CHAPTER 7: Dead-end Sign

828 36 0
                                    

CHAPTER 7: Dead-end Sign



"I like dead-end signs. I think they're kind. They, at least, have the decency to let you know you're going nowhere."

-Anonymous

-_-_-_-_-_-_-_-_-





ARA'S POV

Pababa na ako ng hagdan at nakita kong naga-antay si tita Rebeca sa baba nito.

"Hello po ulit." Bati ko pagbaba ko mula sa last step ng hagdan.

"I-tour daw kita Ara. Ok lang ba sayo kung tawagin kitang Ara?" Sabi ng nakakatanda.

"Ok lang po. Naabala pa po kita." Naglakad na kami palabas ng mansyon. Una niya akong ipinasyal sa veggie greenhouse. Malapit kasi yun sa kusina. Dun na sila kumukuha ng mga niluluto nila.

"Ay wala yun. Ang kaibigan ng Ana namin ay kaibigan din namin." Ngiti niya sa akin. Talagang ramdam mo yung saya niya na makilala ako. Nakakatuwa.

"Buti at may bago na siyang kaibigan." Lingon niya sa isang bintana. Siguro nanduon si Lee.

"Mahiyain yang batang iyan. Pero kung maging kaibigan mo siya, talagang kaibigan mo na siya panghabang-buhay. Tatanggapin ka niya kahit ano ka pa. Huwag mo lang siyang lolokohin." Pagkwekwento niya.

"Magalang yan at mabait. May pagka-tamad nga lang at sobrang moody. Kapag yan wala sa mood, ay nako hindi talaga yan kikibo. . .hahaha. . . Pero madalas naman talagang hindi kumikibo kasi laging tulala, at sobrang kulit din naman kung gising ang diwa! Kaya kapag wala yan dito, halata mong kulang ang pamamahay na 'to. Isa siyang malaking parte." Nakangiti pa rin niyang turan habang naglalakad.

"Swerte po siya at maraming nagma-mahal sa kanya." Saad ko

"Mas swerte kami kasi meron siya. Baby namin yan dito eh. Spoiled na spoiled. . .hehehe"

"Kaya pala utos ng utos! Kayo po pala yung may sala. Sinanay nyo eh!" Nakangiti kong panga-akusa.

"Hahaha. . . Ganun ba siya sa inyo. Ay nako, dapat na siguro naming paluin sa puwit. Masama pala ugali. . Tsk tsk tsk" biro din niya.

Pagkatapos namin sa vegetable garden eh dinala naman niya ako sa flower garden.

GRABE!!! Hindi ko alam kung isang ektarya ba yun na punong puno ng mga bulaklak. Kahit san ka tumingin eh puro bulaklak. 

Naglakad-lakad kami para makita ang sari-saring mga bulaklak. At napadako kami sa isang daanan papasok sa isang maze hedge. Ang yaman pala nina Lee. Grabe!

"Kapag papasok ka dito, makakarating ka sa tree house. Nakikita mo ba yun?" Turo niya sa bahay, as in BAHAY, na nakatayo sa pagitan ng mga makakapal na sanga.

*CLICK!

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog. At nakita ko si tita Rebeca na may hawak na iphone. Kinuhanan niya ata ako ng letrato.

"Bat niyo po ako kinuhanan ng picture?"

"Nakasanayan na kasi ni Ana na kunan ng letrato yung mga dinadala niya dito. At dahil hindi ka niya masasamahan, pinaki-usapan niya nalang ako na ako na lang daw kukuha para sa kanya. Huwag kang mag-alala. Kung ano man itsura mo dito ay normal lang. Mamaya makikita mo yung kina miss Silvieh at sir Zander. Matatawa ka." At pinagtulakan na ako sa pasukan.

"Wait po! Patingin naman po ng itsura ko. Promise di ko buburahin!" Nakakahiya ata yung itsura ko kanina. Bat kasi may papicture-picture pang nalalaman yung babaeng yun eh!

"Hindi pwede. Mamaya siguro pag nagkita na kayo ni Ana. Lah sige na, lakad na." Teka, pano ko malalaman ang daan papunta sa tree house?

"Teka po tita. Pano ako makakarating dun?"

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon