CHAPTER 8: Tore ng Kagandahan
ARA'S POV
*kung sakaling makarating ka eh may prize ka. . . .KISS!
.
.
.
.
.
.
.*kung sakaling makarating ka eh may prize ka. . . .KISS!
.
.
.
.
.
.
.
.
.*kung sakaling makarating ka eh may prize ka. . . .KISS!
.
.
.
.
.Napasabunot ako sa buhok ko. Ano ba tong mga iniisip ko! Nababaliw na ata ako. STRAIGHT AKO!
Straight na straight ako!
Hindi ko gusto si Lee! Wala akong gusto sa kanya!
(Inulit mo lang teh, pareho lang yun. . .hahaha)
Ni hindi nga siya 'sobrang' ganda eh. Maganda lang pero hindi sobra. Yung sakto lang. At tama lang din yung katawan niya, hindi siya yung sobrang sexy na buto't balat na lang. Yung tipong may mayayakap pa akong konting fats. Ganun. . .(smile)
Sarap siguro yung yakapin. . . . . .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Nakaka-loka ka LEE!!!!!
Nandito na nga ako sa harap ng tree house pero hindi ko ma-apreciate kasi kung anu-ano pumapasok sa isip ko.
Relax Ara! Hingang malalim, tapos buga.
Inulit-ulit ko yung meditation. Pumikit ako para mas maka-focus.
At nakita ko yung nakangising mukha ng Lee na yun.
*kung sakaling makarating ka eh may prize ka. . . .KISS!
Shemay talaga! Tinamaan ba ako ni cupido?!
Siguro nga tinamaan niya talaga ako. Tinamaan niya ako ng isang boulder kaya ngayon eh hilong-hilo ako. Nahihibang na talaga ako. Kasalanan lahat ng Lee na yun!
Hindi ko pa rin mapatigil yung nararamdaman ko. Parang nanggigigil na ewan. Para maiba yung iniisip ay sinipat-sipat ko na lang yung malalaking puno kung nasaan yung magarbong bahay.
Parang private amusement park yung dating. Ang kulit tingnan. Hindi muna ako umakyat. Nilibot ko muna yung paligid para makita ko yung panlabas nitong ganda.
Nakaangat siguro ito ng sampung metro mula sa lupa. May paikot na hagdan sa medyo pabilog na katawan ng puno. Siguro minementain ito ng sobra. Kasi parang walang naluma sa parteng hagdan.
Sa baba ng bahay ay may malaking cargo net. Pwedeng pagakyatan din siguro ito. May mga braces na naka-kabit sa mismong puno at may mga paa din namang naka-semento sa lupa. Pero pinagmukha paring natural.
May mga seperate na vertical logs na nakatayo sa pagitan ng dalawang malalaking puno. Parang porcupine yung limang vertical logs kasi ang daming mga nakatusok na rods sa mga yun. May iba't ibang klaseng swing din. Bagay kay Lee yung dating nung lugar. Para talaga sa mga isip bata! . . Hehe
Maganda yung itsura nung bahay. Yung dating talaga eh pang nature lover na tipo na bahay.
May terrace sa rooftop nung bahay tapos may hanging bridge pa na papunta sa kabilang puno. Yung puno naman na iyon eh ginawang parang view deck at may paikot na slide naman iyon na pababa.
Umakyat ako sa hagdan habang hinahaplos yung puno at yung banister. May konting highlights yung bahay na color green pero mostly brown yung kulay niya. Pati yung hagdanan eh may highlights din.
BINABASA MO ANG
One in a Million
RomanceDati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi...