CHAPTER 25: Tita-Tsismosa
ARA'S POV
Ito na ata yung pinaka-stressful na araw sa buong buhay ko. Ito na din ata yung pinaka-nakakainis.
Hindi ako mapakali kaya lumabas nanaman ako ng kwarto. Pumunta ako ng sala, tapos sa kusina, lumabas ako sa garden at tuloy-tuloy sa kalsada. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad sa labas, akala mo kung may inaantay.
Umupo na ako sa daan, madilim na din naman kaya okay lang kahit humiga pa ako dito.
Hindi talaga ako mapakali.
May dumating na tricycle, mula dun ay bumaba si Tita. Hindi ako gumalaw para hindi niya ako mapansin. Gusto ko muna kasi ng katahimikan. Baka kung anu-ano nanaman kasi itanong niya eh.
Dumaan na siya sa tabi ko. Hindi niya ata talaga ako nakita kasi sumuksik ako sa mga halaman. Sana hindi ako ma-dengue nito.
"Hindi ka pa ba papasok? Lalantakan ka ng mga lamok diyan. Sige ka." Sabi niya sa akin bago niya ako iwan duon. Akala ko pa naman nakapagtago ako ng mabuti.
Sinundan ko na lang din siya sa loob.
"Ano ginagawa mo dun? May inaantay ka? Pupunta ba dito sina Evan?"
"Wala po, nagpapahangin lang." Wala sa mood kong sagot.
"May problema ba? Bat ganyan itsura mo?" Tanong niya habang nilalabas yung mga pinamili niyang mga groceries at ulam.
Nagkibit balikat lang ako at umupo at inihiga ang ulo sa mesa.
Hindi naman na siya nagsalita at ipinagpatuloy ang paga-ayos ng mga gamit. Nang matapos ay kumuha na siya ng dalawang pinggan at mga kobyertos sa pagkain.
"Kumain ka na ba kanina?"
Tumango lang ako.
"May sakit ka ba?"
"Wala po"
"Eh bat ganyan ka? May nang away ba sayo?" Seryoso niyang turan.
"Wala po, bored lang siguro." Pagdadahilan ko naman at di ko napigilang mapatingin sa phone ko kahit na alam kong wala naman iyong text. Hindi naman ito silent plus naka vibrate pa para todo ramdam ko kung may text o tawag.
Yung feeling na alam mong wala pero umaasa ka parin na mayroon. . .
Hahhhhhhhhhhhhhhhhh. . . . .
"Boyfriend?"
"Po?!. . . . Hindi ah!" Sabay iling ng todo with hand gestures.
"Manliligaw?"
"Hindi din! Asa ka pa dun. . . . ." Flirt lang yun, di yun marunong manligaw. . . paasa lang.
Napansin kong nakangiti si Tita habang kumakain. Kung anu-ano nanaman siguro pumasok sa isip niya.
"Ano nanaman ba iniisip mo 'Ta? Walang namamagitan sa amin, friends lang kami."
"Sa akin mo ba sinasabi yan?"
"Ano ka ba 'Ta! Friends nga lang kami. Binibigyan mo ng kulay eh!"
"Eh bat tingin ka ng tingin sa phone mo? Hindi nga maipinta mukha mo habang titig na titig dyan eh. Type mo yun noh?!" Tinawanan pa ako.
"Ha?! Ganun ba itsura ko? Hindi naman ah." Tiningnan ko repleksyon ko sa phone ko. Ano ba itsura ko?
". . . . . . . .So type mo nga talaga yun?"
"Ano ka ba 'Ta, babae kaya yun. Kaya imposibleng maging kami!"
.
.
BINABASA MO ANG
One in a Million
RomanceDati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi...