CHAPTER 15: Sammy and Evan
SAMMY'S POV
"Princess! What happened?!" Patakbong nilapitan ni Evan ang kapatid niya. Hala lagot na! Marahas daw ito sa mga nakakapanakit kay Cath.
"Why is there no teacher here?! Who is taking care of them?!" Galit na tanong ni Evan.
"Ah, ako yung bantay nila ngayon." Takot kong sagot. Teacher! Help!!!!!!!! Bat ba kasi ako nakisama sa kakulitan ni Lee ngayon?!
"What were you thinking?! Ang tanda-tanda mo na, isip bata ka pa rin! Anong gagawin mo ngayon, nasugatan ang kapatid ko at dahil yun sa kapabayaan mo!!" Dinuro-duro niya ako.
"We were just playing." Sagot naman ni Lee. Tiningnan ko siya at nginitian. Thank you friend!
"I'm not talking to you!" Balik niya kay Lee.
ABA! Ok lang na pagalitan ako pero huwag niyang magaganyan ang mga friends ko. Lalo na yang si Lee, lagot siya kung marinig siya nung taong over-protective sa kanya.
Sino kayang mananalo kung magcla-clash itong isang to at iyun? Ganda sigurong panuorin. . . Hahahah
"Kuya dont be angry with teacher Sammy! She's the one at fault!" Yumakap si Cath sa akin at sinumbong si Lee. HALA!
Nagpabalik-balik yung mga mata niya sa amin ni Lee.
"Huwag na huwag na kayong lalapit sa kapatid ko!" Kukunin niya na sana si Cath mula sa pagkakayakap sa akin pero nagpumiglas ito."No!! I like teacher Samantha! Kuya you marry her!"
Ano daw?! Wait!! Ano ba sinasabi mo Cath?! Tinitigan ko lang yung bata.
"Hahahahahahahahahahahahah. . . . .mmmmmmmhhhhhhmmmmm" napahagalpak naman ng tawa itong lokong Lee na ito. Wala talagang sense of seriousness ang isang ito. Nakita na ngang galit itong dragon naming kaharap eh nasa mood pa siyang tumawa.
"But I don't like her." Mahinahong paliwanag ni Evan sa kapatid. Wow! Bilis magbago nung aura kung si Cath kausap. Split-personality?. . .hahahaha
Teka anong sabi niya? Hindi niya daw ako gusto? Ha! Tanungin niya din dapat ako para malaman niyang 'hinding-hindi ko din siya gusto!'. Akala niya siya lang ah. Same lang kami.
"I don't care!! I want her to be my sister! MARRY HER!!!!!!!" Sigaw pa rin ni Cath.
Baby stop na! Huwag mo ng i-push kasi hindi kami bagay ng kuya mo. Kahit ipag-pilitan mo eh hindi ko magugustuhan yang kuya mo.
Napapa-iling lang naman si Evan.
"I'll think about it." Sagot niya na parang maamong tupa.Anong think about it?! Kasasabi mo lang na hindi mo ako gusto tapos ngayon eh sasabihin mong I'll think about it?!
Pagkarinig sa sinabi ng kuya niya eh yumakap na ulit siya sa akin.
"Teacher" Hinila ni Cath yung skirt ko.
"Teacher!" Tinug niya ulit yung skirt ko.
"Ah, bakit?" Tanong ko lang.
"Please marry my brother!" Nakiki-usap ka ba o utos? Ang cute mo sa sinasabi mo at itsura. Naiintindihan ko na kung bakit tumawa si Lee kanina. Maski ako eh natatawa na din sa nangyayari. Kung hindi lang talaga na ako yung naiipit ngayon eh tumawa na din ako.
"Aahh. . . . Sorry. . ." Naputol yung sasabihin ko kasi sinenyasan ako ni Evan na pumayag na lang. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Bat nga naman kasi ako papayag sa kalokohan ng kapatid nito?
"Princess I think she means, she'll also think about it. Right?!" Balik ni Evan sa akin.
Ayan nanaman yung masama niyang tingin. Inilingan ko siya pero tinaasan niya ako ng kilay. Parang biglang uminit yung paligid. Napa-iwas tuloy ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
One in a Million
RomanceDati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi...