"YES, CRYSTAL?"
She's waiting at the laugage area when her phone rang. Hindi niya inalis ang tingin sa mga maletang isa-isang lumalabas nang kunin niya ng kanyang cellphone at makitang tumatawag ang kanyang secretary.
"Yes, hinihintay ko na lang ang laugage ko. Didiretso ako sa bahay. Hindi na ako makakadaan sa office. Ikaw na munang bahala. Magkita na lang tayo bukas."
Nang mahagip ng mga mata niya ang ash-gray na maleta ay nilapitan niya ito at hinila na palabas ng departure area.
"Yes, prepare the reports tomorrow. Pati na rin 'yung e-mail ko sa'yo about sa naging fashion show ko sa Pilipinas. I'll reread it tomorrow. Thanks." Pinatay na niya ang tawag nang makalabas siya ng airport at nagpara ng taxi.
Habang nasa biyahe ay napabuntong-hininga na lamang siya habang nakatanaw sa labas ng kalsada at pilit winawaksi sa isip ang alaalang iyon na halos limang taon na siyang hinahabol.
Pagkahinto ng taxi sa parking space ng Hillsta, kung nasaan ang condo unit niya, ay tinulungan siya ng driver na maibaba ang mga gamit niya saka niya inabot ang bayad at umalis na ito.
Napatingala na lamang siya sa Tower A ng Hillsta. Hindi niya akalain na sa loob ng tatlong taon ay hindi na niya naisip na babalik pa siya ng Singapore. Kung wala lang talaga rito ang main office ng DBS Trend Magazine ay hindi na siya babalik pa sa bansang iyon.
Mabuti na lamang ay medyo magaan lamang ang maleta niya kaya nahila niya iyon hanggang sa elevator at pinindot ang 22nd floor ng Tower A. Napatingin siya sa kanyang relo, alas diyes na pala. Inabutan na siya ng late dinner pero mukhang wala naman siyang ganang kumain. Tumunog naman ang elevator indikasyon na bubukas na ang pinto. Lumabas siya at dumiretso ng room 2204. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ng pinto.
Sumalubong sa kanya ang tahimik at madilim na loob ng condo unit. Napangiwi siya pagkasara ng pinto. Hindi niya maiwasang lukubin ng lungkot ng kanyang puso. May isang alaalang lumihis sa kanyang isipan na hindi niya maiwasang kumislap ang mga mata niya. Pilit niyang iwinaksi ang alaalang iyon. Huminga siya ng malalim at pilit hinila ang maleta niya sa kanyang kwarto.
Nagpapalit siya ng kanyang damit at inayos ang mga gamit sa maleta. Pagkatapos ay humarap siya sa salamin at pilit ngumiti. This is it! I'm back. Yes. I am. Bukas ay haharapin na naman niya ang isang bagay na pilit niyang tinatakasan. Bukas ay makakaharap na naman niya ang isang taong pilit niyang kinakalimutan. Nakagat niya ang ibabang labi nang makitang kumislap ang mga mata niya at nagsimukang tumulo ang mga luhang halos limang taon na niyang pinipigilan. Nasapo niya ang mukha ng mga palad at pilit pinipigilan ang paghikbi.
Limang taon pero masakit pa rin. Limang taon pero parang kahapon lang nangyari. Limang taon pero parang walang katapusan ang mga luha ko.
Napatigil naman siya paghikbi nang mapatinhin siya sa nakasarang pinto ng kanyang kwarto. Sino 'yun? Bigla niyang pinunasan ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi at napatayo at dahang-dahang lumapit sa pinto at inilapat ang tenga roon. Nanlaki ang mga mata niya nang may marinig siyang kalabog mula sa labas.
Tinakbo niya ang kanyang malaking cabinet at mula sa ibabang drawer n'un ay bigla siyang napatitig sa loob n'un. Hindi niya akalain na magagamit niya ang bagay na nakalagay roon sa mismong araw ng pagbabalik niya. Mabalis na kinuha niya ang baril na pinakatatago-tago niya. She's a liscensed gun owner. At hindi niya inaasahang makakapatay siya sa gabing iyon.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. Mabuti na lamang ay patay ang ilaw ng buong unit. Ang sala ang sunalubong sa kanya. Wala naman siyang nakitang kahina-hinalang kilos sa sala. Kahit madilim ay mabuti na lamang na matalas ang paningin niya. Bigla namang napalingon siya sa bandang kusina nang makarinig ng boses. Napakunot-noo siya. Parang may kung sinong nangingialam sa gripo niya nang marinig ang pag-agos ng tubig mula doon. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang fridge at kinapa mula sa likuran n'un ang switch ng ilaw. Hinamba na niya ang hawak na baril at tinutok sa lababo. Kitang-kita niya ang anino ng kung sinong intruder na nakatungo sa lababo.
At sa isang iglap ay lumiwanag sa buong condo unit niya. Nakatutok ang baril sa likod ng lalaki palang intruder niya. At halos bumagsak naman ang panga niya nang unti-unti itong lumingon at napaharap sa kanya.
Shit!
Tiningnan niya ang malaking bulto ng lalaki sa harap niya na nakapikit at mukhang nakasandal sa gilid ng lababo. She could never forget those stunning pointed nose, thin natural red lips and gorgeous body built. At halos mahigit niya ang kanyang hininga nang buksan nito ang mga nakapikit na mata. Napakapit pa siya ng mahigpit sa hawak na baril na nakatutok rito. She couldn't forget those pair of ash-gray eyes. She couldn't forget how she's been mesmerized by those pair of eyes.
Bigla naman siyang napabalik sa realidad nang marinig niya ang pagduduwal nito at halos isagad ang mukha sa lababo. At mukhang alam na niya ang nangyayari rito.
Buwisit! Mabilis na binaba niya ang baril sa mesa at dinaluhan ang lalaki. Hinagod naman niya ang likod nito at halos mahilo siya nang maamoy niya ang sinuka nito. Mabilis na binuksan niya ang gripo.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?!" galit na tanong niya rito. "Nag-inom ka na naman!"
Iniangat na nito ang ulo at pinunasan ang bibig. "S-sorry," anito. Akmang maglalakad ito pero mukhang susuray-suray na. Wala siyang nagawa nang tulungan niya itong maglakad hanggang sa sala at pinaupo ito sa sofa.
Tinitigan niya lamang ang mukha nitong nakapikit habang nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Sa tingin niya'y marami na naman ang nainom nito.
"Alam mong bawal kang uminom dahil mabilis kang malasing," aniya kahit alam niyang hindi niya ito makakausap ng matino sa kalagayab nito.
"T-tinutukan mo a-ako ng b-baril. G-ganoon mo ba ako kagustong patayin?"
Bigla namang nagtangis ang bagang niya sa sinabi nito. "Kung puwede lang, matagal na." Hinintay niya ang sagot nito pero hindi na ito nagsalita. "Nagtrespass ka sa unit ko. Malay ko kung magnanakaw ka o kung ano."
"S-Sorry," anito. "S-Sorry. H-Hindi agad ako nakarating. G-Gustong-gusto talaga kitang makita at makasama. Gusto ko talaga kayong makasama pero hindi agad ako nakaalis. P-Pasensya na." Bigla itong nahiga sa sofa. Sa itsura nito'y parang hindi na nito kakayanin pang bumangon.
Gusto man niyang magalit pero hindi niya magawa. Gusto man niyang palayasin ito pero hindi niya magawa. Ramdam niya ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Naikuyom niya ang mga kamao. Gusto man niyang saktan ang lalaking mukhang tulog na sa sofa pero pakiramdam niya ay hindi na maalis ang sakit na bumaon sa kanyang puso.
Bakit?! Bakit kailangan nitong ipaalala sa kanya ang nangyari? Bakit kailangan pa nitong saktan ulit ang puso niya? Halos nanlambot ang mga tuhod niya at unti-unti siyang napaluhod sa harap ng lalaking nakatulog na sa sobrang kalasingan.
"G-Gusto kitang patawarin pero hindi ko alam kung kaya ko na," at tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Napatingin siya sa nakapikit na mukha nito. "Alam kong matagal mo nang hinihingi ang kapatawaran ko pero hindi ko pa talaga kayang makalimot."
Tuluyan nang nilukob ng lungkot at galit ang puso niya. Hindi niya akalain na ganito ang sasalubong sa kanya mula sa kanyang pagbabalik. Ang puso niya'y nanatiling sarado sa kapatawaran. Hindi niya alam kung kailan niya matatanggap ang mga nangyari.
Kung puwede lang sanang balikan ang mga nangyari.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Follow me!
Facebook: @mairigellostories
Instagram: @mairigello
Twitter: @mairigello
Booklat: @mairigello
Wattpad: @mairigello
Gmail: mairigello@gmail.com
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...