Chapter 2: Phase nga lang ba?

1K 51 1
                                    

Chapter 2: Phase nga lang ba?



"Uhmmm, kung hindi mo mamasamain, . . . . . . . .Lesbian ka ba?"



Moment of truth na ba ito?

Yan din nga tanong ko sa sarili ko eh.

Hanggang ngayon eh di ko pa rin alam yung sagot. Anong sasabihin ko? Alangan namang sabihin kong CRUSH ko siya?!

At para sa ikagagaan ng isip naming pareho, sinagot ko kung ano yung nasa isip kong tama.

"Hinde. Straight ako. Trip lang talaga nina Sammy na gawin ito sa akin. Wag kang mag-alala." 

"Ahhhh, ganun ba. Sorry ah, pinagkamalan pa kita." 

"Hinde ok lang. Sanay na ako. Ganito kasi kami magbiruan ng mga yan eh. Pero wala naman talagang malisya. . . Allergic ka ba sa lesbian?" Paraparaan lang para makakuha ng impormasyon. . Hehehe

"Uhmmm. . . Hindi ko alam eh. Hindi naman ako super allergic na mandidiri kapag nakita ko sila. Though medyo ilang lang kapag nakakasalamuha ko sila. Like, yung iba pa eh nagdadamit at nagaayos lalaki. Yun yung ayoko. Ewan ko. Sayo ba? Ano tingin mo sa kanila? Sorry ah, kung anu ano pa sinasabi ko."

Parang medyo na ouch ata ako ah. Silent rejection ba yun? Pero diba CRUSH lang naman nararamdaman ko eh. Di pa naman ako sure kung lesbian nga ako o ano. Kainis naman itong sarili ko eh.

"Sakin?. . . Ok lang sila sa akin. May mga friends akong gay and lesbian. Though medyo ilang nga rin ako sa mga butch pero ok lang naman silang kaibigan. Iba lang yung point of view nila pero sila pa rin naman yung mga friends ko so ok lang. Kung sakaling mahulog ka sa kanila eh ichicka mo sa akin kung ano yung feeling ah!. . .hehehe" biro ko sa kanya.

"Walang hiya ka! Straight na straight ako noh! Wag mo nga akong isali sa kanila! Baka ikaw itong baluktot, tapos nagkukunwari ka lang para maka tsansing ka sa akin!" Natigilan naman ako dun! Halata ba?! Buking na ba?! Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!

"HANGIN!!!! Kung sakali mang nagkukunwari ako at magtsatsansing, hindi ikaw ang pupuntiryahin ko. Ang ganda kaya ni Sammy, ba't lalayo pa ako?! Diba Sammy?" Kinalabit ko si Sammy na nakikipaglaro sa concentration game.

"Ha?! Anong sinasabi mo?" Tanong niya kasi di niya narinig yung pinaguusapan namin.

"Basta um-oo ka na lang." Utos ko sa kanya.

"Oo" tapos bumalik na siya sa laro.

"Tingnan mo!" Saad ko sa kaharap ko.

"Alam ba niya kung saan siya umo-oo? Mapapahamak siya sa ganyan eh. . .hahaha"

"Ligtas naman siya sa akin eh. Aalagaan ko kaya siya! Selos ka? Gusto mo alagaan din kita?!" Asar ko sa kanya. Tiningnan ko siya ng nakakaloko at itinaas baba ko pa yung kilay ko.

"Hah! Manigas ka! Busted ka sa akin! Hindi ka pa nanliligaw eh busted ka na!" At inirapan niya ako. Sabay tawanan nanaman kami.

"Hoy kayong dalawa! Masyado na ata kayong nagenjoy dyan. Naglalampungan na ba kayo? Dun kayo sa kwarto kung ganun! Ikaw Lee ah, umiiskor ka na!" Napatingin tuloy sa amin yung iba.

"Ikaw naman, iyo lang ako Sammy ko!" Sabay tabi sa kanya at yumakap.

"Eeeeehhhh! Lumayo ka nga! Hindi tayo talo!" Hinarang niya yung kamay niya sa mukha ko at itinulak naman niya yung isa kong braso para hindi ko siya mayakap.

"Hahaha! Busted! Pano ba yan, maghahanap ka ata sa malayo-layo, kasi yung malalapit eh walang gusto sayo. . . Hahaha" panga-asar ni Ara. Kung alam mo lang na mas nasaktan ako nung sinabi mong busted ako sayo. Haaaaayyyy. . . Oh well, sa totoo lang eh wala naman akong balak panagutan itong mga nararamdaman ko. Malay ko ba kung phase lang ito. Ayoko din naman na maging padalos-dalos.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon