CHAPTER 4: Where are we going?!

905 41 2
                                    

CHAPTER 4: Where are we going?!



It's been a week mula nung pasukan. It's been a week na din mula nang di ako pinansin OR hindi ako makita ni Ara (kahit na sa tabi ko siya mismo dumaan. . .tssssss. . .)

Pero that's already in the past. Ano ngayon kung hindi niya ako pinansin?! Edi hinde! Hindi kawalan yun! Sino ba siya?!

Nabuhay ako ng matagal na wala siya, at kayang kaya ko iyong ipagpatuloy. Mind over matter lang ito.

"Bata gusto mo ng fishball?" Alok sa akin ni Sammy

"Yan lang ba binili mo?"

Adik kasi kami sa fishball. Masarap eh.

"Mukhang wala ka kasi sa mood kaya di ko lam kung gusto mo. May problema ba?"

"Nah! Lee-moment lang, you know. Ano nga pala oras ng last class mo ngayon?" Tanong ko.

"4pm, bakit? May balak ka bang gawin?"

"Pupunta sana ako sa plantasyon mamaya. Pasama sana ako kaya lang ang late na nun kung 4 pa tayo aalis. Hindi kasi pwede si Claire eh, hindi ko naman makontact si Richie."

"Ang tanong Lee, may load ka ba?! Kasi baka kaya di mo siya macontact eh kasi wala kang load."

Oo nah! Ako na yung dakilang kuripot sa load! Kasi naman, kapag nagloload ako eh wala namang nagrereply sa mga katext ko. Nakakawalang-gana lang kasi. Nasasayang yung mga load ko eh.

"Sayang! Miss ko na pumunta dun! Next time ka nalang punta! Sama ako next time, promise!"

"Pinapapunta talaga ako nina tito ngayon dun eh. Isasama kita next time. Wait lang ah." Tinawagan ko ulit si Richie pero busy pa rin yung linya.

Dahil naubos na namin yung fishball na binili ni Sammy eh bumili kami ulit.

Habang tinatawagan ko si Richie ay sinusubuan ako ni Sammy. Sweet diba?! Pabalik na din kami sa tambayan namin kanina.

Wife-material itong si Sammy, ewan ko lang kung bakit wala pa siyang boyfriend ulit. Isang beses palang siyang nakikipag-relasyon. Hindi naman manloloko yung EX niya. Maayos naman silang naghiwalay. Sabi ni Sammy eh nagkaroon sila ng mutual realization na hanggang friends lang talaga sila.

Ayan na, tsinismis ko na buong lovelife si Sammy. Ang dada ko talaga, pero sa isip ko lang naman. May napansin din pala ako. Napansin niyo bang hindi pa pala ako nagpapakilala?

Ngayon ko lang din napansin. Patawa lang.

Anyway, ako nga pala si Analeese Gorospe. Third year in Agricultural Engineering, 19 years old. Mabait sa kakilala, masipag kapag nasa mood at magaling kung alam ko ang sagot.

Kailangan ko pa bang idescribe itsura ko?

Sapat na yung PLAIN. Hindi nila sinasabing pangit ako, either yun nga yung totoo or ayaw nilang mag-aksaya ng panahon para lang ipoint-out na hindi ako maganda. Nagpapasalamat na din ako kung ganun man. .hehe

So ayun nga.

"Lee si Ara oh." Nguso niya sa mga papalapit na estudyanteng bibili din siguro ng fishball.

Hindi ko inangat ang mukha ko pero sumilip ako kasi di ko parin mapigilang hindi siya tingnan. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad pero dahan dahan lang para masmatagal ko siyang makasalamuha.

(Kung matatawag mang pakikisalamuha yung magkakasalubong lang kayo sa daan).


"Hi Ara!" Bati ni Sammy sa kanya.

"Hi Sammy!" Balik naman nung isa.

"Lee, si Ara oh!" Tawag sa akin ni Sammy.

"Hi Lee! Long time no see." Bati niya din sa akin pero di ko siya pinansin. Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon