CHAPTER 6: Muntik na. . .

803 42 0
                                    

CHAPTER 6: Muntik Na. . .




"Iha, bat ganyan itsura mo?" Naga-alalang tanong ni tita Rebeca, yung isang kasambahay nina tito.

"Nadapa lang po kami. Nagsimula na po ba sina tito?" Sabay turo sa aming dalawa ni Ara.

"Wala pa ang tito mo. Pumunta siya sa kabilang bayan. O siya maligo na kayong mga baboy. Ang dudungis niyo na." Pinagtulakan na kami sa hagdan para makaakyat na kami sa kwarto ko.

Nang makapasok sa kwarto, agad akong naghalungkat ng mga pamalit na damit. Buti na lang at hindi na kami naka uniform kanina. Kung hindi eh mamromroblema kami sa paglaba ng mga damit namin.

"Sorry, mahilig kasi ako sa maluluwang na damit. Ok lang ba sayo ito?" Pinakita ko yung pinaka maayos kong damit na medyo maluwang para sa kanya.

"Ok lang. Hindi ako maarte noh." Iniabot ko naman yun kasama ang isang skinny na pantalon.

"Nabasa ba yung bra mo? Kailangan mo ba ng iba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, ok lang. Yung mukha ko lang at buhok yung talagang dumikit ng sobra."

"Pero alam mo. . . . . .Bumagay sayo!" Sabay tawa.

"Ha! Ibig lang sabihin na sa SOBRANG GANDA KONG ITO kahit na anong itsura ko ay kaya kong dalhin. Humph! Ako na unang maliligo." At pumasok na siya sa bathroom.

Sobrang ganda pala ah. . . Hahahah. . . Sige na nga. Papalag pa ba ako eh totoo namang nadala talaga niya yun. Ewan ko ba talaga. Nung una nagulat ako, tapos parang it-grew on me. Habang naglalaro kami sa putik eh hindi ko maiwasang ma-kyutan sa kanya.

Dahil sa ka-kyutan eh muntik ko na nga din siyang halikan. Grabe! Dahil sa kanya pati putik eh nagiging nakaka-anyaya. Aphrodisiac ba ang putik o dahil lang talaga yun sa kanya?

Ay ewan talaga! Makaligo na nga din.

Lumabas na ako ng kawrto at pumunta sa ibang paliguan. Madali kong kinuskos ang dumi sa katawan at agad na ding nagbihis. Bumalik na ako sa kwarto ko para tingnan kung kamusta na yung dugyuting dyosa.

"Oiy, di ka pa tapos?" Katok ko sa pinto. Mahigit sampung minuto na kasi. Hindi lang po talaga ako sanay na matagal maligo. Lagi po kasi akong nalelate kaya na-practice ko na yung paspasang paghahanda.

"Oo na! Eto na po oh!" At bumukas na yung pintuan. Napa-atras ako kasi nakadikit kanina yung tenga ko sa pinto.

"Anong ginagawa mo dyan?" Panga-akusa niya.

"Bat ganyan ka makatingin?! Wala akong masamang ginagawa. Pinapakinggan ko lang kung buhay ka pa."

"Talaga?!" Hindi pa rin siya naniniwala.

"Hoy, kung gusto kitang bosohan, may susi naman ako no! Sana binuksan ko na yan kung talagang may balak ako." At pinakita ko pa yung susi.

"Bat hawak-hawak mo yan at nasa tabi ka ng pinto? Siguro bubuksan mo na sana tapos naunahan lang kita noh?!"

Ay ang kulit!!!

"Hawak ko ito kasi ginamit ko kaninang binuksan ko itong kwarto at mga cabinets. Magbihis ka na nga. Ako na nga itong naga-alala ako pa itong ginagawng masama." Pumasok ako sa cr at agad ding lumabas.

"Tapos ka na? Kakapasok mo lang ah."

"Tapos na po ako. Nakaligo na ako sa kabilang kwarto. Kinuha ko lang yung mga damit mo. Ipapalaba ko na lang."

"Ha? Eh diba nauna pa akong maligo kanina? Ligong pato ka noh! Ay dugyot!. . .hahah. . . Paamoy nga?!" At lumapit siya sa akin.

Alam niyo yun, yung taong gumugulo sa mundo niyo eh naka tapis lang tapos palapit siya sa inyo tapos naka ngisi pa na parang may balak na masama na masarap
.. Wait parang iba dating nun, pero parang ganun itsura niya eh. . . Imaginine nyo na lang.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon