LEE'S POV
Malayo pa lang ay nakita ko na siya. Ang nakakatuwa, nakangiti siya sa akin. Pero siyempre MALAMANG hindi nanaman ako yung talagang tinitingnan niyan, baka yung nasa likod ko, kaya napalingon din naman ako.
"Lee bilisan mo." Hila sa akin ng dalawang bruha.
Lumapit kami dun sa dalagang napaka-ganda dun sa harapan ng gate.
"Napapadalas ka ata dito ah. May inaantay ka ba?" Tanong ni Pres.
Siniko siya ni Sammy.
"Ah wala. Nakita ko kasi kayo kanina kaya inantay ko na lang kayo dito." Depensa naman ng magandang dalaga na ayos na ayos ang itsura.
Sumama nanaman yung pakiramdam ko.
Talaga ngang pumapag-ibig na siya. Dati rati kasi eh hindi naman siya naglalagay masyado ng make-up, pero ngayon eh talagang ayos na ayos siya. Though dati eh maganda na din naman siya kahit wala masyadong kolorete sa mukha.
"Bat sabay-sabay ata kayo ngayon ah. Lagi ba kayong sabay-sabay?"
"Ah hinde, ngayon nanaman lang. Nag girl's night kami kagabi eh."
"Daya niyo! Di niyo man lang ako sinama. Siguro di niyo ako tinuturing na friend. . . " at nag-pout siya kaya. . . tumalikod muna ako, kunwari naubo. Ang CUTE niya kasi eh, baka kung ano magawa ko.
"Syempre friend ka namin, ang tanong girl ka ba?" Asar sa kanya ni Pres
"Sama moh! Sa GANDA KONG TOH?!" Sabay flip sa buhok. Ang bango ng buhok ah.
"Hangin!" Paubong sabi ni Sammy
"Oo nga! Sa ganda niyang yan?! Pakiss nga!. . .heheheh" loko ko, kaya lang hindi na ata uubra yung mga tirada kong ganyan. Pinagtinginan tuloy nila ako. Alam na kasi nila na may pinaghuhugutan eh.
Sabay-sabay na kaming pumasok sa school. Nadaanan namin si kuyang guard sa guardhouse.
"Oh, late nanaman ba yung boyfriend mo? I-break mo na yan, wala siyang time management." Sabi ni kuya. Nagtaka naman kami kaya nagtinginan kami at nakita namin na namumutla si Ara.
.
.
.
.
"Inaantay mo yung boyfriend mo?" Tanong ko sa dalaga na nasa tabi ko.
"Wala akong boyfriend! Nanjo-joke lang si kuya!" Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa braso ko at hinila na ako palayo. Sumunod lang din naman sa amin yung dalawa.
"Kahapon ka pa naga-antay sa gate para sa boyfriend mo?" Tanong ko ulit. Parang akong zombie. Blanko ang isip at nagpapahila lang sa kanya.
"Wala nga akong boyfriend! Bat hindi niyo ako sinali sa girl's night niyo?"
"Biglaan lang kasi. Di naman namin niplano." Sabi ko lang din naman pero blanko parin ang isip.
"Ok ka lang ba? Parang wala ka sa huwisyo. Masama pa rin ba pakiramdam mo?" Papakiramdaman niya sana ang noo ko kaya lang lumayo ako at humarap kay Sammy.
"Sammy, padala naman ako sa clinic." Tumango lang naman ito at ginabayan niya na ako palayo.
Sasama pa sana si Labs ko kasi naga-alala daw siya sa akin pero nagdahilan na lang si Sammy para payagan na kaming mauna.
Hindi kami pumunta ng clinic kasi hindi ako makaka-iyak dun ng malaya.
Pagkatapos ng balde-baldeng luha na iniyak ko sa kung saan man ako dinala ni Sammy ay handa na ako ulit sumabak sa giyerang tapos na.
BINABASA MO ANG
One in a Million
RomanceDati-rati, kapag ang pinag-uusapan ay love-life, and lagi kong bukang-bibig ay "CHICKS KASI GUSTO KO!". Wala naman iyong malisya kasi alam naman naming loko ko lang iyon. ayaw ko kasing masermonan ako nina Inay na kebata-bata ko palang eh lumalandi...