Chapter 20

95 4 0
                                    


NAPANOOD NA nina Avah ang footage ng CCTV at nakita nila kung paano sumalpok ang kotse ni Blake. They were even terrified when they saw how Denny fell from the bridge. Kahit papaano ay nakikita nila kung ano ang nangyayari sa kabila ng lakas ng ulan.

"Tukoy na po kung ano ang sanhi ng pileup sa highway. Nawalan po ng preno ang isang truck kaya naararo nito ang mga katabing sasakyan."giit ng pulis.

"P-pero Sir... Yung kaibigan namin... Kailangan niyo siyang mahanap."pagmamakaawa ni Avah na kanina pa umiiyak habang pinapanood abg footage.

"Ika apat na araw na po ang paghahanap sa kaibigan niyo ma'am. Sa lakas po ng baha ng gabing iyon maybe-"

"Or maybe what? Na hindi nakaligtas si Denny?!"tumaas ang boses ni Avah.

"Hon calm down."

"No Steve! You're not the one who lost a friend here, I am!"

"Kaibigan ko din si Denny pero kailangan mong kumalma hon."

"Then how the hell am I going to stay calm kung hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Denny?"

"Ma'am kailangan po nating maging open sa posibilidad na hindi nakaligtas ang kaibigan niyo."

"No.. No.. Buhay si Denny. Buhay siya. Kung hindi niyo magagawa ng matino 'yang trabaho niyo. Ako na mismo ang maghahanap sa kaibigan ko." Mabilis na tumalikod si Avah saka umalis.

"Hon wait!"hinabol siya ni Steve.

"Avah ano ba."hinawakan ni Steve ang braso ni Avah.

"So naniniwala ka na patay na nga si Denny ganon ba?!"

"It's not like that hon. Although I wanted to believe that Denny is still alive pero-"

"Don't Steve. Don't say any words. Akala ko pa naman kaibigan mo si Denny pero sumuko ka agad."tumalikod si Avah saka iniwan si Steve.



Three Months Later





Gumalaw ang mga daliri ni Blake. Ginalaw galaw niya ang kaniyang kamay hanggang sa may kamay siyang nahawakan. Naramdaman ito ni Barry kaya nagising ito.

"K-kuya.. Kuya gising ka na. Doc! Doc!" Tumakbo palabas si Barry para tawagin ang doktor.

Matapos suriin ng doktor si Blake ay tinanggal na nito ang oxygen sa kanya. Matapos suriin si Blake ay nakarating ang mga magulang nito.

"Blake honey are you feeling okay?"tanong ni Esmeralda.

"A-ah yeah I think so. Wait ano ba ang nangyari?"

"Kuya na aksidente ka pati si kuya Denny."sabi naman ni Rosette.

"Rosy! Bakit mo sinabi?"saway ni Barry. As much as possible ayaw nilang sabihin kay Blake ang tungkol kay Denny kahit na tatlong buwan na nilang hindi nakikita si Denny.

"Denny?" Parang may kung anong pumitik sa loob niya nang marinig ang pangalan ni Denny.

"I'm sorry my son." Hinawakan ni Esmeralda ang kamay ni Blake.

"H-hold on. Sino si Denny?"

Nagkatinginan sina Barry nang marinig ang tanong ni Blake. Napatutop si Rosette ng bibig nang may pumasok sa isip niya.

"K-kuya hindi mo natatandaan si kuya Denny?" Tanong ni Barry.

"Barry hindi ako magtatanong kung kilala ko siya. Sino ba siya?"

"Your boyfriend Blake. And you're suppose to get married." Hindi na nag atubiling sumagot ni Esmeralda.

"W-what? Kailan pa? Where is he? I-I have to see him." Biglang nabuhayan ang loob ni Blake sa sinabi ng ina. Kahit na hindi niya ito kilala ay parang may kung anong nagtutulak sa kanya para makita ito.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon