CHAPTER 16: Sammy Day

582 27 0
                                    

CHAPTER 16: Sammy Day


SAMMY'S POV

"Sammy may manliligaw daw!" Sigaw ng classmate kong lalaki pagpasok niya sa room namin. Tinuro niya yung pintuan at nagtataka naman akong lumapit doon.

At dahil hindi lang ako yung nagtataka eh pati rin yung iba ko pang classmtes eh naki-usyoso na din.

Bumungad sa amin ang maraming pink and red na heart-shaped balloons.

"Ang haba ng hair ni Sammy! At si Evan pa yung nanliligaw sayo." Biro ng iba.

Unti-unting lumapit yung mga balloons sa pwesto namin. At pinagtulakan din naman nila ako palapit sa kanya.

Pinicture-an pa nila kami. Pati nga ibang mga Prof na dumadaan eh tumigil muna para manuod. Hinila ko lang naman siya sa isang bakanteng kwarto. Pagdating namin sa kwarto eh sinara kong mabuti yung mga pinto. Hinarang ko pa ang ilang mga upuan para di mabuksan, dahil may importante kaming gagawin. . . Ops! Huwag green, kakausapin ko lang siya ng masinsinan.

At dahil green mag-isip yung mga classmates ko eh syempre nagtilian nanaman sila.

"Ano ba ginagawa mo?"

"Manliligaw sayo." Sagot niya na parang yun ang pinaka-normal na gawain ng mga taong hindi naman talaga in-love.

"Hindi ko na itatanong kung anong mapapala mo sa mga ginagawa mo kasi alam nating pareho kung ano yun. Kaya ang sasabihin ko lang eh Itigil mo na kasi naiistorbo na ang maraming tao."

"Bakit hindi ka na lang kasi makisama? Sa tingin mo ba gusto ko 'tong ginagawa ko? Sa tingin mo ba gusto kong manligaw, lalo na sa tulad mo?"

"Kung ayaw mo naman pala, bakit ginagawa mo? Sabihin mo sa kanya na hindi mo ako gusto! Mahirap ba yun?! Mas-pipiliin mo ba na makisama sa taong ayaw mo para lang matuwa 'yang kapatid mo kaysa sabihin sa kanyang hindi pwede 'yang gusto niya at masaktan siya konti pero makaka get-over din siya agad?"

(Haba nun ah. . .kahit nagta-type lang ako eh nawalan pa ako ng hininga. . .hahahah)

"Hindi basta-basta nago-open-up si Cath sa ibang tao kaya hindi siya agad makaka get-over kung sasabihin ko yun. At hindi ko kayang gawin yun. Kunin mo na nga 'tong mga 'to!"

Kinuha niya yung kamay ko at may nilagay siyang bracelet sa wrist ko. Nakatali yung mga balloons sa bracelet para hindi sila lumipad sa malayo.

"Ilang balloons lahat ito?" Taka kong tanong kasi madami talaga eh.

"Hindi ko alam basta binombahan lahat yung nasa isang pack na binili ng driver namin." Walang pake niyang sabi.

"Payo lang ah. Next time na manliligaw ka at alam mong mahal mo siya, mag-effort ka naman. Kasi yung sinabi mo eh isa sa paraan para siguradong bustedin ka. Promise! Nga pala, kung hindi mo kaya, ako na magtatama sa kanya. Salamat pala dito ah." At umalis na ako. Sana nagkunwari man lang sana siya na attracted siya sa akin kahit konti.

Pumasok ako sa room namin at lahat sila napatingin sa akin.

"Hi ma'am! Sorry I'm late. Gusto niyo po ng balloons?" Biro ko na lang kasi nga late na ako.

"So ano, sinagot mo ba si Evan?" Tanong ng Prof namin. Akalain mong pati si ma'am eh echusera. . .hahaha

"Syempre busted po. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa taong hindi ko naman mahal." At nag-cheer yung mga classmates ko. Nagbiruan pa kami konti at itinuloy na yung klase. Saya ng klase namin noh?! Hahahah

-_-_-_-_-_-_-

"Bat parang badtrip yang isa?" Narinig kong tanong ni Lee.

"Love-life, You know! Ganyan talaga kapag may love-life, namro-mroblema." Sagot ni Pres. Siguro ako nanaman pinag tsi-tsismisan ng dalawang 'to.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon