SUMAPIT na ang araw ng basketball championship at sa Del Mundo University ito gaganapin. Kausap ni Denny si Blake sa labas ng gymnasium.
"This is it, championship na."giit ni Denny.
"Oo nga eh, basta umupo ka kung saan makikita kita ah."
"Sus oo naman ikaw pa ba good luck."
Hinalikan ni Blake si Denny sa noo saka niyakap.
"You are my luck."
Natigilan ang pag-uusap nila nang may narinig silang nag picture.
"Sus baka langgamin kayo niyan, halika na Denny baka hindi makalaro yang si Blake."ani Avah.
"Sige I'll cheer for you Blake."bago pumasok si Denny ay bigla siyang lumapit kay Blake at hinalikan sa pisngi.
Halatang nagulat si Blake dahil sa ginawa ni Denny, naiwan siyang tulala habang tinitingnan si Denny na papasok sa gymnasium. Hindi pa sana siya gagalaw kung hindi siya tinawagan ni Ryan para pumasok na sa loob at mag warm-up.
SIMULA pa lang ng game ay naging mainit na ang laro, first quarter pa lang ay sobra nang nakalamang ng points ang team nina Blake, todo cheer naman sina Avah at Denny sa kanila, lalo pinag-igihan ni Blake ang paglalaro nang makita niya si Denny na todo suporta ito sa kanya. Walang mintis ang mga three point shots ni Blake dahil bago niya ito i-shoot ay tinitingnan niya muna si Denny.
Naiintriga naman ang ilan dahil panay ang tingin ni Blake kay Denny, hindi man lang ito na di-distract dahil ito pa ang naging motivation niya para ipanalo ang laro. Puno ng tao ang gym at halos sigaw ng mga audience ang namayani sa loob.
Sa huling game ay mas lalong nag-init ang labanan dahil humabol ang kalaban, imbes na panghinaan ng loob ay mas lalong nagpursigi ang team ni Blake lalo na siya na igihan ang paglalaro, at nang mai-shoot ang bola sa huling segundo ay mga hiyaw ang naghari sa loob.
Tuwang tuwa sina Avah at Denny dahil nanalo ang team nina Blake, mabilis na tumakbo si Blake papunta kay Denny at pabuhat niya itong niyakap.
"We won!!"masayang sabi ni Blake dahil muli nila inuwi ang honor.
"Congratulations!!"hindi parin nila binibitawan ang isa't isa.
Lubos lubos ang kanilang saya dahil sila ang nagtagumpay sa araw na ito, hindi alintana ni Denny ang pawis ng kanyang nobyo dahil ang mas mahalaga ay ang maiparamdam niya kay Blake na masaya siya para dito. Halos mapako ang tingin ng mga tao sa kinaroroonan nina Denny habang masayang nagyayakapan ang dalawa. Nawala na sila ng paki kung pagtinginan sila ng mga tao sa loob ng gymnasium sa labis na saya nila.
PUMAYAG si Trevor na sumama si Denny kay Blake sumama din kasi si Avah kaya pumayag ito, naghanda kasi ng party si Arvie dahil nanalo sila. Marami ang dumalo mostly mga schoolmates lang.
Nasa isang round table kasama sina Arvie, Steven na katabi si Avah, Ryan na katabi naman ang girlfriend niya at sina Blake at Denny .
"Guys because the victory is ours and this night let's enjoy ourselves." Giit ni Ryan na itinaas ang bote ng alak.
Tumingin si Blake kay Denny.
"Can I drink just this once?" Paalam niya.
Ngumiti naman si Denny.
"Hindi kita pinagbabawalang umimom Blake, wag lang sobrahan kasi nakakasama ang sobra."
"Thanks beb." He said saka hinawakan ang kamay ni Denny.
Naka-dalawang bote na ng beer si Blake at nang makaramdam na siya ng konting hilo ay tumigil na siya, ihahatid pa kasi niya si Denny kaya tumigil na siya, si Denny naman ay juice lang ang ininom dahil baka pagalitan siya ni Trevor kapag nalaman nito na uminom siya.
BINABASA MO ANG
Let Me Go
عاطفيةDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...