CHAPTER 9: Tree House

796 30 0
                                    

CHAPTER 9: Tree House



ARA'S POV

"Ba't ang bilis mo? Magkausap lang tayo kanina ah." Hindi ako makapaniwala, parang si supergirl eh. Well, di nga naman nagkakalayo itsura. . . .I mean, pwedeeeeee.

"Tumakas na ako kanina pa bago pa tayo magkausap so malapit na talaga ako kanina. Ay hinde, MABILIS TALAGA AKO. Kaya nga sabi ko sayo na ipindot mo na para masmapabilis ka eh, sasamahan kita." At kinindatan niya ako. Medyo nakalimutan ko na kanina yung nangyari sa kwarto, pero ngayon naalala ko nanaman. Tapos yung prize pa naalala ko. Ughhhhhhhhhh. . . 

"Ba't ka nga pala tumili?" Tanong niya habang naghahalungkat sa isang kabinet na fridge pala. Kung alam ko lang na ganun yun eh kanina ko pa hinalungkat yun.

"Sinabi ko na kanina. Nagulat lang ako kasi may naramdaman ako. Yun lang, wala naman na. Don't worry." Pagdadahilan ko.

"Ano ba naramdaman mo?" Tanong niya habang napapalinga sa paligid. Akala niya ata eh may naramdaman akong daga. Buti na lang. Pero mukhang ayaw niya pang tigilan ito. Ano ba naman yan. .  .huhuhu

"Wala nga. Ba't mo ba pinapahaba yung usapan? Basta may naramdaman ako kaya ako nagulat. . . Tsssss"

"Kasi naman po, hindi basta-basta sumisigaw ang mga tao at biglang nanyayakap ng kung SINO-SINO noh." Sabi niya habang ngumunguya ng cookie.

"Eh hindi ka naman kung sino-sino eh."

"Hindi yun ang point ko. . . . ." Nangingiti niyang sabi.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?!" Sinimangutan ko siya. Hindi ko mapigilang maging defensive kapag kausap siya, ewan ko ba.

"Relax!! Ok di na ako magtatanong. . . . .Kamusta yung tour nga pala?" Pagiiba niya ng topic. Kumuha muna ako ng cookie bago sumagot.

"Ok naman. Yung mga kwento ni tita Rebeca eh nakakatuwa. Entertaining. . . Hehe" sabi ko

". . . . . . . . .  . Sana hindi yun tungkol sakin. . . . . Pero chances are. . . . Tungkol nga sakin. . .hahahahah"

"Akala ko pa naman pwede kong ipan-blackmail sayo. . .tsssss. . .mula sa reaction mo eh mukhang ilang beses ng nangyari ito ah. . Hahahaha" natatawa kong sabi.

Hindi siya mapakali sa upuan niya. Nahihiya ata. Ang cute ^__^

"Hindi ka kumportable?" Asar ko sa kanya.

"Hindi ako sanay na ako ang pinagkwekwentuhan. Ikaw ba, kumportable?"

"As long as its not embarasing eh siguro ok lang sakin. Pero sayo ata eh madami-dami ang ganun kaya ka nagkakaganyan. Tama?"

"Fishing for information ka ah. Well, just like everybody else siguro. I actually welcome embarassing situations. Well, most of them. As long as onti lang nakaka-alam. They are life's treasure. Hindi ba? Hehe"

"Well, looking back at them is fun, pero kapag andun ka mismo sa sitwasyon na yun eh hinde. . .hahahah. . .bat di mo na lang akuin yung share ng kahihiyan ko tapos sasamahan na lang kita sa pagbaliktanaw sa mga iyon?. . Heheh"

"Kung pwede, bakit hinde. I'll gladly accept it. Buti na lang di pwede. . . . Hhahah." Sabi niya. . . Tssss

Sumandal ako sa wall at natahimik lang ng paligid. Hindi naman awkward. Sumandal din siya at nagkadikit mga balikat namin. Nararamdaman ko yung init niya na dumadampi sakin. Medyo may kakaibang sensasyon akong nararamdaman. Ewan ko kung ano nararamdaman ko. Di ko alam kung pakiramdam ba yun o iniisip ko lang o ano.

Unti-unti kong ibinaba ang katawan at idinantay ang aking ulo sa balikat niya.

"Kelan pa itong tree house?" Tanong ko habang nakatingin sa kamay niya. Ang sexy tingnan yung kamay niya, long and toned fingers. I really like them.

"Hmmmmm. . . Since 7 pa ata ako. Bigay sakin ni tito." Sagot naman niya habang galaw ng galaw yung kamay niya. Hindi ko tuloy mapigilang abutin ito at hawakan. Pinagmasdan ko parin ito habang hawak-hawak.

"Talaga? Tuwang-tuwa ka siguro nun. Ganito na ba ito mula noon o na renovate na?"

"Nah, this was it ever since." Rinig mo sa boses niya yung pagiiba nito. Mapapansin mo yung medyo high pitch kapag excited siya. Pansin din yung lower pitch kapag medyo hindi siya sigurado o medyo nagiisip siya. Mabilis naman boses niya kapag tuwang-tuwa tapos medyo di mo maintindihan kasi andami niyang sinasabi. . .hahaha

Magegets mo sa tono niya kung ano nararamdaman niya o ano ibig niyang sabihin. Minsan kasi negtive sinasabi niya pero biro lang pala yun. Tapos may pagkasarcastic siya kaya ok talaga na pakinggan sinsabi niya.

"Pinicturan ka din ba nila nung unang beses mong makita itong tree house?" Wala sa isip kong hinaplos yung palad niya. Sinundan ko din yung mga daliri niya. Pinagtabiko pa mga kamay namin para makita kung alin ang masmahaba.

"Unfortunately hinde. Sana oo. Kaya lang wala na, di na yun mababago." Tiningnan ko siya at binigyan ng comforting smile.

"It sucks to be you!. . . . Hahahahhahahaha" pangaasar ko

"Yeah, and you're stuck with me!" Turo niya sa AMING DALAWA.

Kaming dalawa. . . .CUTE. . . Parang ok yung term na yun ah.

"Well, you're the key for my survival. I can't let you leave me behind, baka mawala pa ako sa gubat."

"Hala! Hindi ka na nga mabubuhay ng wala ako. Pero pano na yan, may mahal na akong iba. Malaking problema nga ito. . .tsk tsk tsk." Biro niya naman.

"How dare you! You big lying cheater!!!" Biro ko din naman. At sinuntok ko pa siya para kunwari nasaktan talaga ako. Pero siyempre hindi ko nilakasan.

"I'm sorry. Look at me. . . . Look at me. . . . . " sabi niya na medyo seryoso na ang tinig. Hinawakan niya yung mga kamay ko at tinitigan ako sa mata.

"I . . . . . I lo. . . . .  .Lo. . . . " tumawa na lang ako ng malakas at hindi nagpahalatang conscious na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. That was insane! Kinabahan ako. Kakaiba yung araw na ito. Parang nage-end-up ata kami sa mga ganitong scenario. Talagang kinabahan ako kanina. I dreaded the words that might come out next pero inaanticipate ko din. Muntik ata akong sumabog sa kaba. Don't get me wrong. Alam kong nagbibiro siya, nagbibiruan lang naman kami talaga. . .  Pero. . . Basta. . .

"Gumagaling na ata tayo umakting ah. . .hehehe" sabi ko na lang para gumaan na yung atmosphere.

"Kailangan ko pa ata ng maraming practice." Sabi naman niya habang nakangiti ng pilit. May kakaiba sa pagkakasabi niya na hindi ko lang magets. Pero dahil hindi ko nga naintindihan ay hinayaan ko na lang.

"So back to the topic. Ano ang tawag niyo dito sa tree house?" Malamig na yung kamay niya. Unconsciously eh hinawakan ko nanaman kasi. . . . ULIT!

"Tree house"

"Maliban diyan. Wala na bang iba?" Ni-rub ko yung kamay niya.

"No, just tree house." Natatawa niyang sabi.

"Really?! 19 kana  tapos wala kang maisip na ibang masmagandang ipapangalan kesa diyan?"

"Ano namang problema dun? I think its a nice name." Hala nagtampo na ata.

"Sige di na kita kukulitin tungkol diyan. . . Tssss. .  .nagtatanong lang naman. Tree house na!"

At ngumiti na ulit siya. Napailing na lang ako, kasi kasabayan ng ngiti niya ay ang paggaan din ng pakiramdam ko. Everytime na kasama ko siya eh nageenjoy ako. I leaned on her shoulder and squeezed her hand.






-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Feb 15, 2016       (01:42 pm)

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon