Chapter 16

3.1K 54 3
                                    

ABALA si Katrina sa pagtitimpla ng kape ng umagang iyon. Isang linggo na siyang naglulungga sa kanyang bahay matapos ang komprotasyon nila ni Lyndon sa Xaniels Bar and Grill. Isang linggo na rin siyang hindi nagpapakita sa DBS. Pakiramdam niya ay wala na siyang dahilan pa para bumalik sa kumpanya na kahit na may karapatan siya roon. Nahulog naman siya sa malalim na pag-iisip at paulit-ulit na bumabalik sa balintataw niya ang mga sinabi ni Lyndon. May kirot siyang naramdaman. Hindi naman niya masabi kung para saan iyon. Para naman siyang bumalik sa totoong mundo nang biglang tumunog ang door bell. Kunot noong tinahak niya ang main door. Sa loob ng isang linggo ay walang dumalaw sa kanya maging si Crystal ay hindi nagparamdam. Minsan naman ay nakakatanggap siya ng text mula kay Mariyah tungkol sa nagaganap na collaboration ng DBS sa Belworts.

Bigla namang lukob ng kaba ang dibdib niya nang buksan ang pinto. Ni minsan ay hindi niya inisip na pupuntahan na siya ng taong nasa likod ng pag-doorbell.

"Atty. Cortez?"

Ngumiti ang abogado sa kanya. "Good morning, Ms. Belarmino. I hope you don't mind to talk to me this early morning? Pinuntahan na kita para personal na makausap ka."

"Ah? O-Okay lang po." Mabilis na niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok po kayo."

Dinala niya ang abogado sa sala. Nagtimpla siya ng mainit na kape at iniabot iyon kay Atty. Cortez. Pagkatapos ay umupo siya sa katapat na sofa nito. Hindi naman niya maiwasang mapatingin sa at attache case nito. Tiningnan muna niya ang abogado habang sumisimsim sa kape at nginitian ito ng ibaba na ang tasa.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Ms. Belarmino," ani ng abogado. "For almost three years na paghabol ko sa kanya, sa wakas pinirmahan na ni Mr. Lyndon Saavedra ang divorce paper."

Bumuka ang bibig niya pero walang namutawi na salita mula roon. Hindi niya alam ang tamang sabihin. Pinakiramdaman niya ang sarili, bakit parang hindi siya natutuwa? Sa mga oras na ito ay dapat nagbubunyi ang kanyang damdamin bagkus ay lungkot ang namamayani sa kanyang isipan. Binigay na ni Lyndon ang gusto niya, dapat ay natutuwa siya.

"Si Mr. Xaniel Moratalla mismo ang pumunta sa opisina ko para kunin ang divorce paper. Sinabi niya na pipirmahan na ni Lyndon so binigay ko. Nang ibalik niya sa akin ay tama ang sinabi niya, may pirma na ng ex-husband mo."

Ex-husband. Bakit parang nasaktan ang puso niya sa salitang iyon. Lyndon is finally her ex-husband. Pinigil niya ang anumang namumuong tubig sa gilid ng kanyang mga mata. Bakit parang hindi siya masaya? Dapat maging masaya siya, di' ba? Pero pakiramdam niya ay may nawala sa pagkatao niya.

May kinuha ang abogado sa attache case nito at iniabot sa kanya ang isang long brown envelope. "Your copy. I will give Mr. Saavedra, too. Then, sa napagkasunduan, Mr. Saavedra will give your rights in DBS plus the half of your savings when you're still, ahm, you know, married."

Kinuha niya ang envelope na inabot ni Atty. Cortex pero wala siyang lakas ng loob na buksan iyon. Nginig ang mga kamay na binaba na lamang niya iyon sa center table.

"Thank you, Attorney," aniya pero sa walang sigla na boses.

"Anytime," ani Atty. Cortez. Tumayo naman ito at inilahad sa kanya ang mga kamay. "Nice to have a business with you, Ms. Belarmino. 'Til next time."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Salamat po."

"Mauna na ako."

Tinanguhan niya ito at hinatid hanggang sa malakabas ng bahay niya. Bagsak naman ang mga balikat na bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa at malungkot ang mga matang tinitigan ang envelope sa center table.

Katrina, you should be happy, right? Pinilit na lamang niya ang sarili na paniwalaang masaya siya sa ginawa ni Lyndon.

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon