CHAPTER 5: Trekking

796 39 0
                                    

CHAPTER 5: Trekking

"Bilisan mo LABS! Wala ka pala eh. LAMPA!" Sigaw ko sa likod ko kasi ang tagal-tagal niya mag-lakad.

"Hindi ako lampa! Wala ba kasing masmagandang daanan?! Sinasadya mo ata ito eh!"

Nandito na kasi kami sa lupain ng tito ko. Papunta kami ngayon sa bahay nila, o mas tamang tawagin na MANSYON. Ekta-ektarya ang lupaing ito. May 20mins na lakad mula sa gate papunta sa bahay.

Andito kami ngayon sa parte ng manggahan. Para masmapadali ang lakad namin ay lumulusot kami sa kung saan-saan. May trail na din naman yun kasi dun kadalasang dumadaan ang mga trabahador kaysa sa libutin ang iba't ibang dulo ng mga plantasyon.

May meeting ngayon sina tito sa mansyon. Dahil wala silang anak, ako yung ginu-groom nilang magpapatakbo nito.

Hindi kami mayaman, sina tito lang yun. Dahil favorite nila ako eh hindi sila pumayag na mapalayo ako. hindi nila ako pinag-aral sa malayo. Hindi din kasi payag sina mama. Tas wala naman din kasi akong maisip na gustong kunin kaya sila na din nagdesisyon para sa kurso ko.

"Ano, buhay ka pa?!" Sigaw ko ulit sa kanya. Lumingon ako pero wala na siya!

SH*T!!!!!

"ARA!!!! Nasan ka?!. . . . .Ara!!!!" Sigaw ko at patakbong bumalik sa pinanggalingan. Hindi patag ang mga dinaanan namin. Baka may mga bangin na hindi ko napansin. Nasan na kaya siya?

"Ara!!!!. . . . .Ara!!!!!" Sigaw ko ulit. Wala pa ring sumasagot. Lumingon-lingon ako sa paligid.

SH*T TALAGA! Nasan na siya?!

Napapunas na ako ng kamay sa mukha ko. Lalayo pa sana ako pero may pumigil sa kamay ko. Lumingon ako.

"Ahhhhhhhhhh!" May monster kasing nasa harapan ko. Hindi ako matatakutin pero ibang usapan yung gugulatin ka.

"Pahingeng tubig." Sabi nung monster. Boses ni Ara yun ah.

Tinitigan ko yung kaharap ko at napagtanto kong yung nawawala kong kasama ay nasa harap ko na pala.

Base sa itsura niya ay. . . . . . . . . .

"Hahahahahahahahahahahahahah!!!!!!. . . ." Hindi ko mapigilang magtatatawa. Malamang sa malamang eh nadapa siya at sumubsob sa putik. Maliban na lang kung na tripan niyang ipang-facial yun. . .hahahah

Inalis niya yung mga putik sa mukha niya at pinagbabato sa akin. Pumulot pa siya sa lupa at ginawang bola.

"Oiy walang ganyanan! Magkikita kami ni tito. Bawal akong madumihan!" Pero lalo lang siyang nasiyahan sa sinabi ko.

At ayun nga, lalo pa niya akong pinagbabato. Buti na lang at hindi siya asintado. . .hahahah

"Ano ba yan Ara! Dapat nagpra-practice ka!"

Masbinilisan niya ang pagbato kaya napa talon-talon ako at napatakbo pa ng mabilis pero dahil sa katangahan ko, nadulas ako.

"Hahahahahahahahahah!" Tuwang tuwa naman yung isa. Lumapit siya at ipinunas yung maputik niyang kamay sa mukha ko at humalakhak ng malakas.

"Pwe! Pwe! Sobra ka naman! Di ko naman kasalanan kung bakit naputikan ka eh. Tingnan mo ang dumi ko na." Paghihimutok ko.

"Eh nakaka-inis ka kasi! Tinawanan mo ako. Kung tinulungan mo na lang sana ako kaagad. Ayan tuloy! Quits lang tayo." Sagot naman niya.

Binuksan ko yung back-pack ko. Nagbaon kasi ako ng kung anu anong pwedeng gamitin kung sakaling mawala kami sa gubat. Linabas ko yung isang litrong tubig at ginamit namin yun para mahugasan ang mukha at kamay namin. Sa mansyon na lang kami magpapalit mamaya. Marami naman akong damit dun.

"Malayo pa ba tayo?"

"Malapit na. Madadaanan natin yung calamansi farm tas after nun eh yung mansyon na. Bilisan na natin. Maliligo pa tayo."

Dapat pala tinawagan ko na lang si kuya Elmer para sunduin kami sa labas ng plantasyon. Mas-masaya kasing maglakad papunta dun eh pero hindi ko naman alam na hindi pala sanay si Ara sa ganito.

"Halika na." Hinawakan ko na yung pulsuhan niya at hinila na siya.

"May oras ka pa palang manantsing ah! Akala ko ba nagmamadali ka?" At ini-angat niya yung kamay niya kung san ako nakahawak.

"Pag-ikaw nadapa ulit, hindi kita aantayin. Iiwan talaga kita." At binitawan ko na siya.

Ni hindi nga yun sumagi sa isip ko tapos bibigyan niya ng malisya. Akala mo naman kung nakakakilig yung magkahawak lang ng kamay. . . Tsssssss

"Alam mo, ibang-iba ka dun sa nakilala ko sa get-together. Nun eh hindi ko maiisip na ang moody mo. Tara na nga." At hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko na lang na pinag-salinsinan niya yung mga daliri namin.

Tiningnan ko lang siya pero hindi na ako umimik. Hindi naman nakakakilig yung magkahawak lang yung kamay eh. . . . .

Yung totoo nga eh, sumikip pa nga yung dibdib ko eh. Tapos medyo bumilis yung tibok ng puso ko at parang hindi ako makaisip ng mabuti. Tapos napapabilis yung lakad ko.

Ewan ko kung sino yung nagpa-uso ng 'Kapag hinawakan ka ng crush mo eh "kikiligin ka" na pakiramdam pero hindi naman tumalab sa akin. Hindi nga nakakatuwa yung feeling na nararamdaman ko eh.

"Teka. . . Teka! Ang bilis mo masyadong maglakad. Nagmamadali ka ba ng sobra? Tapos ang higpit pa ng hawak mo. Masakit na."

Napabitaw na lang ako. Masmabuti nga ata na hindi kami magkahawak.

"Halika na. Ayun na yung bahay oh." Turo ko sa pulang bubong na nasa kabilang tabi ng matayog na sementadong bakod.

Naka-hinga na ako ng masmaluwag dahil maiiwan ko muna siya kahit ilang saglit lang.

"Tara na DUGYOT. Maliligo pa tayo."

-_-_-_-_-_-_-

Feb 12, 2016

Wala, trip ko lang maglagay ng date ngayon. Para kapag dumating nanaman yung time na maging ISLOW UPDATE ako eh makikita ko kung gano na pala katagal bago ko dinagdagan. . .hehehe

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon