CHAPTER 14: Just one Line

729 30 0
                                    

CHAPTER 14: Just one Line



Weeks later

LEE'S POV

Naaalala niyo pa ba yung pinangako ko sa sarili ko nung umuwi ako galing sa farm kasama si Ara? Kasi, seriously, hindi ko na maalala.

Nung time na yun eh nigive-up ko na kung ano man itong namumuong feelings ko para sa kanya. Kaya lang siguro masamang damo ito. Hirap patayin eh!

Pano mo ba mapipigilan ito kung kahit saan ka tumingin eh nakikita mo siya? Na kahit pumikit ka eh nanduon pa rin siya. Conscious or unconscious eh nasa isip mo pa rin siya. Pano mo pipigilan eh kung everytime na papa-alalahanan mo yung sarili mo na mali itong nararamdaman mo eh lalo lang naman itong tumitibay?

Umiwas na nga ako. Kahit mahirap eh pinilit ko. Kasi alam kong ito yung dapat, na ito yung tama. Pero bakit parang niloloko ako ni tadhana, bakit lagi kaming pinagkikita?

Pinuna na nga ako ng mga kaibigan ko kasi ang tamlay-tamlay ko daw. Napansin na nga din nina mama na parang may problema ako. Alangan namang sabihin ko na, "Opo may problema po ako. Hulog na hulog po ako sa isang tao. Girl nga po pala siya, just so you know."

Edi hindi ako kinausap nun! Hindi lang yun, madi-disappoint sila sa akin, mandidiri at baka itakwil ako! Ayokong maranasan yun pero hindi ko din naman mapigilan itong sarili ko. Kaya wala akong magawa kundi sarilinin ito.

Sa totoo lang eh alam ko sa sarili ko na wala silang karapatan na madisappoint sa akin kasi wala naman akong pinagbago. Nagmahal lang naman ako, yun nga lang sa katulad kong babae pero wala naman akong masamang ginagawa.

Ang sakit pala. Ngayon ko lang naranasan ito. Hindi naman ako yung tipo na nagfa-fall ng basta-basta kaya new ito lahat sa akin. Takot na takot ako. Ramdam na ramdam ko na mag-isa ako kasi hindi pa ako handa na mag-open-up sa mga friends ko.

But I found someone to comfort me. Hindi siya talaga tao pero ang sweet niya kasi sinasamahan niya ako. I didn't know that darkness was this comforting. Akala ko noon na yung init lang ng araw ang warm pero hindi pala. Kaya ngayon eh nasa closet ako. As in!

Tinawagan ko si mama at sinabing may pupuntahan ako kaya ang alam niya eh wala ako sa kwarto. Hindi niya na ako pupuntahan dito kasi ang alam nga niya eh wala ako. Nilock ko na din naman yung pinto kaya mas-matatagalan pa siyang pumasok dito kung sakali man.

Nag-give-in na ako sa nararamdaman ko. Iniyak ko na at umiiyak pa rin hanggang ngayon. Mahina lang para walang makarinig. Saklap naman ng love-life ko. Patay na patay ako, in more ways than one.

Una, patay na patay ako sa kanya. Gusto ko nga siya diba?!

Second, patay na patay ako sa family ko at mga taong ayaw sa mga katulad ko. Kasi nga ayaw nila sa katulad ko! Ulitin ko pa?!

Third, patay na patay ako kasi alam kong straight siya. Sa lahat pa ng pwedeng magustuhan, bakit sa straight pa?!

Kung sa straight din naman, bakit hindi sa lalaki na lang?!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Natatawa ako tapos mas lalo akong napapa-iyak.

Bakit kasi hindi na lang itong feelings na to yung mamatay?! Ano bang nagawa ko at kailangang mangyari ito sa akin?

Masaya naman ako nuon kahit wala akong lovelife eh. Hindi naman ako naghanap.

Tumutulo ang aking mga luha. At nahuhulog ito sa aking mga kamay na naga-antay. Hindi man malinaw ang paningin ay kita ko pa rin naman kung gano na karami ang nai-iyak ko.

Tumigil na ako kanina. Akala ko ok na ako pero nagpahinga lang pala. Para na talaga akong bata ngayon, iyak ng iyak. Ang tagal na nung huli kong pag-iyak at hindi ko inakala na dahil sa ganito ang muling pagtulo ng aking mga luha.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon