CHAPTER 29: Pikit Kung Masakit

455 14 0
                                    

Kung sakaling aagawin ni Lee si Ara sa mahal nito, Matatawag bang Third-party si Lee?

Masasabi niyo bang manga-agaw siya kung ang aagawan niya din naman ay ang kanya ding sarili?

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

CHAPTER 29: Pikit Kung Masakit

ARA'S POV

Dahil hindi ko nakita yung girl of my dreams kahapon eh syempre inagahan ko nanaman ngayon para makita siya. Kahit na alam kong malelate siya eh ok lang, basta gusto ko nasa school na ako bago siya pamasok.

Kararating ko pa lang pero akalain mo nga namang swinerte ako agad ng sobra! Kabababa ko pa lang ng sasakyan eh nakita ko na ding dumating si Girl of my Dreams.

Nakangiti akong nakatitig sa papalapit na dalaga. Pwede na ba akong tumakbo tapos yumakap sa kanya? Now na ba? Konti pa? Eh ngayon, ok na?

Bago ko masagot yung tanong ko eh nakalapit na siya. SAYANG!

"Napapadalas ka ata dito ah. May inaantay ka ba?" Tanong ni Pres.

Siniko siya ni Sammy.

"Ah wala. Nakita ko kasi kayo kanina kaya inantay ko na lang kayo dito." Talaga itong si Pres, hindi ata alam ang meaning ng SECRET. Ibubuking pa ako sa Labs ko eh.

Pero what a coincidence naman na magkakasama sila ng ganito kaaga. Ang aga din ni Lee ah, ano kaya nakain nito? Hindi kaya na-miss niya ako?. . .ayyyyiiieeee, sweet niya naman ^__^

"Bat sabay-sabay ata kayo ngayon ah. Lagi ba kayong sabay-sabay?"

"Ah hinde, ngayon nanaman lang. Nag girl's night kami kagabi eh."

Sabi nila kahapon eh di nila siya dadalawin. Tapos ngayon malalaman kong nag-Girls' night sila!

"Daya niyo! Di niyo man lang ako sinama. Siguro di niyo ako tinuturing na friend. . . "

"Syempre friend ka namin, ang tanong girl ka ba?" Asar sa akin ni Pres

"Sama moh! Sa GANDA KONG TOH?!" Sabay flip sa buhok.

Syempre kung may pagkakataon na ipangalandakan ang kagandahan sa babaeng iniirog eh syempre magpapa-pansin ako!

"Hangin!" Paubong sabi ni Sammy

Sa sobrang HOT ko, kailangan lang na i-balance ko, ok lang maging mahangin.

Kumakapal na talaga ako ah. Hindi ko naimagine na ganito pala ako kung type ko ang isang tao. Nakaka-takot!

"Oo nga! Sa ganda niyang yan?! Pakiss nga!. . .heheheh" napakagat-labi ako. Be careful with what you say Labs, baka totohanin ko yan.

Tumabi na ako sa kanya, syempre subtle nanaman. Bawal talaga pahalata. . .heheh

Sabay-sabay na kaming pumasok sa school. Nadaanan namin si kuyang guard sa guardhouse.

"Oh, late nanaman ba yung boyfriend mo? I-break mo na yan, wala siyang time management." Sabi ni kuya.

.

.

.

.

Oh My G Kuya!!!!!!!!!

Sa dinami-dami ng pwede mong sabihin, bakit yan pah?! OMG talaga!

Pinagtinginan nila ako. At kitang-kita ko ang KAWALAN NG REAKSYON ng iniirog ko. . . . . . . .

S A K I T !!!!!

Hindi man lang naapektuhan. . .kahit masagasaan ata ako eh wala siyang reaksyon. . .huhuhu

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon