
Dali dali silang pumasok sa kwarto at nakita nila na gising na si Denny. Dahan dahan nila itong inalalayan sa pag upo pagkatapos ay pinainom nila ito ng tubig.
"Kamusta ang pakiramdam mo anak?" Tanong ni Elsa.
"M-maayos naman po.... N-nasaan ako?"
"Nandito ka sa bahay namin ngayon." Banjo.
"H-ha? Ano'ng ginagawa ko dito? Ano ba ang nangyari?"
Bumuntong hininga si Elsa bago nagsalita, "mahigit tatlong buwan ka nang walang malay, natagpuan ka namin sa dalampasigan na may sugat sa ulo mo."
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...