"I'M SORRY, baby. I was not able to come and see you for the last time."
Naramdaman niya ang mahigpit na yakap sa kanya ni Katrina. Dumiretso agad sila sa Heaven's Garden pagkababa ng eroplano sa Pilipinas. Ever since he woke up almost a week ago, ang dalawin ang anak ang unang-una sa mga plano niya. Hindi na niya kayang tiisin ang anak na hindi pa ito makita sa muling pagmulat ng kanyang mga mata.
"I know Daniel understands you. Mas gugustuhin niya na maging maayos ang lagay ng kanyang daddy kaysa pilitin na makita ka sa mga oras na iyon." Pilit pinapasigla ni Katrina ang boses.
Hindi naman na niya napigilan ang luhang umalpas mula sa kanyang mga mata. Kahit na medyo huli na ay lumuwag na ang pakiramdam niya nang madalaw na rin sa wakas ang puntod ng kanilang anak.
"Daniel, look, oh. Daddy is crying. Do you want to see him crying?" kinakausap ni Katrina ang lapida ng anak.
Napangiti naman siya sa ginawa nito.
"Daniel, nag-smile na si daddy!" tuwang-tuwa na saad ni Katrina. Tumingin naman ito sa kanya. "I know Daniel is happy wherever he is. Kaya huwag ka nang makonsensya sa nangyari. Alam kong naiintindihan ka ng anak natin. He grew up like you. Pareho kayong pasensyoso."
Napangisi naman siya sa sinabi ni Katrina. "Kami lang kasi ang umiintindi sa'yo."
"Grabe, ha!" Bigla siyang hinampas ni Katrina sa dibdib.
Napangiti naman siya. Hinimas-himas naman niya ang lapida ng anak. "I love you, Daniel. Daddy will always love you."
"And he loves you, too. For him, you are the best dad in the world. You always fight for your love ones." Hinalikan siya ni Katrina sa kanyang mga labi.
"I promise, from now on, I will always be by your side. I will never leave you again and let you face any problem alone," he said with full of love.
"I know. Me, too," Katrina said while smiling at him.
"I love you so much," he said.
"I love you more," she said.
In front of their lovely son, Lyndon kissed her, passionately and full of love. And promise to be together, in sickness and in health, for richer or for poorer. 'Til death they apart.
We should not let fight each other. We should fight together and win the battle.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...