Chapter 9

3.7K 64 0
                                    

HINDI alam ni Katrina kung bakit pa siya kasama sa business meeting nila Lyndon. Matapos ang dalawang araw ng huling pag-uusap nila ay pilit niyang iniiwasan ang asawa. Hanggat maaari ay ayaw niya itong makasalubong man lang sa loob ng kumpanya pero ito nga siya't kasama sa meeting.

Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinapanood ang meeting. Wala siyang nagawa kundi ang makinig sa usapan nila Lyndon, Edgar, Xaniel at Mhike. Laking pasalamat na lamang niya at sinama ni Edgar si Mariyah. May nakakausap siya at hindi siya naa-out-of-place sa apat.

"Since we are targetting the month of June, we planned to have a theme about couples. Specifically, wedding bells since June is known to be the month of wedding ceremonies," narinig niyang sabi ni Edgar. "Marami rin kasing kilalang couples sa Pilipinas ang kinasal na so may mga writers na akong in-assign to have an interview with them. So, iyon ang magiging articles namin."

Tumango-tango ang tatlong lalaking kausap ni Edgar.

"Maybe, we can work with it since most of the people here in Singapore are Catholic or maybe we can feature different types of wedding ceremonies. Atleast hindi tayo lalabas na bias. We can also feature different types of wedding ceremonies around the globe. It can increase the interest of the readers since mag-e-export tayo international," ani Mhike.

Nakikinig lang silang dalawa ni Mariyah pero halata sa katabi na hindinito interesado sa pinag-uusapan ng apat since ang asawa nito ang mas may alam. Samantalang siya ay mataman lang na nakatingin sa apat na nag-uusap. Hanggat maari naman ay iniiwas niya ang tingin kay Lyndon.

"Are you going to send your models here since nandito kayo? Or you're just going to send us the soft copies after your pictorial?" Maya-maya'y tanong ni Xaniel. Prente lang itong nakasandal sa swivel chair at nagpapaikot-ikot.

"Kung saan kayo komportable," sagot ni Edgar. "Pero mas gusto kong makita niyo sila habang nagpi-pictorial para kung may suggestion kayo, we can do it. Since, required sa mga models ng Belworts ang magkaroon ng passport. Madali na lang naman kung papapuntahin sila dito. It can prepare by my secretary."

Tumango-tango si Lyndon. "I can already tell my research team to look for couples that are already got married here in Singapore and have their marriage for a long time ago."

"We can also feature marriage in a long-term already. Since, ang tema naman natin is wedding. Puwedeng newly-wed at puwede ring pangmatagalan na. At least, we have a proof that marriage is sacred and two persons are binded by love," nakangiting sabi ni Mhike.

"Yeah," ani Lyndon. "At least, we can show them the happy side of marriage----"

"Hindi naman lahat ng kasal masaya."

Hindi naman alam ni Katrina kung anong nag-udyok sa kanya na sumingit sa usapan ng apat na lalaki. Hindi niya alam kung bakit nairita siya na makakita ng mga lalaking seryosong nag-uusap tungkol sa kasal kaya kusa nang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iton. At ngayo'y nga'y limang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya pati na rin si Mariyah na nasa tabi niya.

"Uy," kalabit sa kanya ni Mariyah. "Okay ka lang?"

Gusto niyang mawala sa kanya ang atensyon pero mukhang nakuha niya nga ang atensyon ng mga kasama. Hindi naman niya naiwasang salubungin ang mga mata ni Lyndon na matamang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman nang mabasa ang galit sa mga mata ng asawa wari ba'y sobra itong nasaktan sa sinabi niya.

"Still, we are going to choose those couples that can still prove the what-so-called 'til death do us part'," pakiramdam naman niya ay pinapatamaan siya ni Xaniel sa sinabi nito.

"Marriage is sacred. Nagsumpaan kayo sa hirap at ginhawa so what is the point of answering yes to the proposal of the man if you're just going to show everyone that he is not worthy of your love." Bakas ang galit sa boses ni Mhike pero hindi lang nito pinapahalata.

Sina Edgar at Mariyah naman ay parang nawala bigla sa eksena dahil hindi maintindihan ang batuhan ng mga salita ng mga kasama.

"Is marriage can still be called as marriage even if the love is already gone?" diretso ang mga mata niyang nakatingin kay Lyndon. Nakita niyang nagtangis ang bagang nito sa sinabi niya. Walang emosyon ang mga mata niya kaya mas lalo iyong nakadagdag sa irita ng mga kasama.

Natulala naman ang ibang kasama nila at mukhang wala ng maisip na ibabato sa kanya. Para naman siyang biglang nagising sa mahabang pagkakatulog ng kumalabog ang upuan ni Lyndon nang bigla itong tumayo.

"Can we just continue this in some other time? I just need to breathe some fresh air. I don't wanna die here." Hindi na hinintay ni Lyndon ang sagot ng kung sino at tuloy-tuloy itong lumabas ng conference room.

Damang-dama naman niya ang masasamang tingin nila Xaniel at Mhike sa kanya pero hindi niya iyon sinasalubong. Nakita naman niya sa gilid ng mga mata niya na tumayo na rin ang dalawa.

"I'm so sorry that this meeting was ruined by someone who can't support our project because even her doesn't support her own husband," may tapanga ng boses ni Xaniel na nakipagkamay kay Edgar.

"Maybe, some other time, Mr. Belgrad," si Mhike.

At lumabas na ang dalawang kaibigan ni Lyndon sa conference room. Samantalang ang mag-asawang Belgrad ay nakatitig sa kanya na may mga nagtatanong na mga mata.

"I don't have time to explain," aniya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note!
Is love already enough for you to fight for your relationship?

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon