Chapter 23: Letch*ng Analeese, Sino ba yun?!

647 18 12
                                    

CHAPTER 23: Letch*ng Analeese, Sino ba yun?!

ARA'S POV

Sabado ngayon at andito ako sa bahay. Wala kaming lakad nina Evan kaya balik ako sa pagiging ermitanyo ko.

Maaga akong nagising tulad ng lagi kong ginagawa. Nadatnan ko si Tita sa kusina na naghahanda ng makakain.

"Good morning 'Ta. Anong makakain?"

"Yung paborito natin syempre, pancakes. Halika upo ka na."

"Yes! Thank you 'Ta!"

"Wala kang lakad ngayon?" Tanong niya sa akin. Hindi naman ako lakwatsera, ang totoo nga niyan eh ermitanyo talaga ako sa totoong buhay. . . .hehehe. . .de, biro lang. Taong-bahay lang ako. Si Tita pa nga yung nangungulit sa akin na lumabas eh.

Kung hindi ko lang siya kilala eh baka iisipin kong hate na hate niya ako at gusto niya lang talaga akong umalis.

Pagkatapos ng paghuhugas ng mga pinagkainan eh bumalik na ako ng kwarto. Hinihila ata ako ng higaan ko. Parang gusto ko ng bumalik sa pagtulog.

Tok! Tok! Tok!

Sumilip si tita sa kwarto na bihis na bihis.

"May date ka Ta? Bat ang ganda mo yata ngayon?!" Biro ko sa kanya.

"Che! Oo may date ako. Pakabait ka dito ah. Kung lalabas ka eh itext mo ako. Sige alis muna ako. I love you!" Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Close na close kasi kami ng tita ko. Simula ng mawala ang mama ko eh siya na yung tumayong magulang ko.

"Opo Ta, ako pa! Alam mo namang lagi akong mabait." Ginulo niya yung buhok ko at umalis na.

Humilata lang ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Nang magising eh balik nanaman ako sa pagtitig sa kisame. Nang magsawa ako eh tumayo ako at pumunta sa bookshelf ko.

Naghanap ako ng mababasa pero puro tapos ko na lahat. Hindi ko naman na pwedeng basahin kasi kabisado ko na yung flow ng mga kwento. Basta kasi kwento, kapag nabasa ko na eh nasa-saulo ko na agad. Hindi naman word-for-word, yung gist lang tapos kapag binabasa ko ulit eh saka ko naaalala lahat yung mga specific na details, ganun. Kaya lahat ng mga novels ko at pocket books eh mukhang bago kasi isang beses ko lang sila nabuklat.

Umalis na ako duon at pumunta ako sa sala para manuod na lang ng TV. Bago ako umupo eh kumuha muna ako ng mansanas at chocolate drink. Habang nanunuod eh bigla kong naalala na pumunta pala ng manila sina Lee kasi birthday ng friend nila.

Kamusta na kaya siya? Sabi nila hahanapan nila siya ng boyfriend dun, pano na yan?! Pano kung may makita nga siya, tapos ma-fall siya dun? Pano kung pagbalik niya dito eh hindi na niya ako pansinin? Pano kung magkwekwentuhan kami eh puro yung guy na lang na iyon yung ikwekwento niya? Ayoko ng ganun!

Kinapa ko yung bulsa ko kung nanduon yung phone ko pero wala kaya bumalik ako ng kwarto para kunin ito.

Maaga pa. Baka isipin nun na stalker ako kung itetext ko siya ngayon, late pa naman yun nagigising. Ngayon ano na gagawin ko? 7:00 am palang, baka mayang 9 am pa yung reasonableng oras para itext siya. . . .huhuhu. . . Ang tagal pa nun!

Humiga na lang ulit ako. . . . .

Nag-side-view ako. . . . .

Kabilang side naman. . . . .

Dumapa na ako. . . . .

Aaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!. . . . Ang tagal ng oras!!!

Bumangon na ako. Kailangang may gawin ako, kung hinde eh siguradong mababaliw ako.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon