SINUNDAN ni Lyndon si Katrina sa kusina matapos magpaalam ng mag-asawang Edgar at Mariyah na mauuna muna para asikasuhin ang ibang bagay na pinunta nila sa Singapore. Napag-usapan rin nila ang schedule para contract signing ng DBS at Belworts.
"Are you okay?"
Sumandal siya sa hamba ng kusina habang pinagmamasdan si Katrina. Kumuha ito ng pitsel sa friedge at nagsalin ng tubig sa isang baso. Uminom muna ito bago sumagot s kanya.
"Yes," tipid nitong sagot.
"Bakit ka umiyak?" Alam niyang umiyak ito dahil sa nabungaran niya kanina nang pagbuksan sila nito ng pinto. "I know you did." Bumuntong-hininga ito saka nilagpasan siya. Papasok sana ito ng kwarto pero hinarang niya ang kamay sa daan nito. "Answer me first. Why did you cry?"
Hindi ito tumitingin sa mga mata niya kundi sa braso niyang nakaharang sa daanan nitong tinungkod niya sa pader. "Wala ka na doon. Hindi mo na problema 'yun." Akmang lalagpasan ulit siya nito sa kabilang panig pero hinarang ulit niya ang braso niya. Kita niya ang inis sa mukha nito.
"You're still my wife. Now, tell me why did you cry?" May diin ang boses niya pero hindi masyadong malakas. Gusto niyang maging maayos ang pag-uusap nila.
Tiningala siya nito at sinalubong ang mga mata niya. Nakita niyang kuminang ang mga mata nito at wari ba'y nagpipigil ng iyak.
"Naalala ko kung paano mo kami binalewala ni Daniel. Masaya ka na?" pero hindi nito hinintay ang sagot niya. Hinawi nito ang kamay niya at pumasok sa kwarto nito. Naiwan siya roong tulala sa huling sinabi ng asawa.
Para namang kutsilyong paulit-ulit siyang sinaksaksak nang paulit-ulit ring nagpe-play sa utak niya ang huling sinabi ni Katrina.
Naalala ko kung paano mo kami binalewala ni Daniel. Masaya ka na?
Gustong tumulo ng mga luha niya pero pilit niyang pinakatatagan ang sarili. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Kung nakaya niyang tiisin ang paninisi ng asawa niya sa kanya sa loob ng limang taon, hindi na bago sa kanya ang ganitong klaseng pakikitungo sa kanya ni Katrina.
He cleared his throat and composed himself. Lumapit siya sa pinto ng kwarto ng asawa. Isinandal niya ang noo sa pinto at pilit humuhugot ng lakas para kausapin ito. Gusto na niyang maayos ang relasyon nila. Gusto na niyang maayos ang pagsasama nila. Gusto na niyang makasama si Katrina sa iisang bubong ulit.
Hinawakan niya angbsedura at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nasilip niyang nakahiga si Katrina sa kama. Nakatagilid itong nakaharap sa bintana kaya hindi niya kita ang mukha nito. Pero para siyang tinusok sa puso nang marinig niya ng paghikbi nito. Hindi niya alam na umiiyak pa rin ito kahit limang taon na ang nakakalipas at o, nga pala, sinisisi pa rin siya nito sa nangyari.
Lakas-loob siyang pumasok sa loob. Alam niyang naramdaman nito ng pagpasok niya dahil lumikha ng tunog ang pagsara niya ng pinto.
"Katrina," mahinang tawag niya rito pero hindi siya nito nilingon. Napapapikit na lamang siya habang naritlrinig ang pag-iyak ng asawa. Masakit pa rin dito ang nangyari at mas dinadagan niya ng sakit sa ginawa niya.
Bumangon ito mula sa pagkakahiga at kitang-kita niya ang luhaang mukha ng asawa nang tingnan siya nito sa mga mata. "Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na?"
"Talk to me. Huwag mo naman akong itaboy ngayon? Gusto kitang makasama," may pagmamakaawa sa boses niya. Hindi niya kayang makita ang asawa sa sitwasyon nito ngayon na para bang hirap na hirap pa ring tanggapin ang nangyari.
"Hindi ikaw ang kailangan ko." Pinunasan nito ang luhang bumagsak sa pisngi nito.
Humakbang siya ng isa palapit sa asawa. Kahit gusto niyang daluhan ito para siya na ang magpunas ng luha nito pero alam niyang ipagtutulakan lang siya nito. "Ano bang gusto mong gawin ko para magkaayos tayo?"
"Ibalik mo sa akin si Daniel." Tumingin ito sa kanyang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila sa mga mata ng asawa. "Lyndon, ibalik mo sa akin si Daniel. Maibabalik mo ba sa akin si Daniel?" Lumakas ang pag-iyak nito matapos paulit-ulit na mabanggit ang pangalan ng anak nila.
Wala na siyang pag-alinlangan. Nilapitan niya ito at hinawakan ito patayo para maikulong niya sa kanyang mga bisig. Naramdaman niya ang pagpupumigpas ito pero kulang ang lakas para maitulak niya palayo.
"K-Kailangan ko si Daniel," sabi nito sa pagitan ng paghikbi. "Ibalik mo sa akin si Daniel."
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa. "I'm sorry." Wala siyang alam na ibang puwedeng sabihin. Kung puwede lang na ilipat sa kanya ang sakit na nararamdaman ng asawa ginawa na niya. Alam niya kung gaano kasakit para kay Katrina ang pagkawala ng anak nila. Simula nang mawala sa kanila si Daniel ay halos hindi na naging maganda ng pagsasama nila. Siya ang sinisisi nito kung bakit nasira ang relasyon nilang dalawa. At halos tatlong taon na rin niyang sinusubukan na maisalba ang ipinangako nila sa isa't isa nang maikasal sila. Mananatili silang mag-asawa sa hirap at ginahawa.
Nagulat naman siya nang bigla siya nitong tinulak ng malakas dahilan para mabitawan niya ito at mapaatras siya. Tiningnan niya ang mga mata nitong may nag-aapoy na galit.
"I don't need your sorry, Lyndon!" Pinunasan nito ang tumulong luha mula sa mga mata. "I need our son! Give me back my son!" Hanggang sa napaupo na ito sa sahig sa sobrang iyak. "I need our son, Lyndon. Give me back my son."
Dinaluhan niya ito at mahigpit na yakap. Nagpupumiglas ito at pilit siyang tinutulak pero kung gaano kasakit ang nararamdaman niya sanpagtulak nito ay wala ito sa sakit na nararamdaman ngayon ng kanyang asawa. Inalo niya ang ulo nito para pakalmahin ang pag-iyak ng asawa. Hinagod niya ang likod nito baka sakaling mapanatag ito sa bisig niya.
"Tahan na." Wala nang nagawa si Katrina sa pagpupumiglas nito dahil hindi niya rin hinayaang makawala ito sa pagkakayakap niya. Kinulong niya ang mukha nito sa pagitan ng mga palad niya at pinagdikit ang mga noo nila. "I can't bring him back. Wala na si Daniel. At hindi niya magugustuhan ang nangyayari sa atin."
Naririnig niya ang paghikbi ni Katrina. "Kung dinaluhan mo lang sana ako, hindi tayo magkakaganito, Lyndon. Hinayaan mo akong magluksa mag-isa. Hindi mo man lang ako dinaluhan. Ni hindi ko nakita ang presensya mo. Ni hindi ko naramdamang nasaktan ka rin sa pagkawala ng anak natin. Ni hindi mo ako pinuntahan! Kaya hindi ko kasalanang nagkakaganito tayo! Ikaw ang may kasalanan nito!" Malakas n hinawi nito ang mga kamay niya na nakasapo sa pisngi nito. Tumayo ito at iniwan siya roon mag-isa sa kwarto.
Doon na tumulo ng mga luhang pinipigilan niyang makita ni Katrina. Pilit noyang pinipigilan ang sakit na nararamdaman. Hindi siya puwedeng manghina ngayon. Hindi siya puwedeng bumigay sa sobrang kalungkutang nararamdaman.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note!
Just because you promised to stay, does it mean you shouldn’t break it anymore even if it’s not working already?
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...