CHAPTER 20: It's a secret. . .but not anymore

730 29 0
                                    

CHAPTER 20:  It's a secret. . .but not anymore

(Sometime ago)

Lumapit ako sa pwesto ng taong importante sa akin. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan lang ang paligid.

"Sorry ang tagal kong nawala. Namiss mo ba ako?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

"Galit ka pa rin ba sa akin?. . . . .Alam kong masama ang loob mo. Pero andito na ako. . . . . Smile ka naman dyan. Sige na. . . . ."

Wala pa rin siyang imik. Kaya ngumiti na lang ako ng mapait. Napabuntong hininga ako at humiga sa damuhan. Tumingala lang ako sa langit.

Matagal muna bago ako ulit nagsalita.

"Ang ganda ng panahon noh? . . . . ."

Tumingin ako sa kanya pero wala pa rin siyang imik. Hindi na talaga 'to magbabago. Parang baliw na talaga dating ko nito pero ok lang.

"Masaya na ako nitong mga nakaraang linggo." Hindi ko mapigilang ngumiti ulit pero yung hindi abot sa mata. Di ko mapigilan eh, anong magagawa ko?

"May sikreto ako. Gusto mo bang malaman? Uiy! Magtatanong na yan!!!. . . . Heheheh" pero di pa rin niya ako pinansin. Wa-epek yun ah!

Ipinatong ko yung braso ko sa mga mata ko para hindi ko makita yung liwanag. Nakakasilaw kasi eh. Parang maskumportable ako sa dilim.

"May secret ako. Pero hindi pa ako handang magsabi. Sana makapaga-antay ka. . . . . . . . Sisiguraduhin ko muna itong nararamdaman ko."

"Ang masisiguro ko lang ay masaya ako. . . . . . . . . Sobra sobra. . . . . Basta!. . . . . "

"Promise! Sasabihin ko din sayo kapag nasiguro ko na ito. Ikaw unang-unang pagsa-sabihan ko. Syempre, ikaw ang bestfriend ko eh."

"Kahit na anong mangyari eh huwag magbabago pagtingin mo sa akin ah. . . . . . . . " Hinaplos ko siya.

"Kahit na anong sasabihin ko eh huwag mo akong tatalikuran ah. . . . . ."

"Kahit na ano pa ang malaman mo eh susuportahan mo ako ah. . . . . . . ."

"Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba kung mag-isa lang ako. . . . . . . . . . . . bigyan mo muna ako ng konting panahon. Babalik din ako agad. Baka nga sa susunod eh may kasama na ako. . ."

Tumayo na ako at pinampag ang sarili. Pinulot na ang walis at iba pang gamit panlinis. Inayos ko yung mga bulaklak at hinaplos ng dahan-dahan ang semento.

Yumuko ako at yinakap ito.

"Sasabihin ko lahat pagbalik ko." Tumayo na ako ng tuwid at pinahid yung namumuong luha sa mata ko. Tumayo muna ako ng tahimik ng ilang minuto, saka ako umalis.

Pagbalik ko dito sa susunod eh may sagot na ako.

Pagbalik ko dito sa susunod eh nakapag-desisyon na ako.

Pagbalik ko dito sa susunod eh aaminin ko na ang nararamdaman ko.
At naglakad na ako palayo ng sementeryo.

-_-_-_-_-_-_-_-




LEE'S POV

"Nasabi mo na ba kay Vie? Nadalaw mo na ba siya?"

"Hindi niya pa alam. Sinabi kong may sasabihin ako pero humingi muna ako ng konting panahon. . . . . . . . . . Hindi ko pa naman kasi plano sanang umamin ngayon. Ang balak ko sana ay matapos ng matiwasay ang gathering at umuwi na para maipagpatuloy ang pagpa-plano para sa pag-amin ko sa inyo."

"Atleast ngayon eh nakalahati mo na. Yung boys na lang." Paalala naman ni Sammy.

Lumabas na kami ng kuwarto. Nagsimula na din kasi yung kaguluhan sa baba. Maingay na kaya ok lang dun magkwentuhan, para di na din magtaka yung mga boys.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon