CHAPTER 30: Bulag
SAMMY'S POV
"Pres kausapin mo nga siya." utos ko sa katabi ko. Wala na kasi akong maipayo kay Lee eh. Ilang araw na siyang hindi nagsasalita. Tapos dumagdag din pa itong si Ara, isa ding Walking-Dead cosplayer.
Kapanahunan na ba ng SAWI sa pag-ibig ngayon?! Akala ko Pasko yung pinaghahandaan na okasyon na paparating, tapos na din naman yung araw ng mga patay, pero puro zombie itong nakapaligid sa amin.
"Alam mo namang pang-asar lang alam kong sabihin. Baka mamaya batukan mo nanaman ako." Sagot naman niya. Hindi kasi marunong magpayo eh.
"Kahit na, hindi na kita sasaktan. Wag ka lang sumobra."
"Hayaan na lang kasi natin. Magsasawa din siya. Baka bukas ok na yan."
"Yan din sabi mo nung martes. Biyernes na kaya ngayon."
"Heartbroken nga! Anong gusto mong gawin ko? Ganyan talaga kapag nasasaktan. Palibhasa hindi ka pa kasi nasasaktan eh. Tingnan mo nga kayo ni Jhayden, naghiwalay nga pero ang sweet parin. Minsan mas-sweet pa kayo sa amin ni Oly eh."
"Friends lang kami. Friends lang talaga. Masama bang maging sweet sa kaibigan? Tapos yun nga, may nakaraan na kami kaya kilala na namin ang isa't isa. Wala na kaming ilangan." Hanggang ngayon ay tinatanong parin nila ako tungkol sa bagay na yan. Di kasi nila matanggap na kaya naming i-maintain yung closeness.
Bumalik na kami sa iba, hindi kasi pwedeng may makarinig sa topic namin kaya kami lumayo.
"Ara, ano ba problema?" Tanong ni Limuel sa dalaga.
"Nothing, I'm fine." Walang ganang sagot nito.
"Eh ikaw, bat ka ganyan?" Baling naman ng lalake sa isa pa niyang katabi na si Lee. Napagitnaan kasi yung dalawa ng binata.
"Wala. . . . . Wala namang problema sakin ah. Normal lang ito." Wala ding ganang sagot ng isa.
"Wala daw. Baka naman love life yan." Pasaring na bulong ni Ara.
"Anong sabi mo? Wala akong love life. Baka ikaw meron. Ayaw mo lang ishare." Sagot naman ni Lee habang inilalapit ang mukha kay Ara para siya lang makarinig nito.
"Wala akong love life! Ikaw kaya meron. Pero ayaw mo lang aminin." Balik din naman ng dalaga habang inilalapit din ang mukha.
Ano kayang trip ng mga ito. Parang silang magsasabong na napagitnaan ng amused na amused na Limuel.
"Magkaaway ba kayo ngayon kaya kayo ganyan?" Tanong ulit ng binata sa dalawa.
"Bat naman kami maga-away niyan?!" Sabay nilang sagot na parang naiirita at sabay ding nagtalikuran. Matagal ko ng napansin, kaya ata nag-click ang dalawang ito kasi parehong-pareho sila ng ugali. . . hehe
Nakaka-curious talaga kung sino man yung walang taste na lalaking hindi nagkagusto kay Ara. Ayaw niya kasi talagang sabihin yung pangalan, akala ko pa nga nung una na baka si Lee yun eh. Affected na affected kasi siya nung Martes, nang hindi siya nito pinapansin.
Hay nako! Ang hirap ng buhay pag-ibig.
"Ara, ok ka lang?" Tumabi ako kay Ara para kamustahin siya.
"I'm fine nga! Really!" At padabog na inayos ang kanyang mga gamit at lumayas na. Sakin ba naman inilabas yung sama ng loob!?
"What's with her?" Tanong ni Evan
"Aba malay ko. Ikaw kayang may kaibigan dun!" Irita ko namang sagot sa kanya.
"Nagsasalita ako ng maayos kaya sumagot ka din ng maayos. That is common courtesy. Wala ka bang pinag-aralan? At hindi din naman ikaw ang kausap ko kaya huwag kang sumasabat." Laban din naman nung nakakairitang lalake.
BINABASA MO ANG
One in a Million
RomanceDati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi...