HAWAK ang sariling dibdib na pilit na inabot ni Lyndon ang gilid ng kanyang office table pagkapasok niya ng kanyang opisina. Bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman. Hindi naman niya alam kung emotionally o physically ang sakit pero mukhang mas masakit kung pareho. Hindi na niya nagawang humakbang pa para makaupo sa kanyang swivel chair dahil ramdam na niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod. At bago pa siya bumagsak ay narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanya nang marinig niya ang pagbukas-sara ng pinto sa kanyang likuran. Hanggang sa may humawak sa kanyang bisig ay buong lakas na hinila siya patayo at hinila palapit sa sofa at doon siya pinaupo ng mga pumasok sa kanyang opisina.
"Nasaan ang gamot mo?" Narinig niya ang boses ni Xaniel.
"Kukuha ako ng tubig." Boses naman ni Mhike ang sunod niyang narinig sabay ang mga yabag nitong palapit sa munti water dispencer.
"S-Sa drawer. Sa mesa ko," sagot niya kay Xaniel na tumalima palapit sa office table niya. Nakita niyang binuksan nito ang drawer sa ilalim ng mesa niya at bumalik sa kanya malipas na may kunin doon. Sabay na may inabot sa kanya ang dalawa niyang kaibigan.
Matapos niyang ininom ang gamut na binigay ni Xaniel, binalik niya ang baso kay Mhike at mariing pinikit ang mga mata. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pagkalma ang kanyang paghinga hindi katulad kanina na halos bumagsak na siya kung hindi lang siya nakakapit sa gilid ng kanyang mesa.
"Papatayin ka ng asawa mo," may galit sa boses ni Mhike.
Bumuntong-hininga lamang siya.
"Ikalma moa ng utak mo. Kalimutan mo na ang sinabi ng kontrabida mong asawa." Kalmado ang boses ni Xaniel pero alam niyang may kinikimkim na rin itong galit kay Katrina at ayaw lang nitong ipahalata.
Hindi siya sumagot. Ayaw niyang makipagtalo sa mga kaibigan dahil alam niya sa sariling ipagtatanggol niya lang si Katrina sa mga ito. At ang mga ito ay ipipilit sa kanya na tigilan na ang kalokohang ito.
"Sign the fucking divorce paper if you still want to live! Damn it!"
Mariin niyang naitikom ang mga labi at pinatong sa kanyang mukha ang mga palad habang nakasandal sa back rest ng sofa ang kanyang ulo. Ayaw niyang salubungin ang galit ni Mhike. Mas maigi na lamang na manahimik siya kaysa makipagtalo sa mga kaibigan.
"Tama na, Mhike," pigil ni Xaniel kay Mhike. "As usual, tinakpan niya ang mukha niya, it means ayaw niyang pakinggan ang sasabihin mo."
Bigla siyang nakonsensya. Alam ni Xaniel ang ibig sabihin ng bawat galaw niya. Sa tagal ba naman nilang magkaibigan. Halos lahat ng gestures niya ay alam na nito ang ibig sabihin.
He heard Mhike's irritated voice and then its footsteps. Last thing he heard, the door slammed to loud. Binaba niya ang mga palad na pinangharang sa mukha. Wala na si Mhike. Si Xaniel na lamang ang tumambad sa harapan niya. Umupo ito sa tabi niya. Pareho silang walang imik na ilang minute bago nito binasag ang katahimikan nila.
"How's your feeling?" Xaniel asked.
"Thanks," bagkus ay sabi niya.
"Hindi ito maganda, Lyndon. Hindi na ako natutuwa. It's still better that Katrina is not here. Ayokong makipagplastikan pa sa kanya. Papatayin ka niya. Papatayin ka niya sa sama ng loob. Send her away. Sign the divorce paper and give her the agreement."
Naikuyom niya ang mga kamao. Tatlong taon nang pinipilit sa kanya ng mga kaibigan niya ang bagay na iyon. Pero ayaw pa niyang sumuko. Mas gusto niyang ipaglaban pa ang kasal nila ni Katrina kahit hanggang sa dulo ng kanyang paghinga. Ayaw niyang sumuko ng wala man lang nagawa para ipaglaban ang pagsasama nila. Ayaw niyang may pagsisihan sa huli na wala man lang siyang nagawa at basta na lang binigay ang gusting divorce ng asawa.
"Bakit ka ba namin kinukulit?" maya-maya'y saad ni Xaniel. "You're not going to listen, anyway." Sabay tayo nito at lumapit sa pinto pero bago ito tuluyang lumabas ay lumingon pa ito sa kanya. "One last time that Katrina will do such thing that would make you emotionally break down, I swear, ipagduduldulan ko ang divorce paper na 'yan sa'yo para pirmahan mo at ako mismo ang kukuha kay Atty. Cortez." Sabay labas ng kanyang opisina at naiwan siya roong tulala at malalim ang iniisip.
"KUMUSTA?"
Tikom ang bibig ni Katrina habang nakaupo sa kanyang swivel chair sa kanyang opisina nang biglang pumasok si Crsytal at usisain siya tungkol sa nangyari sa meeting kanina. Tulala lang siya sa kontratang iniwan ni Edgar sa kanya na may pirma na nito since napag-usapan na ang tungkol sa gagawin nilang collaboration. Ang problema, pirma na lamang ni Lyndon ang kailangan. At ayaw niyang pumunta sa opisina nito.
"Okay ka lang?"
Napapitlag naman siya sa biglang pagtapik ni Crystal sa pisngi niya. Wala sa sariling napatitig siya sa kaharap. Kumurap-kurap muna siya bago tumikhim para burahin sa isip ang nangyari kanina sa conference room.
Tumango-tango siya. "A-Ano nga ulit 'yon?"
Umikot naman ang mga mata nito sa kanya. "Wala ka sa sarili. Ano nangyari? Bakit tulala ka d'yan?"
Umiling-iling siya. "Wala." Pero ang totoo iniisip niya ang huling sinabi sa ni Lyndon kanian bago ito lumabas. Mas lalong nagpagulo sa isip niya ang sinabi naman ng mga kaibigan nito. Galit sina Xaniel at Mhike. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha para burahin sa isip ang mga matatalim na tingin ng mga ito sa kanya kanina.
"Katrina!" sigaw sa kanya ni Crystal na kinatuliro niya lalo.
Tiningnan niya ito ng masama.
"Ang lalim ng inisip mo. Hindi kita mahila pabalik. Grabe! At huwag mo ng i-deny, may nangyari kanina kaya ka ng nagkakaganyan," ani Crystal.
Bumuntong-hininga siya bago tinuon sa kaibigan ang mga mata. "Ganoon na lamang ang galit sa akin nila Xaniel at Mhike dahil sa ideyang gusto kong makipag-divorce kay Lyndon. Bakit parang masyado silang affected? Bakit?"
Nakita niya pagseryoso ng mukha ni Crystal na medyo kinabahala niya. Hindi ganoon kaseryoso ito makipag-usap sa kanya dati tuwing si Lyndon ang topic nila. "Bakit hindi mo sila tanungin? Bakit ng aba pati sila affected sa pag-file mo ng divorce?"
Kumurap-kurap siya. Hindi niaya lam kung bakit may umuukil sa utak na niya tanungin ang bagay na iyon na alam naman niyang wala siyang pake. "Anong nangyari dito noong tatlong taon na wala ako?"
Kitang-kita niya ang pagguhit ng gulat sa mga mata ni Crystal pero agad na binura iyon ng kaibigan at tumingin sa kanya ng walang emosyon at ngumiti. "As usual, working. Gumalaw naman ang kumapanya kahit si Lyndon lang ang humawak. Tapos sinalo ko mga trabaho mo."
Hindi siya nakuntento sa sagot ni Crystal pero hindi na siya nagtanong pa. Kalahati ng utak niya ang nagsasabing huwag na niyang pakialaman iyon pero kalahati ang gusting umusisa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note!
Paano ba ang magmahal? Palagi na bang nasasaktan? Kahit nasusugatan, lagi na lang bang ipaglalaban?
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...