Chapter 27: Ting!

447 15 10
                                    

Nung inumpisahan ko ang story na ito eh di ko naisip na magiging BAD-INFLUENCE ito.

Malay ko bang magiging MALANDI pala at SINUNGALING si Ara....hahahah

Kasalanan lahat ito ng sakit na tinatawag na PAGMAMAHAL ^___^

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

CHAPTER 27: Ting!

LEE'S POV

Bzzzzz. . . . . Bzzzzzz. . . . Bzzzzz. . . .

"Ahhhhhh! Ano ba yan!" Kinansela ko yung tawag. Nakakaistorbo kasi eh, antok na antok pa naman ako.

Bzzzz. . . . . Bzzzzz. . . . Bzzzzz. . . .

Kainis! Napabangon na tuloy ako. Kahit hirap ibuka yung isang mata eh pinaghirapan ko pa ring silipin kung sino yung walang hiyang umiistorbo sa tulog ko.

Si Sammy lang pala, buti sana kung si Ara my Labs! Kaya ayun, kinansela ko ulit yung tawag.

(Kung alam mo lang!!!. . . .hahahaha. . . Sorry di ko maiwasang mapa-comment din eh. . .hahaha)

Speaking of Ara my Labs, matext nga siya ng good morning.

Tinext ko na siya habang bumabangon. Bumaba na din ako para makapaghanda na sa pang-hapong klase ko.

Bzzzzzz. . . Bzzzzz. . .

Miss Ara-w:
Bat ngayon ka lang nagising?!
Alam mo bang inaantay ka nina Sammy. Bumangon ka na at maligo.
Pumunta ka na dito, dali!
Pano kung idrop ka ng mga Professors mo kasi kung hindi ka late eh absent ka naman?
Basta! Bilisan mo at pumasok ka na.

Talaga naman si Labs oh. Laging ang seryoso. Wala man lang tumatalab dun sa mga ginagawa ko.

Sinagot ko yung text niya, syempre linandi ko nanaman. . Hehehe

Miss Ara-w:
Che! Tanghaling tapat tapos kung anu-ano nanaman sinasabi mo! Hindi na kita rereplyan para makapag-handa ka na. Cge, see you later.

Sinungitan nanaman ako!. . .huhuhu

Sa sobrang seryoso niya eh baka kapag na-sobrahan ko yung mga ginagawa ko tas mahalata niya eh masira lahat ng pinagsamahan namin. Ang hirap tuloy kumilos.

Pumunta ako sa isang app sa phone ko. Pinindot ko yung password, syempre hindi yun 123456. Nang mabuksan eh nagpyesta na yung mata ko sa kagandahan ng dalagang iniirog ko. . .hehehe

Nagmadali na ako sa pagkain at paghahanda. Ang bilis ko talaga!

Unang-una kong gagawin mamaya eh dadaan sa labas ng room nina Ara, kunwari naligaw ako.. . Hahahah

Binuhay ko yung player sa kwarto ko. Dahil masayang masaya ako eh syempre yung bagay na kanta yung pinili kong patugtogin. . .heheh

Bzzzz.. .. Bzzzzz. . . . . Bzzzzz. . . .

Ano kayang trip ni Sammy? Kanina pa to tumatawag ah.

Sinagot ko naman siya. Pero hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi niya tapos pinutol din naman niya agad. Siguro sinasapian nanaman yun.

Hindi ko na pinansin kasi nagmamadali akong magpaganda para mahulog sa akin mamaya si My Labs Ko.

Ting!

Ting!

Ting!

Ting!

Ting!

Ting!




Ting!
Ting!
Ting!
Ting!
Ting!
Ting!
Ting!
Ting!

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon