"SO anong balak mo? Magpakalasing?"
Subsob na ang mukha ni Katrina sa mesa. Maghapon niyang hinanap si Lyndon pero mukhang iniiwasan talaga siya ng lalaki. Maging sa dating tinutuluyan niyang bahay nila ni Lyndon sa Scotts Road ay wala ang binata. Hindi na niya alam kung saan pa hahanapin ang lalaki. So, ginulo na lamang niya ang buhay ni Crystal at nagpasama sa Xaniels Bar and Grill. Saglit niyang iniangata ng mukha at tumingin sa stage. Napabuntong-hininga siya. Hindi ba lalabas ulit si Lyndon sa stage at tutugtugan siya? Kanina pa siya pasulyap-sulyap per paulit-ulit lang din siyang nadidismaya. Mabilis niyang tinungga ang isang baso ng Daiquiri.
"Hinay-hinay lang, girl!" saway sa kanya ni Crystal.
She groaned. Medyo sumasakit na ang ulo niya at unti-unti na ring umiikot ang paningin niya. Nakarami na rin siya ng inom. Mukhang umaapekto na ang nainom niya. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang biglang kumirot ang sentido niya kaya naisubsob na lamang ulit niya ang mukha sa mesa. Narinig niyang tumunog ang upuan ni Crystal pero hindi na niya inintindi dahil mas mabigat ang talukap ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...