CHAPTER 22: Library

754 31 13
                                    

Magbalik tanaw muna tayo sa nakaraang linggo na magkasama sina Lee at Ara.

-_-_-_-_-_-_-_-

CHAPTER 22: Library




ARA'S POV

Breaktime na at naghahanap kami ng tatambayan o mas-tamang sabihin na hinahanap namin sina Lee. Kung nasaan kasi sila, dun din kami tumatambay.

Tinitingnan ko yung phone ko. Sino kaya itetext ko?

Kung si Sammy, siguradong hindi yun magrereply, alam niya kasing kasama ko si Evan.

Kung si Lee, oo nasa akin na yung number ni Lee, matagal na matagal na. Kaya lang, ang sabi nila hindi daw yun nagtetext. Hate na hate daw niya magtext eh. Edi hindi din yun magrereply sa akin. Pano na yun kung wala kaming pasok, edi wala kaming communication. . . Huhuhu

May number nga ako niya, di ko naman magamit. Wala naman ako pantawag, tsaka baka anu pang isipin nila. Hirap talaga kung bawal yung nararamdaman, hindi mo pwedeng ipakita.

Sige na nga, si Pres na lang ulit yung ite-text ko. Tinext ko na siya at agad din naman siyang nagreply. Nasa Library daw sila, kaya sumunod na din kami.

Nadatnan namin duon ang dalawa, si Sammy at si Pres. Nalungkot naman ako kasi wala si Crush. Pero habang papalapit kami sa table nila eh nakita ko ang isang pamilyar na bag kaya biglang napalinga-linga ako sa paligid.

Ilalapag ko na sana yung bag ko sa upuan sa harapan ni Sammy pero kaagad namang umupo duon si Evan at si Cath naman ay umupo sa tabi ni Sammy.

Pang apatan lang ang mga table dito, at dahil naka-upo na si Pres sa tabi ni Evan eh duon na lang kami nina Limuel sa kabilang table. Hindi ako nalungkot dahil dun, natuwa pa nga ako kasi pwede na kaming magkatabi ni Lee. Kinuha ko yung bag niya sa likod ni Cath at dinala ito sa table kung saan umupo sina Limuel at Harold.

Kinuha ko yung library card ko at pumunta na sa mga shelves. May hahanapin kasi akong importante, yung taong nagpapatibok ng puso ko. . .heheheh

Ikot ako ng ikot pero hindi ko siya makita. Lakad ako ng lakad pero wala pa rin. Nasan na kaya yun. Baka naman lumabas siya, makabalik nga kina Sammy at matanong kung asan si crush.

Paglabas ko sa gubat ng mga shelves eh biglang may nakasalubong ako na humila sa akin pabalik sa pinanggalingan ko.

Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa kamay ko at syempre, KINIKILIG AKO!!!.

"Andito ka lang pala." Mahina kong sabi, baka kasi marinig kami ni ateng Librarian at pagalitan pa kami.

"Hinahanap mo ako? Akala ko pa naman tinataguan mo ko." Sagot naman niya.

"Ikaw atang nagtatago." Balik ko naman at pinanuod lang siya sa paghahanap ng libro. Magkahawak parin yung kamay namin at hinayaan ko lang na ganun, patay malisya ako kunwari. . .hahaha

May mga studyanteng dumaan sa likod namin at hindi ko naman naiwasang dumikit kay Lee para maitago yung mga kamay namin. Napatingin si Crush sa akin na parang nagtatanong kaya umiling lang ako.

Nagpatuloy parin siya sa paghahanap ng Libro. Andami na niyang binuklat na aklat pero hindi parin niya makita yung hinahanap niya.

"Ano ba hanap mo at kanina ka pa ata kuha ng kuha ng libro?"

"Basta." Maiksi niyang sagot. Concentrate na concentrate siya sa pagbabasa. Pero nararamdaman ko yung paglilikot ng kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Iniikot niya yung hinlalaki niya sa likod ng palad ko. Pagkatapos ay nakipag-labanan ito sa hinlalaki ko naman. Kunwari may nakita naman akong magandang libro at kinuha iyun. Kunwari nagbabasa ako para hindi niya mapansin na iba yung dinudulot na saya sa akin ng ginagawa ng kamay niya.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon