CHAPTER 17: Ilan Check Mo?

674 32 0
                                    

CHAPTER 17: Ilan Check Mo?






ARA'S POV



"Hi Princess! What have you been up to?" Tanong ko kay Cath. Namimiss ko na din kasi siyang kakulitan eh. Hindi niya na din ako kinukulit para sa kuya niya.

Ngayon kasi eh may teacher Samantha na siya. Bilib din ako kay Sammy, huli niya talaga yung kiliti ni Cath. Almost lahat nga ng batang nakikita kong nakaka-salubong niya eh gustong-gusto siya.

"It's a secret!" Binigyan niya ako ng cute na smile. Ay ang cute naman talaga oh! Niyakap ko siya, di ko mapigilan eh, parang sister ko na din kasi.

"Ah it hurts. . . .Teacher Samantha!" Tinulak niya ako para pakawalan ko siya at kaagad siyang tumakbo sa kinahuhumalingan niyang Teacher Samantha.

Hindi ata narinig ni Sammy yung bata, ayun tuloy-tuloy lang ang lakad. Hindi naman na tinawag ng bata ang dalaga pero sinundan pa rin niya ito.

At dahil iniwan sa akin ni Evan itong princess niya eh syempre sumunod na din ako. Baka sakaling may makita pa akong maganda. Literal na maganda.

Itetext ko na lang sina Evan kung saan nila kami pupuntahan.

Ewan ko ba kung bakit iritang-irita itong Evan na ito kay Sammy. Normaly naman eh, kung gusto ni Cath eh gusto na din niya pero ngayon eh hinde. Hindi ko alam kung nagse-selos siya na mas-gusto ng kapatid niya yung dalaga.

Maliban sa naaawa ako kay Evan kapag hindi siya pinapansin ni Cath eh puro saya na ang nararamdaman ko kapag ganito si Cath. Alam niyo ba kung bakit?!. . . . .

Tumingin kayo sa dalawang naglalampungan na babae dun sa ilalim ng puno.

Wait for it. . . . .

"Let go of teacher Samantha!!!" Sigaw ni Cath sa dalawa at marahas niyang tinatanggal yung pagkakayakap ng malandi kong crush sa two-timer na dalaga. May Evan na nga kasi siya, lumalapit-lapit pa siya sa Lee ko.

Atleast hindi ko na kailangang paghiwalayin pa yung dalawa. May taga-gawa na ako nun, tapos di pa ako mabubuking.

Ayun nagbangayan nanaman yung dalawa. Yung isa eh literal na bata habang yung isa eh napaka-laking isip bata.

"Ayan na yang matchmaker mo Sammy." Panga-asar nina Harold, Oliver at Prescila kay Sammy. Oo friends ko na din sila. Lagi kasing hinahanap ni Cath si Sammy tapos coincidentaly na magkakasama sila tapos kasama naman ako nina Evan, so ayun.

"Sammy, aminin mo na kasi, di ka talaga naliligo no? Kasi naa-amoy ka niyang manliligaw mo eh." Nguso ni Lee kay Cath. Hindi nila alam na spy namin yung mga kasama nila.

Oo, spy namin sina Harold at Pres. Hindi kasi nagrereply si Sammy kung tinetext namin siya. May mutual dislike ata yung dalawa sa isa't isa eh.

"Ang bastos mo talaga! Baka ikaw ang mabaho! Paamoy nga!" Ikinawit ni Sammy ang kamay niya sa leeg ni Lee at hinila niya ito.

Namilog yung mata ko kasi muntik ng mahalikan ng Lee ko yung timer na yun!

Buti na lang at natakpan ni Cath yung mukha ni Lee ko. Kung hinde eh baka nagkaroon na ng giyera.

Nasabi ko na ba na gutong-gusto ko na malapit si Cath kay Sammy? So ito nga yun.

AT. . . . .

Lumapit ako kay Lee at hinila siya palayo kay Sammy. Bakit ba kasi lagi silang magkadikit?! Maiintindihan ko sana kung kambal sila pero hindi naman.

"Ilang beses ba naming sasabihin sayo na huwag mong patulan yang si Cath? Gusto mo ba talagang saktan ka niyang si Evan? Halika nga dito." Umupo kami sa malayo at tulad ng mga nakaraang pagkakataon ay hinawakan ko yung kamay niya.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon