CHAPTER 12: Little Malta

802 30 0
                                    

CHAPTER 12: Little Malta

LEE'S POV

"Baby gising na. Late ka na. Naga-antay na yung agahan mo." Yinugyog ako ni mama.

"Konti na lang." At mas-dinikit ko pa yung noo ko sa aking tuhod. Hinila naman ni mama yung kumot ko. Umupo siya sa tabi ko at alam ko na kaagad kung ano yung balak niya. Bago pa niya ako makiliti ay tumayo na ako at tumakbo papunta sa bathroom.

Agad akong naghanda para pumasok. Madali ko ding kinain yung agahan ko. YUM! Hotdog! KIDS CAN TELL talaga!

Paglabas ko ng gate namin ay wala akong makitang dumadaan na tricycle. Talaga naman oh! Kung kailan ka late eh saka naman walang masasakyan pero kung naglalakad naman ako eh ilang beses nila akong titigilan at tatanungin kung sasakay daw ba ako. Ewan ko lang kung talagang nananadya sila.

May sasakyan kami kaya lang minsan may problema ako sa pagmamaneho kaya di nila ako basta-basta pinapayagan dalhin yun. Ok lang din naman sakin. Takot ko lang noh! Ikaw kayang sapian ng pagde-daydream habang nagmamaneho, di ka kaya atakehin nun?. . hahahah

Naglakad ako papunta sa kanto para baka sakaling may makita ako dun. Habang naglalakad, ayan na, may narinig na akong tricycle. Siguro nga talagang effective yung paglalakad para may lumapit na tricy.

"Kuya pakibilisan ah." Pakiusap ko kay kuya. Ngumiti naman siya at tumango.

Akalain mong sinuyod nya yung lahat ng kalsada! Yung diretsong daanan papuntang skwela akalin mong naging zigzag. Nahilo pa ako. Puno na nga yung tricy, hindi pa rin nagpaawat si kuya. Nakalambitin na nga yung iba eh.

Bwisit! Yung late kong 15mins. eh naging kalahating oras. Inis akong bumaba ng sasakyan. Inabot ko yung sampung piso at madali siyang umalis.

"Hoy yung piso ko!!!!!!!!"

9 pesos lang kaya pamasahe! Pinag-hirapan yan ng mga magulang ko. Ibalik mo yung piso ko!!!!! Gusto ko man sanang habulin, hindi ko na lang ginawa. May mga taong sadyang ganun. Haaaayyyyyyy. . .sayang yung piso. . .tsk!

(Hindi ko po sinasabing lahat ng tricycle driver eh ganun. Pero nakakainis lang talaga yung mga ganun. . .huhuhu. . .)

Asar akong pumasok ng gate ng school namin at agad ko ding tinawagan si Claire.

"Asan ka na? Wala pa yung Prof kaya bilisan mo." Agad din naming binaba para makatakbo na ako papuntang room. Sana mauna ako sa Prof namin.

At dahil praktisado na ako sa pagiging late eh, AYUN! LATE PA RIN AKO!. . . Hahahahah

Dumating pala yung Prof pagbaba namin nung tawag kanina. Well, sanay na din naman yung mga Prof namin. Maliban sa pagiging late eh wala naman na silang masasabing mali sa akin. Mabuti naman akong studyante at mabait, kaya nakaka-lusot.

"Kamusta yung lakad mo kahapon? Sino kasama mo?" Tanong ni Claire sa akin.

"Sakto lang. Si Ara yung kasama ko."

"Ara? As in si Ara Aguilar?"

At tumango lang naman ako.

"Kelan pa kayo naging close nun? Bat parang di ko pa naman kayo nakikitang magkasama, maliban nung get-together kina Louise."

"Pakana ni Sammy. Hindi ko kasi matawagan yang katabi mong bugok dyan." Parinig ko sa katabi niyang si Richie.

"May date nga kasi kami ng girlfriend ko. Alangan namang unahin kita?" Laban niya naman sa akin.

"Naging kayo lang ni Jenica eh ganyan ka na. Magsama kayo. Tara na Claire magmerienda na lang tayo." At lumabas na kami ng room. Tapos na kasi yung klase.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon