CHAPTER 10: Check
LEE'S POV
Magkahawak kami ng kamay.
.
.
.
.
.
.
.Hawak ko yung kamay niya.
.
.
.
.
.
.
.Hawak niya din yung kamay ko.
.
.
.
.
.
.
.
.Hawak. . . Hawak ko yung kamay ni Ara.
.
.
.
.
.
.
.
.Pigil ang hininga at diretso na ang upo ko. Titig na titig sa mga kamay namin.
Naramdaman kong pumatong ulit yung ulo niya sa balikat ko. Hindi ko maiwasang manigas sa kina-uupuan.
Alam mo yung feeling na inaabangan mo yung bawat galaw ng katabi mo. Yung feeling na ayaw mong gumalaw, kahit huminga eh pinipigilan mo para hindi siya maistorbo. Pinapakinggan lang yung hininga niya at inaantay kung kailan ka niya kakausapin ulit.
Naiilang ako makipag-hawak ng kamay. Hindi kasi talaga ako sanay kaya uncomfortable. Pero kung yung crush mo ba naman na mismo humawak, bat pa naman ako tatanggi?! Ang lambot nga eh. Hindi siguro ito nagtatrabaho sa bahay. . .Ay tamad itong si crush ah!. . .hahahah. . . Naka-blood red na nail polish siya. Mas pumuti tuloy ang kamay niya dahil dun.
Lalong nanlalamig ang mga daliri ko habang unti-unti ding naglalabasan ang mga butil ng pawis sa palad ko.
Hindi ko alam kung napapansin ni Ara yung pawis sa pagitan ng mga palad namin pero malapit ng tumulo iyon. Ganun kalala ako magpawis sa kamay. Nakaka-hiya naman sa kanya.
Hindi ko tuloy alam kung babawiin ko ba itong kamay ko o magkukunwaring hindi sakin galing yung malagkit na likidong yun.
Gumalaw itong katabi ko.
Inangat niya yung kamay naming magka-hawak. Napabitaw tuloy ako sa kamay niya. Sabay punas sa pantalon. Bumakat naman sa tela yung parteng nabasa kaya pinatungan ko na lang ng braso ko.
"Pasmado ka?" Tanong niya at kinuha ulit yung kamay ko para kilatisin ulit ito. Kinuyom ko lang naman ang aking kamay para hindi niya makita ang pamamasa nito.
"Oo" sagot ko pero hindi ako pumayag na mabuksan niya yung kamao ko.
"Patingin! Ano ba Lee! Buksan mo nga yan! Isa!" Pangungulit niya.
Ay ang kulit! Ayaw kong ipatingin ito kay crush. Itinago ko yung mga kamay ko sa likod ko at hinarang ko ang aking katawan sa kanya.
"Wag na." Napatingin ako sa orasan at nakita kong 5:50 pm na. Ayokong gabihin si crush. Alam kong napagod siya kanina kaya kailangan niyang maagang magpahinga. Tumayo na ako.
"Halika na. Baka gabihin ka pa." Gusto ko sana siyang alalayan kaya lang basa parin yung mga kamay ko. Mahirap pa namang patigilin ito kapag nagsimula na.
Inabot niya yung kamay niya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hindi ka ba gentleman? Hindi mo ba ako tutulungan?"
Pinanliitan ko lang siya ng mata. Akala niya ata di ko alam yung plano niya!
Alam kong balak niya akong hilain para mapatomba ako sa kanya tapos magkalapit yung mukha namin tapos hahalikan niya ako!
Ayyyyyiiiieeeeeeeeeeeeee!
Nangiti ako at napapikit. Kinikilig ako. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong pinalabas. Ibinukas ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakataas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
One in a Million
RomanceDati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi...