Chapter 13

3.1K 59 0
                                    

ABALA si Katrina sa pagre-review ng mga articles at summary ng mga naging interviews ng mga staff writers nila para sa magazine issue nila. Paminsan-minsan ay sumisimsim siya sa kape na tinimpla ni Crsytal kanina pagkapasok niya ng opisina. Hindi naman niya namalayan na pumasok ang sekretarya niya sa loob sa sobrang pagka-busy niya sa mga binabasa. Nakuha lang nito ang atensyon niya nang tumikhim ito at nakatayo na sa harapan niya.

"Minsan, puwedeng magpahinga," ani Crystal.

"Sorry," aniya.

"Bakit binubugbog mo ang sarili mo sa trabaho?" umupo ito sa visitor's chair sa harapan ng office table niya. "Gusto mong lumabas mamaya? Girls' night out?"

Halos umikot ang mga mata niya sa sinabi ni Crystal. "Wala na ako sa tamang edad para d'yan. Umayos ka nga. May asa—." Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil na-realize niya kung anong muntik nang lumabas sa bibig niya.

"May asawa ka na?" may anunundyo ang boses ni Crystal. "O—kay?"

Akmang tatayo na ito nang mabilis na hinawakan niya ang braso nito. "Saan ba? Sino na naman kasama mo?" iritableng tanong niya hindi dahil sa panunundyo nito kundi sa panunundyo ng utak niya. Bakit ba kasi muntik nang lumabas sa bibig ko ang salitang iyon?

Nakakalokong nakangiti naman si Crystal nang bumalik sa pagkakaupo sa visitor's chair. "Bar & Bread sa Esplanade. Eight p.m. sharp. Huwag kang mawawala. Isama mo 'yung asawa ni Mr. Belgrad. Magkaibigan kayo, 'di ba? Para maipasyal naman natin siya dito sa Singapore."

"Okay, fine. Lumayas ka na," pagtataboy niya rito. "Marami pa akong gagawin."

Pagsara-bukas na lamang ng pinto ang sunod niyang narinig. Ginugol na lamang niya ang sumunod na tatlong oras para sa pag-e-edit ng mga articles. Pagkatapos ay s-in-ave niya ang mga articles sa flashdrive. Napahilot na lamang siya sa kanyang sentido. Pagkatapos nito ay siya nang gagawa ng mga designs ng mga gown na gagamitin sa pictorial pero mukhang kailangan niyang magpahinga muna. Mabuti na lang ay niyaya siya ni Crystal na lumabas mamaya. Kahit papaano ay makakapagpahinga siya bago sumabak ulit sa pagdo-drawing at pagtatahi.

Bigla naman siyang napatingin sa maliit na calendar stand sa ibabaw ng mesa niya pagkababa ng mga kamay. Nakagat niya ang ibabang labi nang matuon ang mga mata niya sa partikular na numerong may malaking bilog na itim na marker. Nilayo naman niya ang tingin doon. How she forgot about it? Kasi hindi na mahalaga iyon. Pilit niyang tinutuon sa ibang bagay ang isip niya para malayo sa numerong iyon. Pero mukhang makulit ang kanyang puso at isip na napatingin na naman siya sa kalendaryo.

9th Wedding Anniversary

Napaismid naman siya. Wala ng dahilan para i-celebrate ang okasyon na iyon. Tamang-tama na niyaya siya ni Crystal lumabas mamaya. P'wes, sa ganoong paraan siya magsi-celebrate. Naku, parang sabik na ang lalamunan niya makatikim ulit ng alak.

Tumayo na siya at kinuha ang flashdrive sa ibaba ng mesa niya at lumabas ng kanyang office. Kahit labag sa kalooban niya pero kailangang maibigay na niya kay Lyndon ang mga articles at masimulan nang ma-lay-out ang mga iyon. Hinanap niya si Crystal sa puwesto nito pero wala ang babae.

"Saan na naman nagpunta ang babaeng iyon?" aniya.

Ipapabigay na lang sana niya pero mukhang tinatakasan siya nito. Wala siyang nagawa kundi idaan na lamang kay Lyndon ang flashdrive. Didiretso na lamang siya sa labas para bumili ng makakain niya pagkatapos. Ilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa pinto ng opisina ni Lyndon nang biglang bumukas iyon at iluwa 'nun si Xaniel. Pareho pa silang gulat nang makasalubong nila ang isa't isa.

"Anong ginagawa mo rito?" may iritasyon ang boses ni Xaniel.

"Chilax, I'm just going to give him this," sabay angat ng kamay niyang may flashdrive. "Or do you want to give this to him yourself?"

"I'm busy," sabay tuloy-tuloy itong naglakad at nilagasan siya.

She smirked. Hindi na niya pinansin ito. Tumuloy siya hanggang sa pinto ng opisina ni Lyndon. Walang katok-katok na tumuloy siya sa loob. Hindi naman niya alam kung bakit umangat ang kaba niya kahit na nakatutok ang mukha nito sa screen ng laptop na kaharap. Hindi nito inaangat ang ulo. Pilit naman niyang pinakalma ang sarili bago pa nito mahalata ang panginginig niya.

"One moment, Xaniel, pag-iisipan kong lumabas mamaya," walang tingin-tingin na saad ni Lyndon.

Tumikhim naman siya para makuha niya ang atensyon nito. Umangat naman ang mukha nito sa kanya at kitang-kita niya ang gulat sa guwapo nitong mukha.

"Katrina?" parang hindi makapaniwalang tawag nito sa pangalan niya. Tumayo naman ito para lumapit sa kanya pero agad naman siyang umatras na napansin naman agad nito ang pagdisgusto niya sa ginawa nito. "Anong ginagawa mo rito?" masigla pa rin ang boses ni Lyndon animo'y tuwang-tuwa na makita siya.

Inangat niya ang kamay kung nasaan ang flashdrive. "Just came by to give you this." Hindi na niya hinintay na kunin iyon ni Lyndon sa kamay niya kaya siya na ang nagkusang ilagay iyon sa kamay nito. Kinuha niya ang kamay nito at nilagay iyon sa palad nito. Hindi na niya hinintay ang anumang sasabihin nito at tinalikuran na lamang ito. Pero bago pa siya makahakbang ay bigla nitong hinawakan ang braso niya. Tiningnan niya ito ng masama. "Ano na namang problema mo?" inis na tanong niya rito.

"Can we go out later?" tanong nito na parang walang pake sa pagsusungit niya. "Just want to celebrate our 9th anni—."

"We don't have something to celebrate, Lyndon," putol niya sa anumang sasabihin nito. "Else, I have something to do later. More important than you."

Biglang dumilim ang mukha nito. Mukhang hindi nagustuhan ang sagot niya.

Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

Tiningnan niya ito sa mga mata at pilit na kinalma ang sarili sa pagrambol ng mga laman-loob niya dahil sa pagkakadikit ng mga balat nila. Ayaw na ayaw niya na magdidikit dito dahil biglang nawawala ang tino niya sa sarili.

"Wala kang pake," aniya sabay talikod dito at dumiretso sa pinto ng opisina nito. Hindi na niya kakayaning tumagal pa sa tabi nito. Narinig pa niyang tinawag nito ang pangalan niya pero hindi na niya pinansin at tuloy-tuloy na lumabas ng opisina nito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's Note!

Gonna published different series including Mhike and  Xaniel's stories. I hoped you would support them! Votes and comments are greatly appreciated! Thank you so much! Kinda busy because I am currently editing Julianne, The Beautiful Cop and preparing the other completed stories for future purposes. Love lots. God bless!

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon