CHAPTER 13: Meeting You Again
Before you start reading, sasabihin ko lang na may mga naulit na scenes dito. Hindi naman buo, may nadagdag din na iba. Point of view kasi ng ibang tao naman. . .sana pagtiisan niyo. . Thank You ^___^
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
ARA'S POV
"At guwapo din pala!"
Pagkatapos ng ngitian namin eh hindi ko mapigilang mangamba ng todo. Kung iisiping mabuti eh pasadong-pasado si Lee sa mga sinabi ko kaya kinailangan kong sabihin yung huli kong criteria.
Para hindi niya isipin na gusto ko siya.
Para hindi ko din isipin na gusto ko siya.
Kasi sa ilang oras na magkasama kami, puro paghanga at pagkalito ang nararamdaman ko sa kanya. Ok lang naman sana kung simpleng paghanga yun, pero hindi eh.
Yun bang parang may big screen sa harap ko tapos nanduon yung nagbli-blink na sign na 'You, Ara Aguilar, like her!'.
Hindi naman ito yung feeling na pwede mong basta-basta tanggapin. Hindi pa nga ata kami friends eh. Ni hindi ko nga din pa alam yung buong pangalan niya, tapos magfa-fall na ako kaagad sa kanya?
Oo nagkaka-crush din ako sa mga girls. Pero alam kong ibang pagka-crush itong nararamdaman ko.
Mas-tanggap na ngayon ng mga tao ang tungkol sa LGBT society pero marami pa ring hindi payag dito. Aamiin ko na medyo isa ako sa mga taong hindi payag. Kaya isang napaka-laking contradiction itong nararamdaman ko.
"Tsk! Pasadong pasado na eh. Dinagdagan mo pa kasi! Magpagupit na lang din kaya ako? Baka maging guwapo din ako. . . Hehehe" sabi niya habang tumatawa.
What?! Sa cute niyang yan eh magpapaka-lalaki siya? NO!!!!!
"Wag! Sasayangin mo yang ganda mo. Huwag kang magpapagupit." Pigil ko sa kanya.
"Eh yun na lang eks ko sa checklist eh. Pano ako papasa kung may eks ako?"
"Pow, pasado daw sa lahat. Tamad ka daw eh, sabi ni tita Rebeca. At umiinom ka din." Kapal talaga ni crush. Uhm, sa isip lang naman ito tas slip of the mind lang po.
"Umiinom ako pero konti-konti lang. For special occasions lang yun. Hindi ako tamad, wala lang motivation. Kung may motivation ako eh magugulat ka sa mga magagawa ko." Pagmamalaki niya
"Oo na! Basta huwag kang magpapagupit. Ganyan ka lang." Ulit ko pa rin.
"Eh pano mo ako magiging type kung hindi ako guwapo?" Pagpapatuloy niya pa rin. Parang bata, ang CUTE!
Yun ngang mga nag-aaral na hindi pumapasok at hindi nagpa-pasa ng mga requirements eh nakaka-pasa pa rin, ikaw pa kaya na isa lang yung eks. Tsaka bawal na yung magbagsak ngayon kahit yung mga hindi deserving na bata. Kaya hindi mo na kailangang mag-alala pa crush.
Oo tinatawag ko na siyang crush sa isip ko. Sa isip lang naman eh. Tsaka crush lang ito. Promise! Hanggang crush lang talaga ito.
"Hindi mo naman kailangang maging guwapo eh. Ang ganda mo kaya! Crush nga kita eh." Huli na nung mapansin ko yung aking sinabi. Diba sa isip lang ito?! Aaaaaaaahhhhhhhh!
"Crush mo ako?!" Nakangising parang bata. Tuwang tuwa ata itong bata ah.
Nakikipag-lokohan nanaman lang ito. Hindi niya din naman ako seseryosohin eh kaya ok lang siguro na umOO. Hindi niya naman malalaman eh.
"Oo na! Crush na kita! Ikaw yung girl-crush ko. Kaya huwag na huwag kang magpapagupit!" Napipilitan kong turan.
"Linoloko mo lang ako eh! Alam ko linoloko mo lang ako!" Fishing for compliments itong loka!
BINABASA MO ANG
One in a Million
RomanceDati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi...