Chapter 26: Antayan

667 23 34
                                    

Chapter 26: Antayan



ARA'S POV

Monday na ngayon, ibig sabihin eh may pasok!!!! Ngayon lang ata ako na-excite sa pagpunta ng school.

"Oh bat ang aga mo ata ngayon? May fieldtrip kayo?" Tanong sa akin ni Tita.

"Wala po. Bawal bang pumasok ng maaga?"

"Ala-Sais palang kaya. Ikaw ba magbubukas ng skuwela ninyo? Yung totoo, san ka pupunta?" Pangungulit parin niya.

"Sa University po 'Ta. Wala ng iba. Bye 'Ta!" Bineso ko na siya at umalis na. Ngiting-ngiti akong sumakay ng tricycle at pumasok na.

Pagdating sa school eh inayos ko yung blouse at skirt ko. Tinali ko din ulit yung necktie ko. Sinilip ko sa maliit kong salamin kung namumuti ba ang mukha ko o kailangan ko ulit ng retouch. Nang mapagtanto na magandang-maganda na ako ay nilabas ko na yung napakatamis kong ngiti at tumayo na ng tuwid sa harapan ng gate ng skuwelahan namin.

"Miss, hindi ka ba papasok? Mausok dyaan." Tanong ni kuyang guard.

"Good morning kuya. Okay lang po ako dito." Nginitian ko siya at pinagpatuloy ang paga-antay sa taong miss na miss ko.

Paglipas ng ilang minuto eh nagdatingan na din ang mga estudyante. Sa tuwa ko ay shinake-hands ko silang lahat at binati na din ng good morning. Walang makakapigil sa pagka-good mood ko ngayon. . . hehehe

Daig ko pa nga yung mga pulitiko eh. Okay nga ito, kasi may mga bago akong nakikilala at napa-practice ko pa social skills ko. Nung una nga nagdalawang isip pa ako kasi baka isnobin ako eh, buti na lang hinde. . .heheh

May magandang sasakyan na tumigil sa harapan ko. Mula dun eh lumabas sina Cath at Evan.

"Ate Ara!!!" Sigaw ni Cath at sinalubong ako ng yakap.

"Anong ginagawa mo? Bat hindi ka pa pumapasok?" Takang tanong ng binata.

"May inaantay lang ako. Mauna na kayo."

"Sinong inaantay mo?"

"Si. . . . . . Sammy. Gusto mo bang samahan ako sa paga-antay?" Bulong ko sa kanya para hindi marinig ng Prinsesa. Kapag ito narinig niya, ay siguradong siya mismo maga-antay dito. Habang kung si Evan naman eh siguradong aalis agad."

"Wala akong balak mag-antay para sa babaeng plastic at makasarili." At agad niyang binuhat si Cath at pumasok na.

Hah!! Success!!. . . hehehe

Paglipas ng ilang minuto dumating naman sina Oliver at Pres. Nagbatian lang din kami at umalis na sila.

Ang dami na ng mga taong dumaan at inabot na din ng isang oras ang pakikipagkamay ko dito pero wala parin maski anino ng babaeng yun. Bakit nga ba nakalimutan ko yung pinaka-importanteng bagay?! Lagi nga pala siyang late!!!

Haaaaaayyyyyyyyy. . . . .

Inayos ko na ulit ang buhok ko. Sumilip ako ulit sa magkabilaang kalsada para masiguro na wala pa nga talaga siya. Malungkot akong pumasok sa gate ng Unibersidad. Dumagdag pa sa bad-mood ko itong si kuyang guard.

"Miss, late ata nagising yung boyfriend mo!. . . Ang aga mo pa namang dumating. . .hehehe" biro niya.

"Hindi ko siya boyfriend kuya, ni hindi ko nga din siya manliligaw eh. Kaibigan ko lang daw siya. Sabi niya!. . . .blah blah blah blah blah blah blah blah. . . . ." At napakwento na ako sa kanya.

"Hahahahahahahahah. . . . Talaga namang ang sarap maging bata oh! Sige, good luck sa love-life mo. Baka nagpapakipot lang yun! Sunggaban mo lang baka malapit na din yun bumigay. . . Hahaha" Payo sa akin ni kuyang guard.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon