CHAPTER 19: Oooops!

708 29 0
                                    

CHAPTER 19: Ooops!


LEE'S POV

"Kain ba muna tayo o diretso na?" Tanong ni Jhayden.

"Kung kakain tayo ngayon edi busog na tayo mamaya sa party." Sagot ko naman. Sa totoo lang eh gusto ko ng maka-uwi para malaya na akong makatalon o makasigaw sa kwarto. Ang hirap kasing pigilan sa sasakyan eh.

"Ikaw Sam, gutom ka na?" Tanong ulit ng birthday boy.

"Hinde, ok lang ako. Nagmamadali ata yung isa kaya diretso na tayo." Makahulugan niya namang sabi. Lagot, magka-kwarto kami nina Sammy. Wala akong takas nito.

"Hindi ako nagmamadali. Sinasabi ko lang na baka di na natin makakain yung mga hinanda."

Nagtanong pa ulit si Jhayden sa ibang sasakyan at napagkasunduang mag-snack lang muna saglit. Tumigil na kami sa isang fastfood at nagsi-babaan na sila.

Nagdahilan ako na tinatamad at nagpabili na lang. Wala naman na silang sinabi at iniwan na nila ako.

AKO:
Tumigil muna kami para magmerienda.

Miss Ara-w:
Sige kain ka muna. . . .


AKO:
Hinde ok lang. . . Wala pa naman yung pagkain.



Miss Ara-w:
Sige makipag kwentuhan ka muna diyaan.



Ayaw niya na ata akong kausap ah. Nabobore na ata siya O ayaw niya lang na magmukhang nanga-agaw ng oras?

Ok lang naman sa akin. Ok na ok nga sa akin na makipag-kwentuhan sa kanya kaysa kumain eh. Syempre hindi ko yun sasabihin sa kanya.





AKO:
Wala naman na akong kasama dito. Tinatamad kasi ako lumabas ng sasakyan kaya nagpabili na lang ako. Kung ayaw mo na akong katext eh sabihin mo lang. . Nahiya ka pa eh. . .hehehe



Miss Ara-w:
Hindi sa ganun! Syempre bonding time niyo ng mga friends mo tapos nagtetext ka lang, baka magalit pa sa akin yang mga yan.




AKO:
Ano ka ba, ok nga lang! Napapansin ko ah, paraan mo ba yan para sabihing tigilan na kita?!. . . Hahahah. . .ikaw ah, ayaw mo akong diretsohin. Cge babye na! Ayaw mo na pala akong katext. . . Next time na lang ulit.



Miss Ara-w:
Hindi nga ganun! Ikaw ah, NAPAKA MO!!! Ang sabihin mo, ikaw ang talagang may gustong tumigil na tayo kaya paulit-ulit mong sinasabi yan. . . Cge babye na! Sorry naman kung hindi ko naintindihan yung ibig mong sabihin!





Hala! Bat ganun? Baka kasi nahihiya lang siyang sabihin na stop na kami kaya sinasabi ko yun, pero ayoko talagang tumigil.





AKO:
Hindi, baka kasi ayaw mo na akong itext pero nahihiya ka lang. Kung gusto mo pa rin naman eh syempre gusto ko din. Uhhhhmmmm. . . Ayun. . .




Hindi kaagad nagreply. Limang minuto siguro ulit yun bago siya sumagot. Muntik ko na ngang tawagan eh.





Miss Ara-w:
So ayun din. . .





Awkward. . . . .ano ba magandang topic after nun?






AKO:
Hindi kayo nagkita-kita nina Evan ngayon?



Miss Ara-w:
Hindi naman kami laging magkakasama noh. May sarili din naman akong buhay. . .hehehe



AKO:
Nga naman. . . Eh bat lagi kayong magkakasama sa school? Bihira kong makita na hindi mo sila kasama.




One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon