CHAPTER 18: Ang MUNDO, Bow!

720 30 2
                                    

CHAPTER 18: Ang MUNDO, Bow!



LEE'S POV


Andito ako ngayon, nakahiga sa likurang upuan ng sasakyan ng birthday boy. Aakyat sana kami ng bundok para sa birthday niya kaya lang eh katatapos lang ng bagyo kaya delikado. Ending eh Enchanted Kingdom. Dahil marami kami eh convoy kami. Dala din kasi ng iba yung mga special person nila, at dahil wala pa naman ako nun eh syempre wala akong nadala.

As if naman madadala ko yung taong yun. Maliban sa baka hindi niya na ako papansinin eh baka wala na ding dahilan na dalhin pa siya kasi baka di na din ako isasama ng mga friends ko kung sakaling malaman nila.

Naka-earphones lang ako kasi nao-OP ako sa mga kasama ko. Naisipan kasi nila na magpalitan ng banat. Tuwing bumabanat sila eh naaalala ko lang yung taong yun. Naumay tuloy ako sa kanila. Pumikit na lang ako at nagpa-anod sa kanta.

Habang enjoy na enjoy sa tugtog ay biglang tumunog ito para sabibing may text ako. Tiningnan ko ito at isang unregistered number lang pala.

Binuksan ko naman para tingnan kung anong napanalunan ko daw ngayon. May mga tao kasing walang magawa kaya kung anu-anong kalokohan ang tinetxt.

-_______-


TEXT:

Hi! Kamusta celebration ng friend niyo?
Ara nga pala ito.
Binigay ni Harold itong number mo.
Nadaanan ko lang at naalala ko na may lakad kayo ngayon.
So ayun.







0______0




>_____>












<______<
















0______0




Napabangon ako na kinagulat naman ni Zander. Nakaharap kasi siya sa likod, may tinitingnan ata.

"Oh, bakit?" Tanong niya.

Umiling ako, "wala".

Yung feeling na gusto mong sumigaw at magtatatalon, yung feeling na gusto mong suntukin yung upuan sa tuwa, kaya lang hindi ko magawa kasi siguradong ibabaon nila ako sa mga tanong nila. Humiga na lang ako ulit at isiniksik ang mukha sa corner ng upuan.

Sinuntok ko na lang din yung hinihigaan ko kasi di ko talaga mapigilan eh, dahan-dahan lang pra hindi halata pero diniinan ko naman para mailabas yung feeling.

Ano kayang irereply ko? Kung kaagad akong magrereply eh magmumukha akong masyadong enthusiastic, kaya nag-antay muna ako ng sampung minuto.

Sapat na kaya yun? Masyado bang maiksi? Masyado bang mahaba? Hindi ko alam!! Maliban sa family or friends eh wala naman na akong katext na iba. Ni hindi nga ako talaga nagtetext eh! Ano ba?!

Gusto ko ng magreply! Wala pang limang minuto! Aaaaaahhhhhh!

Huminahon ka Lee. Kaya mo 'to. Hinga. . . . . Hinga lang. . . .naka-ilang hinga ako bago bumalik sa pagbabasa ulit sa text. Hindi muna ako nag-compose ng reply kasi baka bigla kong ma-send. . Hehe

Bat antagal ng sampung minuto?!

Bahala na. Kunwari naglalaro na lang ako kaninang nagtext siya kaya kaagad kong nabasa, which is malapit naman sa totoo. Bakit nga ba ako nagsisinungaling? Parang akong sira!

REPLY:

Hi din! Nagmu-music ako kaninang nabasa ko text mo.
Akala ko kung yung mga siraulong nagtetext ng mga pa-raffle.
Eto papunta kaming EK ngayon.
Andito ako sa likod ng sasakyan, mag-isa.
Nao-OP ako. . . .


One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon